The Enemies
CINDY
Sa wakas! Pagkatapos ng mahabang paghihintay ay tapos na rin ang klase. Nakakabagot talaga sa loob ng classroom, lalo na kapag class hour. Haay!
Siguro iniisip niyo dati na isa akong matalinong bata at bookworm. Nah! I'm not like that.
Dahil na rin siguro sa Kuya ko na may isang malaking library sa bahay kaya napahilig akong bumasa pero hindi ibig sabihin no'n ay matalino na ako.
Syempre, isa pa rin akong rich brat na walang pakialam sa pag-aaral kaya kapag may exam, takbo agad ako kay Happy para magpaturo. Siya talaga itong totoong matalino.
"Hoy! Tapos ka nang mag-ayos ng gamit mo?" Biglang lumitaw sa harapan ko si Happy.
Tumango na lang ako.
"Uuwi ka na ba?" tanong niya ulit.
"Oo, wala kasi ro'n katulong kaya dapat maaga akong umuwi."
"Oh! Gano'n ba? Bakit ba kasi inalis mo ang mga maid d'on? 'Yan tuloy hirap ka ngayon."
Nagkibit-balikat na lang ako.
"I have my own reasons. Huwag na nga iyan ang pag-usapan natin. Ayoko ng mga salitang katulong o maid man."
"Ayaw raw e, kakasabi mo pa lang."
Hay, ang kulit talaga nito.
"I'm just saying it!" At tinawanan niya lang ako.
"Ah! Nosebleed." Tapos nag-arte pa siya na parang nano-nosebleed.
Napailing na lang ako ng bahagya.
"Aba, ewan ko sayo," sabi ko pero sa totoo lang, namiss ko rin itong kulitan namin. Matagal-tagal na rin ng huli, mabuti talaga at nagsama ulit kami.
"Tara na nga!"Naglakad na kami papuntang pintuan kaso bigla kaming hinaharangan ng mga alipores ni Karen Legazpi.
Nag-signal siya sa mga kaklase naming magsilabasan. Dahil siguro sa takot, wala pang isang minuto, kami na lang ang natira ro'n. Binalingan ako ni Karen na may ngiti sa mukha.
"Hi! Ako nga pala si Karen Legazpi." At naglahad siya ng kamay.
Dahil friendly naman ako ay tinanggap ko na kaso, when I'm about to touch her hand, ay bigla niya akong sinapak gamit ang kabilang kamay niya. Nabaling tuloy sa kanan ang mukha ko.
"Ow, sorry. Gumalaw bigla iyong kamay ko," sarkastiko niyang sabi, sa boses ay may pagtutuya. Winagayway niya pa ang kamay niyang pinangsapak sa akin.
"Hoy! Akala ko ba, makikipagkaibigan ka?!" galit na sigaw ni Happy, namumula na sa galit ang mukha niya. Pati siya ay hindi rin inaasahan ang ginawa ng babae. Lalapit na sana si Happy nang biglang tinulak ito ng isang alipores ni Karen.
"Sorry, huwag ka kasing masyadong epal," sabi pa nito. Doon nag-init ang ulo. Sabi ko nga diba? Awayin mo na ako't lahat pero huwag mo lang kantiin ang best friend ko.
Lalapit na sana ako kay Happy para tulungan siya kaso hinila ako ni Karen sa ibang direction ng pagkalakas-lakas dahilan para ma-out of balanse ako at napaupo rin sa sahig. Ngunit mukhang 'yon talaga ang intensyon ng babae, she eyed me warningly.
"Asan nga pala ang kambal na spoiled brat? Mukhang iniwan kayo," she asked while walking around me.
"Hindi sila nang iwan, may pinuntahan lang sila. Magka-iba 'yon," sabi ni Happy. Natigilan naman si Karen sa harap ni Happy at tinignan siya ng sobrang sama. Nanggigil itong lumapit at pinisil ang pisngi ni Happy. Aalma sana ako at tatayo pero pinigilan ako ng mg alipores ni Karen.
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
Teen FictionCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...