THIRTY-NINE

15 1 0
                                    

MIDDLE OF THE NIGHT

-Cindy-

Once upon a time, there was that not-so-famous band that I admired a lot. Sa banda na iyon, kasali roon si Kuya Ken. Siya ang lead vocalist, syempre dahil siya lang ang may lakas ng loob na kumanta sa band na iyon.

Blurred ang mga alaala ko about sa band na iyon pero naalala kong nagkiki practice, nakikisali at nakikisama ako kapag may practice sila. Alam kong masaya ako noon. Kahit hindi ko na matandaan ang mukha ng mga kabanda ni Kuya Ken, alam kong itinuring din nila akong parte noon.

Then suddenly, it was gone. Parang dumaan lang siya sa mga alaala ko. I forgot the name of the band. The members and their faces. Si Kuya Ken lang ang inalala ko roon.

It was okay for me. I told you, I'm too young to notice problems, tensions and fights. Masyado akong tiwala sa mundo na hinding hindi niya ako bibigyan ng kalungkutan kasi masaya na ako.

Then that day came. Everything change. The mansion, the surroundings and the people in it. Kung baga parang isang langgam lang, kapag sinira ang tahanan nito, magkakagulo ang lahat. Mawawalan ang direksyon at mawawalan ng balanse.

Iyon ang nangyari sa akin.

Akala ko tapos na iyon. Masyado na akong depress sa pagkamatay ni Kuya Ken. Halos ayaw ko nang kumain. Ayaw ko nang lumabas sa kwarto, sa closet ko. Ayaw ko nang may makausap pang ibang tao. Ayaw na ayaw ko na e!

Akala ko, nawalan ako ng emosyon. Pakiramdam ko na manhid ako sa sakit na dinanas ko.

Pero hindi, isang kakaibang takot ang naranasan ko ulit pagkatapos lang ilibing si Kuya Ken.

There this woman who suddenly grabbed me and put me inside a van. Blurred na ulit ang mga nangyari pero nakita ko na lang ang sarili ko na nasa harap ng isang foreigner na parang manghang-mangha sa ipinakitang video sa kanya ng babae. Unfortunately, the video shown my performance and my voice.

Doon ko na realize na isa siya sa mga membro ng bandang iyon nina Kuya Ken. She's the one who plays with the keyboard. Minsan tinuruan niya rin ako kapag wala si Kuya Ken noon.

I thought she's kind but that's just a thought, though. Kasi kung mabait talaga siya, bakit niya ako ilalapit sa foreigner na ito? At bakit parang ipignabibili niya ako? Kailan pa ako for sale at bakit ako for sale?

Maraming tanong na hindi ko masagot. Takot na takot ako magsalita. Gumalaw para tumakas at sumigaw para humingi ng tulong.

Syempre dahil naisip ko. Wala na si Kuya Ken, who's going to rescue me? Hindi pa rin dumadating sina Mommy, wala silang alam at mukhang wala naman silang pakialam. Dito na ata ako matatapos e.

Kinain na ako ng negative thoughts. Feeling ko, iyon na talaga. Doon na matatapos ang buhay ng isang Cindy Ella Mae.

But she came, Ate Chocolate saved me from there.

"Sino si Ate Chocolate?" Iyan ang unang tanong ni Eijun sa akin. Mukhang hindi niya na mapigilan na magtanong.

"Don't know. Basta ang alam ko ay nakita ko na siya dati at sa unang pagkikita namin ay binigyan niya ako ng chocolate, kaya tinawag ko na lang siyang Ate Chocolate."

Natahimik si Eijun. Then nagtanong na naman.

"She saved you? After that, what happened?"

"Uhm, dahil iyak lang ako ng iyak sa mga braso niya ay kinantahan niya ako. A familiar song. Isang kantang palagi kong nadidinig every night simula nang namatay si Kuya Ken."

My Ella's Fairytale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon