REALIZED: NOT YET
-Cindy-
Nag-drive na si Eijun habang ako ay nahumaling na tumingin sa labas ng kotse. May mga kalsada naman pala rito sa isla. Siguro may iba pang cottage o resthouse o ano pa mang lugar na pwedeng puntahan kaya't may mga kalsada para hindi ito mahirapan na puntahan. Wala rin ibang bisita o tao na pinapapunta ang mga Warross, iyong mga kakilala lang katulad namin.
Dahil kami-kami lang ang tao rito at siguro hindi naman gumagala ang mga tagapangalaga nila, nakarating agad kami sa sinasabing paraiso ni Eijun.
"So, asan ang paraiso dito?" sarkastiko kong sabi.
Huminto ba naman kasi sa isang lugar na puno lang ng mga puno.
"Just wait." Lumabas na siya kaya't sumunod na lang ako. Lumakad siya papunta sa kadamuhan at hinawi niya ang mga sanga na nakaharang sa daanan niya pero huminto siya at hinarap ako.
"Sumunod ka. Hindi mo makikita ang tinutukoy ko kung tatayo ka lang dyan."
Mariin ko siyang tinignan at tsaka tumingin sa malalaking damo.
"Huwag kang matakot, wala ditong ahas. Tsaka kung nakakatihan ka, bilisan mo na lang ang paglakad." Tapos bumulong siya. "Nagsuot pa kasi ng ganyan."
Aba't! Ako pa sinisi ng suot ko? Hindi niya ba alam na dahil sa---whatever.
Dahil ayaw ko na ng ano pa mang pagtatalo ay nanahimik na lang ako at sumunod. Nagpatuloy siya sa paghawi ng mga sanga at ako ay dakilang tagasunod. Makati ang mga damo kasi maikli lang naman ang short ko. Mabuti at hindi naman ako nakapaa kasi may extra si Eijun sa kotse. Animo’y handa ang loko.
While I’m in a deep thought, he stopped and looked at me.
"Ready?"
Kunot-noo ko lang siyang tinignan pero nawala lang iyon nang hawiin niya ang isang malaking sanga na punong-puno ng malalaking dahon at bumungad sa akin ang isang napakagandang lugar.
Ang ganda...
Mula sa kinatatayuan namin ay kita ko ang malawak na karagatan at pati na rin ang mahabang baybayin ng isla. Oo, kita dito ang lugar na pinanggalingan namin. Pati na rin ang berdeng-berde na kakahuyan ng isla. Mula nga rito, nakikita ko ang maliit na cottage namin at nagmistulang langgam ang mga tao sa beach, sina Happy. Hindi mainit sa kinakatayuan namin, may malaki kasing puno na binibigyan kami ng anino. The ground is like a sturdy brown rock titiwalaan mo na hindi babagsak ano mang oras. Ang mas nagpamangha pa sa akin ay ang katotohanang rinig na rinig mo rin ang paghampas ng tubig sa ibaba ng kinatatayuan naming cliff.
It's like a fairytale dream come true.
Hindi ko alam na may ganito palang lugar.
"Dito tayo," tawag niya.
Lumapit siya sa isang malaking puno ng Narra. Dahil mayabog ang mga dahon no’n ay may aninong nabuo sa ilalim nito. May kinuha si Eijun na mat sa likod ng puno at inilapag niya ito sa lupa.
"Umupo ka. Huwag ka nang magpasalamat, magwe-welcome na lang ako."
Inirapan ko siya pero umupo rin naman sa tabi niya.
Ang sarap ng hangin, napakapresko.
I wonder kung paano niya nahanap ang ganitong lugar. Itatanong ko na sana iyon pero naunahan na niya ako na para bang nabasa niya ang isip ko.
"I was eight or nine back then when I found this place. Araw noon ng reunion ng batch nina Mommy at napagpasyahan nilang dito sa isla i-celebrate. Dahil syempre, nag-iisang anak ay sinama nila ako. But Mom and Dad got so busy and I felt like out of place so I run away, ni-hindi man lang ako nagpaalam kung saan ako pupunta. Dahil minsan lang kami pumunta dito ay naligaw ako, and ta-da! I end up on this place. Mula noon, binalik-balikan ko na siya. Never telling anyone this beautiful place."
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
Teen FictionCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...