FORTY-ONE

13 1 0
                                    

CHANGES

-Mariana-

Nasa bahay ako ngayon at nakakulong sa kwarto. Ewan ko ba pero hindi ko makuhang lumabas at maggala. Madalas ko naman iyon gawin kapag ganitong weekend. Kahit nga si Marina, ang kakambal ko, ay sobrang nagtaka rin.

Ano nga ba kasing ginagawa ko sa buhay ko ngayon? Anong bang nangyayari sayo, Mariana?

"Tama... tama ka nga naman."

Ugh! Ayan na naman siya. Naalala ko na naman siya. Kagabi pa ito ah, hindi pa ba ito titigil? Hindi na nga ako nakatulog dahil dito.

"Bakit nga kaya magpapaliwanag ako sayo? E, wala ka nga palang pakialam? Sorry, nakalimutan ko ata."

Kainis! Tama na please...

"Gusto mo na kitang tigilan? Okay. I will gladly do so."

Nararamdaman ko na naman ang mabigat na pakiramdam na iyon. Iyong para bang may isang sako ng bigas na nakakabit sa loob ng dibdib ko. Kagabi pa ito at oo, paulit-ulit ko lang siyang nararamdaman.

Siguro nang hihinayang lang ako kasi malapit ko na sanang mapagtagumpayan ang paghihiganti ko kung hindi ko lang siya nakita sa loob ng pesteng cafeteria na iyon na may kahalikan. Kainis lang! Napaka-playboy talaga. Bwesit! Bwesit! Bwesit siya to the nth power!

"Hey, Beautiful. I love you..."

Mas lalo akong nakaramdam ng pagbigat ng dibdib dahil sa alaalang iyon. Sinabi niya iyon nang last date namin.

"Tigilan mo nga akong bwesit ka, maghanap ka ng ibang babaeng mahuhulog dyan sa bitag mo."

"Ahaha, kaya nga ikaw ang nilapitan ko kasi alam kong ikaw na ang babaeng hinahanap-hanap ko."

Puro pambobola lang ang inaatupag niya. Lahat ata ng linya sa pangliligaw ay alam niya. Napaka-playboy talaga.

Pero kasi...

"Ayos ka lang?" Agad niyang tanong nang maabutan niya akong nakaupo sa isang pathway sa school.

May nakakilala na naman kasi sa akin bilang bestfriend dati ni Grace, ayan tuloy napagtulungan ako. Lalo pa't mukhang kumakalat ang balita na napapadalas ang paglabas namin ni Gabriel. Siguro akala nila, ako naman ang susunod sa yapak ni Grace.

Ilang beses na itong nangyari pero wala akong pinagsabihan kahit ang kakambal ko. Ayaw kong gumawa ng malaking gulo.

Tinignan ko ng masama si Gabriel. Lakas din ng loob magtanong, hindi niya ba alam na siya ang dahilan nang lahat ng ito? Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana ako nakakaranas ng ganito.

"Mukha bang maayos ang lagay na ito? Tanga lang?"

Dahan-dahan na akong tumayo pero nakaramdam lang ako ng hapdi galing sa tuhod ko. Shemay! Naramdaman ko ang pag-alalay ni Gabriel kaya't agad ko siyang tinulak palayo.

"Ano ba?! Hindi ko kailangan ang tulong mo, playboy!"

Akmang lalakad na sana ako nang maramdaman ko ang paglutang ng katawan ko, napasigaw tuloy ako.

"Ano ba?! Ibaba mo nga akong playboy ka!"

Kainis naman, buhatin ba naman ako na para bagong kasal.

"Dadalhin kita sa clinic." Hindi pagpapaalam ang tono ng boses niya, imbes ay para pa siyang nang-uutos.

"Gabriel! Sabi nang kaya ko na ang sarili ko, ibaba mo na nga ako!"

My Ella's Fairytale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon