FORTY-SEVEN

18 1 0
                                    

PROTECTIVE BESTFRIEND

-Cindy-

Ano ba naman iyan? Bakit ayaw pumayag ng Asungot?

"Dali na, Eijun! Babalik lang naman ako sa Lunes."

Pinipilit ko kasi siyang payagan akong mag stay muna sa dati kong bahay kasama si Happy pero ayaw ng Asungot. Ang tigas talaga ng ulo nito.

"Masyadong mahaba. Baka ako ang pagalitan niyan," Sinabi niya iyon habang hindi ako tinitignan na para bang wala talaga siyang planong payagan ako.

"Okay, Linggo na lang tuloy."

In-adjust ko na iyan pero hindi pa rin siya pumayag. Isang dakilang iling lang ang binigay niya sa akin.

"Sabado?" Hindi pa rin siya pumayag. "Biyernes?" Akala ko hindi na siya kikibo pero bigla siyang tumingin sa akin sabay sabing...

"Bukas."

H-Huh?

"Ang dali naman no'n. Parang nag-overnight lang ako niyan. Biyernes na lang..."

"Ayoko." Iyon ang palagi niyang sagot kahit halos magmakaawa na ako sa kanya at lumuhod. Kainis naman!

"Sige, gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Payagan mo lang ako."

Talagang isusugal ko ang lahat dito. Nang pumunta kasi ako roon ay narealize ko na sobrang na miss ko ang manirahan doon. Tsaka miss ko na miss ko na rin makasama sa pagtulog ang best friend ko.

Hindi naman sa gusto kong iwan si Eijun pero minsan lang naman, 'di ba? Kahit this time lang. Tsaka mag-aaral din kasi kami ni Happy para sa up-coming exam. Though may tutulong na talaga sa akin sa pagre-review ay iba pa rin naman kasi iyong nakasanayan na, 'di ba? All in one na kaya ito.

So I need this one. Just this once.

Pagkatapos ko iyon sabihin ay parang lumiwanag ang mukha ni Eijun? Ang sarap tuloy bawiin...

"Okay, sinabi mo iyan." At may kinuha siyang papel at ibinigay sa akin. Tinignan ko naman ito.

"What's this?"

"Papel, hindi ba obvious?" automatic niyang sagot kaya automatic ko din siyang binatukan.

"What I mean is for what?"

Ngumiti siya ng malapad na nagpakaba sa akin ng sobra. Hindi iyong kaba na madalas niyang ipadama sa akin kapag kasama ko siya pero iyong kaba na ikakatakot mo. Ako lang ba o parang may pinaplanong masama si Eijun?

"You just solved my problem. I'll meet you tomorrow at lunch break. Hmm?"

"So pumapayag ka na?" Tumango lang siya habang binabalik ang atensyon sa ginagawa pero dahil sa sobrang tuwa ay napayakap ako sa kanya ng mahigpit sabay nakaw ng halik sa labi niya. "Thank you! You're the best talaga."

Malapad naman na ngumiti si Eijun pabalik kaya ayan na naman ang puso kong may racing competition.

"Ahem, ahem..." May biglang may nagsalita sa gilid namin at mukha ni Tom ang nakita namin. Agad naman akong lumayo kay Eijun. "Ano ito? Tuloy na tuloy na ba ang kasal niyo? Baka pwede naman ata mang-invite."

Dahil sa sinabi niya ay namula ako ng sobra. Lalo na nang mapagtanto ko na ando'n din pala si Ryo at Gabriel. Dahil sa sobrang pagkahiya ay tumakbo na lang ako paalis doon. Shemay lang!

*****

"So pumayag na siya?" Tumango na lang ako sa tanong ni Happy habang naglalakad. Pauwi na kasi kami ngayon sa dati naming tinutuluyan. Naglakad lang kasi kami mula doon sa kanto dahil doon kami ibinababa ng jeep.

My Ella's Fairytale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon