There's A Past
(A/N: For the first time po ay tignan naman natin ang kwento ng ibang characters. You will surely love it.)
MARIANA BARTLETT
Two weeks kami kina Cem (Cindy Ella Mae). Well, I have fun there and also my twin sister Marina.
Balik eskwela na naman kami ngayon. Mamimiss ko iyong lugar na iyon. It's simple but beautiful. No wonder why my cousin, Cem, choose that kind of life than her past life. Well, ngayon engage na ang babae na iyon. Nakita ko na rin ang itsura ng fiancé niya, ang tangkad, may perfect face and angelic also. Maybe, he's kind at higit sa lahat ang ganda ng hubog ng katawan niya. Tagos kasi iyon sa t-shirt niya dahil thin lang naman iyon, swerte ng pinsan ko!
Tulad nga ng sabi ko, balik eskwela na naman kami ng twin sister ko. Tapos na kasi ang bakasyon namin na hiningi pa namin kay Dad. Kaso may one condition nga lang siyang hiningi sa amin. Iyon ay dapat wala kaming magiging absent sa mga susunod na school days. Hindi na rin kasi umaasa pa si Dad na tumaas pa grades namin. Tulad nga ng sabi sa isang qoute...
'Aanhin mo pa ang 95 kung uso naman ang 75, diba?'
Hindi ko na kailangan ng matataas na grades since hindi naman ako mag-aaply ng trabaho. Tsaka senior high school palang kami, bata pa kung baga.
Tulad nga ng sabi ko ay balik eskwela na...
Teka nga, pang-ilang beses ko na ba ito naulit. Aish! Kung saan-saan kasi napupunta ang mga sinasabi ko.
So ayon nga balik eskwela na kami ng kambal ko kung kaya't nasa eskwelahan ako. Well, saan pa ba ako pupunta?
So ayon nga, nasa hallway na ako ngayon naglalakad papuntang classroom ko. Then suddenly, I saw Grace, my bestfriend. Si Grace iyong bukod kay Marina na ka-close ko dito sa school. Three years na kami niyan magbff, mag-aaniversary na nga kami.
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
Teen FictionCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...