Twin Brother
CINDY
"Cindy, dito ka lang," ang sabi niya, halatang kinakabahan.
"Bakit Kuya? Tagu-taguan ba 'to kaya pinapatago mo ako sa loob ng closet mo?"
"O-oo, kaya huwag kang papahuli, Cindy Ella Mae. Kahit anong mangyari, huwag kang lalabas."
"Opo Kuya, ikaw saan ka magtatago?"
"Meron na akong pagtataguan kaya dyan ka lang, ha?" At binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti.
"Maging masayahin ka, bunso."
*****
*kringkringkring*
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Bumangon ako at pinatay ito.
"Anong oras na ba?" Tinignan ko naman ang nahintong alarm clock. "Hell no! It's 6:30."
Tapos wala pang nagluluto. Lagot na!
Agad-agad akong bumangon at naligo at blah-blah-blah. Basta ang namataan ko nasa baba na ako at papunta ng kusina kaso nang nasa may kusina ako...
Hindi ko akalaing marunong rin pala magluto ang isa na ito.
Paano ba kasi, nakita lang naman ng dalawa kong mata ang isang himala. Teka, baka tulog pa ako.
I pinched my chicks... waah! Hindi ako nananaginip. Miracle do exist!
"Anong tinutunganga mo dyan?" sabi niya at umupo siya sa isang silya na kaharap lang ng isang mesa sa kusina.
"I-ikaw ang nagluto?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Bakit may iba pa bang tao dito? Swempre ako lang."
Sabagay, may point siya pero kahit na, nakakabigla talaga. Sa ilang araw na pagsasama namin ay ngayon ko lang siya nakitang nakaharap sa stove at nagluluto.
Lumapit ako at naupo sa isa pang silya na nasa harap niya.
"Marunong ka palang magluto," ika ko.
Tahimik kaming kumakain nang magsalita siya.
"Hindi ka talaga makapaniwala, ano?" Napatingin naman ako sa kanya dahil my kayabangan ang tono niya. Mukhang inatake na naman siya ng kayabangan niya. "What do you expect? Diba tumitira ako dati sa isang condo? Kaya't nasanay akong gumalaw sa loob ng bahay. Naranasan ko nang maging independent kung baga," Tapos tumayo na. "Okay then, I'm done."
Kita ko ngang ubos na ang pagkain niya. Kung ano man itong niluto niya, honestly masarap kaso...
Hindi ko pa rin nalilimutan ang nangyari kagabi.
"O sige, madali na rin naman akong matapos. Huhugasan ko lang ang mga pinggan, hintayin muna lang ako sa kotse," sabi ko na may kalamigan.
"At bakit naman kita hihintayin? Mauuna na ako, malapit na kayang mag-alas syete," reklamo niya. Katulad ng inaasahan ay hindu niya nagustuhan ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
Teen FictionCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...