JEALOUS
-Mariana-
"Mabuti at naisipan mo pang pumasok?" pabalang kong sabi kay Cem.
Akalain mo ba namang alas tres na siyang pumasok sa klase, e isang oras na lang, uwian na namin. Ano akala niya sa sarili niya, teacher? Papasok lang kapag gusto niya? Aba't abusado naman ata iyon.
"Saan ka galing?" dagdag ko pa.
"Galing ako sa lugar na sobrang ikakatuwa niyo ng kapatid mo." Tsaka siya masamang tumingin kay Marina. "Masaya ka na? Salamat, ha? Ang ganda ng mood ko dahil sayo." Puno ng sarkastikong tono ang mga salita niya.
Magsasalita na sana ako para pagalitan pa siya pero pinigilan ako ng kakambal ko. "Hayaan mo na iyan, huwag mo na siyang galitin pa."
"And why is that?! Parati na lang ba tayong papayag sa mga kagustuhan niyan, edi mas lalo iyan na spoiled." Dahil sa sinabi ko ay nakatanggap ako ng masamang tingin galing kay Cem.
"Huwag mong uubusin ang pasensya ko, Mariana. Kung may problema ka sa akin, bukas mo na lang ipaalam. Wala ako sa mood ngayon."
At talagang!
Papalag pa sana ako kaso hinila na ako palabas ni Marina. "What the hell are you doing?!"
"Ikaw, ang what the hell?, Mariana. Ano bang nangyayari sa iyo at ang init-init ng ulo mo? Kanina pa iyan. Akala mo ba hindi ko napapansin?"
Mainit ang ulo? E, sino namang hindi iinit ang ulo kapag nakita mong may kahalikan ang buwesit na Gabriel Elymando na iyon. Bwesit siya, kahit kailan!
Gusto ko iyon isa boses pero sinarili ko na lang. Alam kong walang makakaintindi sa sitwasyon ko ngayon. Alam kong walang makakaintindi sa sitwasyon ko kasi kahit ako ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
Dahil wala akong maisagot sa tanong niya ay umiwas na lang ako ng tingin.
"Mariana, may problema ka, ano? Kakambal kita, ramdam ko kapag may gumugulo sa iyo."
For the first time ay naramdaman kong mas matanda ng ilang minuto itong kakambal ko sa akin. She's usually immature and insensitive pero hindi ngayon.
"Wala, na buwesit lang ako dahil kung saan-saan lang pumupunta iyong pinsan natin."
"Hindi kung saan-saan lang ang pinuntahan ni Cem dahil kapayapaan natin ang maibubunga non. Dapat hindi mo sinigawan si Cem e, baka tuloy mag back out siya."
"W-What do you mean?" May ideya na ako sa nais niyang sabihin pero gusto ko pa ring makasigurado.
"Nag date na sila ni Levi para sa atin, Mariana. Tapos ginalit mo iyong tao. E, paano na tayo niyan kapag nag back-out siya?"
Gusto kong batukan ang sarili ko. Bakit ngayon lang kasi ako natauhan? Talagang sa karami-ramihang tao, si Cem pa ang nabuntungan ko ng inis? I'm so freaking stupid! Dahil ito sa Gabriel na iyon e. Walangyang iyon! Deal his face. Talagang plano niyang pagselosin ako? Asa siya! Ever akong magseselos dahil sa pangit na babaeng iyon.
"S-Sorry. Kakausapin ko siya mamaya, don't worry."
So ayon nga, kinausap ko nga si Cem at kinain ko iyong pride ko. I said sorry several times and I'm thankful that she accepted it so easily. Ngunit, kita ko sa mga mata ni Cem ang tamlay kaya kahit gusto kong magtanong kung kumusta iyong date ay pinigilan ko muna ang sarili ko. Hirap na, baka magalit ulit.
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
Teen FictionCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...