THIRTY-THREE

15 1 0
                                    

ADMIRERS

-Ryosuke Hanaka-

Naglalakad kami ngayon ni Cindy papunta sa Bus Stop. Wala kasing dumadaan na taxi sa harap ng school kaya naisipan na lang namin na mag bus.

Napansin kong hindi gaano umiimik si Cindy. Ramdam ko din ang malungkot na aura na nakabalot sa kanya.

Ano kaya ang nangyari?

Nakapagtataka rin ang pagsigaw niya kanina kay Eijun.

"Umuwi ka roon sa bahay ng babae mo!!!"

Ayoko man aminin sa sarili ko pero alam ko na nagseselos siya sa kung sino man na babae na iyon.

Masarap siguro iyon sa pakiramdam, iyong magseselos siya dahil may kasama kang ibang babae at susuyuin mo siya dahil alam mong nagseselos lang siya. Na imbes na magalit ka ay matutuwa ka pa sa inasta niya.

Too bad, I will never experience that kind of feelings.

"O-Okay ka lang, Cindy?"

Isang matamlay na tango lang ang tugon niya.

"U-um, gusto mo bang mag ice cream?"

Sinubukan ko siyang pasiglahin pero umiling lang siya at napabuntong hininga na lang ako.

What should I do?

Dahil mukhang wala talaga siya sa mood ay hindi na lang ako umimik pa. Isang malawak na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa habang naglalakad.

Ngunit nabasag iyon nang magsalita siya.

"Pwede mo ba akong samahan na magpahangin, Rio?"

"O-Of course. Saan ba tayo?"

"May alam ka bang lugar na pwedeng makigamit ng piano?"

I was shock of what she asked.

Akala ko ba magpapahangin? Bakit kailangan ng piano?

Kahit takang-taka ay hinayaan ko na lang siya. I told her some places that I know and seems like one of those places interest her.

"Sige, iyong huling place na sinabi mo na lang ang puntahan natin."

"Pero kailangan nating magtaxi, may pagka private kasi ang place na iyon. Bantay sarado ng mga guwardya. Pero huwag kang mag-alala, kilala naman ako doon e."

Tipid siyang ngiti. "Mabuti iyon."

So ayon nga, kahit matagal ay naghintay at naghanap kami ng taxi. Thankfully, nakahanap din kami. Mga around 6 pm na kami nakarating sa lugar na gusto naming puntahan.

DREAM MUSIC SCHOOL

Ang lugar kung saan kami natuto nina Eijun gumamit ng instruments pero syempre hindi ko iyon sinabi sa kanya dahil alam kong andito siya para makalimutan muna saglit si Eijun.

Pumasok na kami. Kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang buong lugar. May iilan pa kasing students ang nagle-lesson kahit gabi na. Siguro dahil gabi lang ang oras na available sa kanila.

Ako ang lumapit sa guwardya at katulad ng inaasahan ay ngumiti agad ito sa akin.

"Good evening, Sir Hanaka. Si Miss Clara po ba ang hinahanap niyo?"

Ang tinutukoy niyang Miss Clara ay siyang naging teacher namin nang nag-aaral pa lang kami ng mga instrument. Isa siyang matandang dalaga na siyang nagtiyaga sa aming apat kahit ubod kami ng kulit. Na miss ko tuloy ang mga araw na iyon.

"Nope, gusto ko lang sana na gumamit ng piano? As possible, iyong nasa auditorium sana. Ayaw ko kasi ng disturbo."

"Oo naman, Sir. Sakto po, wala pong tao roon ngayon kasi kanselado ang klase sana ngayong gabi."

My Ella's Fairytale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon