FIFTY-THREE

13 1 0
                                    

RUINS

-Cindy-

"Goodmorning, Cindy," bati ng isang third year na babae. Hindi ko na lang ito pinansin. Nasa hallway kasi ako ngayon.

"Goodmorning po, Cindy," bati naman ng isang lalaki. Hindi ko na lang rin pinansin, mga feeling close kasi.

Marami pang bumati sa akin pero snob lang ako. Hindi ko naman kasi mga kakilala pero bati ng bati. Nakakaumay na.

"Kawawa naman ng mga taong iyon, hindi mo man lang pinapansin." Hinanap ko ang nagsalitang iyon at katulad ng inaasahan ay si Levi ang nakita ko.

"Bakit ko naman sila papansinin? Hindi ko naman sila kilala."

"Pero nag-effort din sila para batiin ka."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Simula kasi nang manalo kami sa Battle Bands ay nagbago na ng tuluyan ang trato sa akin dito sa school. May bumait, may nagwala at maraming naiinggit. Lalo na pa sa katotohanang ako ang tinutuloy na 'special' ni Eijun.

Sport din si Levi. Binati niya pa nga akong congratulations at nakipagbiruan tungkol sa boses ko. Bakit ko raw tinatago ang ganoong talent? Flattered much naman ako. At as usual, si Eijun ang pumutol sa kasayahan namin at pinamukha pa kay Levi na talo sila. Naku talaga...

"Alam mo pala pero bakit hindi mo rin sila pinapansin?" Natahimik ang loko. Naalala niya rin siguro na kung snob ako, mas snob siya. "'Kala mo ah!"

Ngumiti siya. "Ang galing mo talagang sumagot ng pabalang. Saan mo ba iyan natutunan?"

"Inborn. Nga pala, anong pakay mo?"

"Ikaw," seryoso niyang sabi pero batok ang sinagot ko sa kanya.

"Seryoso nga. Ano ang pakay mo?"

"Ikaw nga sabi. Tanda mo pa iyong usapan natin? Tutuparin ko iyon ngayon."

Usapan? Ay, oo nga pala. Halos malimutan ko na iyon ah! Si Eijun kasi...

"Ngayon na? Hindi ba't may pasok pa tayo? Cutting ulit?"

Tumawa siya bigla. "Hindi mo ba alam? Walang pasok mamaya. May meeting daw ang mga teachers. Hindi ba sinabi sayo ng Mommy mo?"

Natahimik ako sa tanong niya. Oo nga pala, hindi niya alam ang issue ng family ko. Ngumiti na lang din ako.

"Hindi ko kasi sila kasama sa bahay."

"Why? Madalas ba silang wala dahil sa business?"

Natawa na lang ako sa loob-loob ko. Naku! Kung alam mo lang kung paano sila katagal bago umuwi galing sa lintik na business na iyan.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nasa separate kasi kaming bahay ni Eijun. You know, tini-training na para sa future namin."

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko pero nang napansin kong natigilan si Levi ay napalingon ako sa kanya. Agad naman itong humabol.

"A-Ah, gano'n ba. By the way, are you in?"

Nag-isip muna ako para may thrill pero in the end ay um-oo na lang din.

"Sige, mamaya ah. Sa dating restaurant na lang tayo magkita?"

Agad naman akong tumango sa idea niya. Mahirap na kasing machismis sa sitwasyon ko ngayon. Baka simpleng paglabas ko kasama si Levi ay makarating pa sa Principal Office. Ayoko kayang makakita ng makakasira ng araw ko.

Dumiretsyo ako sa locker ko at pagbukas na pagbukas ko no'n ay ang raming 'love letters' ang nahulog galing sa loob. Pinabayaan ko lang. Bahala na iyong janitors ang magligpit niyan. Hindi ko naman kasalanan na ang babait ng mga students dito at pinapadalhan pa ako ng mga sweet letters.

My Ella's Fairytale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon