THIRTY-SIX

21 1 0
                                    

TEARS

-Cindy-

Kulang na lang ay paliparin ako ni Eijun dahil sa lakas ng pagkakahatak nito sa akin. Masakit na nga ang braso dahil sa pagkakahawak niya rito. Para bang doon niya nilabas lahat ng galit at inis niya.

E, ano naman ang kinakagalit niya? Ang pagsama ko kay Levi? Bakit? Ako ba nang nakita ko sila ng Hannah na iyon ay nagalit ako? And worst, sa apat na araw na magkakasunod pa! Pero hindi ako nagreklamo kasi alam kong arrange lang. Oo, langya! Alam ko kasing wala akong karapatan magreklamo kaya hindi ako nagrereklamo.

But what the heck naman! Kalahating araw ko lang nakasama si Levi, daig niya pa ang nadaya ah!

Sa VIP room niya ako dinala tsaka pabagsak na sinarado ang pintuan at ni lock pa! Wala rin dito sina Tom at kaming dalawa lang talaga.

"A-Ano ba ang problema mo?!" Hindi ko na napigilan at napasigaw na talaga ako. Kung galit siya, mas galit ako!

"Ikaw! Hindi ba't binalaan na kitang huwag na huwag kang makipagkaibigan sa taong 'yon? Napakatigas talaga ng ulo mo kahit kailan!"

"Wow ah, sorry naman po Mr. Role-Model. Hindi po kasi ako puppet na pwede mo lang dikta-diktahan." Tinalikuran ko na siya at akmang lalayo sa kanya nang hilain niya ako at tinulak sa likod ng pinto. Then he trapped right there with those strong arms of his!

Kasabay ng mabilis na pangyayari na iyon ay ang pagbilis din ng tibok ng puso ko. Ang lapit ng mukha niya at pakiramdam ko ay nanghihina ako dahil doon.

Ang unfair naman. Bakit ang lakas ng apekto niya sa akin? Anong laban ko dito, dito sa puso ko na kulang na lang ay sambahin siya?

"Hindi ka pumasok para lang makasama siya?" Nanlilisik pa rin ang mga mata niya. Naalala ko tuloy noong una kaming nagkita. Walang-wala ang galit niya noon sa galit niya ngayon. Pakiramdam ko ay kakainin niya ako o sasaktan. Sobra-sobra tuloy na kaba ang nararamdaman ko.

And those eyes...

Damn, those eyes can make my whole system lost it's control.

"A-Ano naman sayo?" I tried to fight the things that I'm feeling right now. Wala ito sa lugar at kailangan itong i-lugar. Or else I'm going to lose in this battle.

Naalala ko tuloy ang tanong ni Happy sa akin.

"And why not? Fiancè mo naman siya, 'di ba? Sayong sayo na iyong tao, pakakawalan mo pa?"

No. I won't lose to this fight. Kahit kailangan ko pang itabi ang mga nararamdaman ko na ito ay gagawin ko.

"At kailan pa kayo lumabas? Date?"

At saan naman nakuha ng Asungot na ito ay impormasyon na iyan?

"Ano nga naman sayo? Ano ba ang kinakagalit mo dyan?"

Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Iyon bang tipong halos magtama na mga ilong namin sa isa't isa. Pakiramdam ko tuloy hindi na ako makahinga dahil ang mabango niya na lang na amoy ang pumapasok sa ilong ko.

Matalim niya akong tinignan. "Gano'n ka ba talaga kalandi?"

At doon naputol ng tuluyan ang iniingatan kong pasensya.

H-How dare he!

Isang malakas na sampal ang naigawad ko sa mukha niya. Napaatras siya ng kaunti at napahawak sa pisngi niyang namumula na ngayon.

I can feel my eyes watering. Kainis! Sobrang nakakainis!

May nakita akong guilt sa mga mata niya pero huli na e! Nasaktan na ako ng sobra.

My Ella's Fairytale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon