PROTECT HER
-Eijun-
*♡Mr.Perfect, Mr.Perfect,
Mr.Handsome, Mr.Handsome
Incoming message♡*"Talagang wala kang planong palitan ang sinungaling mong ringtone?" Binigyan ko ng isang sobrang sama na tingin si Tom dahil sa sinabi niya.
Nag peace sign siya at dumistansya sa akin ng kaunti. Tsk! Takot talaga sila sa akin kapag alam nilang wala ako sa mood.
E, badtrip naman kasi. Ako pa talaga itong naatasan ng Math teacher namin na mag tutor daw sa isa naming classmate na sobrang bagsak na sa subject niya. E, bagsak na pala, edi bigyan niya na ng red mark sa card nito. Simple lang naman iyon pero tsk! Kailangan pa talagang isturbuhin ako at bigyan ng consideration iyon? Bakit? Dahil sayang ang contribution no'n sa school? Naku talaga!
Ang malala pa ay ang katotohanang babae ito at hindi lang basta babae kasi ex siya ng rival ko, si Legazpi. Paano kung iba ang isipin non?
At si Ella...
Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako nang maalala ko ang mukha niyang pulang-pula dahil sa sinabi kong cute siya.
"Wala na ito, mental hospital na talaga ang bagsak ng taong 'to."
Nagsalita na naman si Tom kaya ngayon ay binatukan ko na siya. Ang epal eh!
"Aray! Masakit, Tol! Mabobobo ako dahil diyan sa batok mo. Bahala ka, wala ka ng matalinong kaibigan."
"Shut up! Gawin mo na nga lang iyang pinapagawa sa atin nang matapos na tayo dito at makauwi na."
"Paano ko ba naman kasi ito matatapos agad kung hindi ka naman tumutulong? Mukha ka lang dyan tanga na nakatulala at nakabusangot pero mayamaya ay ngingiti na para bang kinikilig. Tell me, Tol. Am I really safe here with you? Ang creepy mo kasi. Baka mamaya niyan kagatin mo na lang ako dahil akala mo ay pagkain ako."
At talagang! Anong akala niya sa akin, baliw na? T-Tsaka!
"Hoy! Hindi ako kinikilig!"
Sinong nagsabing kinikilig ako? Kay Ella? Ano ako, bakla? No way!
"Tol..." Tom tapped my shoulder. "Wala akong sinabing kinikilig ka, sabi ko parang kinikilig ka, magkaiba iyon." Tapos umiling-iling siya habang nakangisi na para bang pinapahiwatig niya na nahuli rin ako sa wakas! O baka paranoid lang ako? "Oh? Bakit namumula iyang mukha mo? Nadali ko ba?"
Tsk! Tsk! Tsk! TSK!!!
Tumayo ako at dali-daling lumayo sa kanya. For the first time in the whole history, I am speechless at walang masabi kay Tom.
Ultimo kasi sarili ko, sumasang-ayon sa sinabi niya.
Pero hindi e! Bakit naman ako kikiligin? Ako kaya ang lalaki. Bakit ako ang kikiligin?
Dahil baka mabaliw ako sa kakaisip ay binuksan ko na lang ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nagtext.
FROM: Engot
Oy, late ako makakauwi.
Napakunot ang noo ko.
Saan naman kaya siya pupunta? Baka kung saan-saan lang siya pumunta, mapagbawalan nga pero bakit ko naman siya pagbabawalan? Kami ba?
Engage kayo.
Oo nga naman. Fiancè ko siya kaya may karapatan akong pagbawalan siya.
Engage kayo pero arrange lang...
Natigilan ako. Walanghiya! Nababaliw na ata talaga ako. Dahil sa magulo kong isip ay ang nareply ko lang ay Okay, ang pinaka-safe na sagot sa ganitong magulo ang isip ko.
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
Teen FictionCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...