SAVIOR
-Cindy-
Masakit. Sobra pero iyong sakit na nararamdaman kong iyon ay tamang-tama lang upang gisingin ako sa sarili kong kahibangan.
For a second, I want to do it but after a minute, I regretted it. Siguro gano'n din ang mararamdaman ko kung natuloy ang katangahan ko.
Mahapdi na may halong lungkot ang pagkasabunot ni Happy sa buhok ko. Hindi ako gumanti. Gusto ko sana pero kapag naalala ko ang itsura ni Happy nang hilain niya ako pabagsak at pabalik sa kwarto ay nang hina ako.
Alam kong dapat sana akong magalit sa kanya. Sa ginawa niya ngayon at sa ginawa niya nang nakaraang tatlong taon. She betrayed me, alright? Kaya't dapat lang akong magalit.
Pero nang makita ko ang galit, takot at pagsisisi sa mga mata niya ay nanghina ako dahil nakita ko bigla ang mukha ng best friends ko kapag nag-aalala siya siya sa akin katulad noon.
Unti-unting binitawan ni Happy ang buhok ko pero kitang-kita ko pa rin ang panginnginig ng mga kamay niya.
"Ulitin mo ulit iyon, Cindy at makikita mo. Kahit naghihingalo ka pang nakadapa sa kalsada dyan sa baba at punong puno ng dugo, hindi talaga ako magdadalawang isip na hilain at sabunutan ka. I swear I will do that. Kahit nasa kabaong ka pa, sasabunutan talaga kitang bwesit ka."
Mahina lang ang pagkakasabi niya pero tama lang para marinig ko. May nakita akong tumakas na luha sa kabilang mata niya pero agad niya iyong pinunasan.
"Alam ko naman na may mali ako, Cindy. Alam namin lahat na may mali kaming nagawa pero hindi mo ba nakikitang nagsisisi na kami? Sising-sisi kami to the point na gusto naming ibalik iyong oras matama lang iyong pagkakamali namin. Buhay ka pa niyan, ah? Pero p-paano kung natuloy iyon? May plano ka bang baliwin kami dahil sa sobrang pagsisisi?"
This time, sarili niya naman ang sinabunutan niya.
"Cindy Ella Mae Vasquez. Kailan ka ba matototong magpatawad? Bakit ba galit ka na lang palagi sa lahat ng nakapaligid sayo? Because they lied to you? Because they betrayed you? Because they hurt you? Edi saktan mo rin sila. Ilabas mo iyang galit mo pero iyong umupo ka dyan sa bintana na para bang swing lang 'yan na pwedeng upuan? Ibang usapan na iyon. Bakit ka ba magpapakamatay, ha? Dahil pakiramdam mo ay mag-isa ka na lang? Dahil pakiramdam mo wala nang nagmamahal sayo? E, kung ihampas ko kaya ang picture naming lahat dyan sa mukha mo nang malaman mo kung sino ang nagmamahal at nagpapahalaga sayo."
Natigilan na naman siya.
"O baka si Eijun?" Tumango-tango pa siya. "Oo, iniwan ka nga ng kumag na iyon. Oo, wala na siya sa Pilipinas. Oo, siguro hindi siya tumupad sa mga pangako niya sayo pero the hell with that! Maghintay ka. Dahil siguradong babalik iyon dito sa Pilipinas para i-handle ang kalahati ng kompanya niyo at sa oras na iyon, doon ka maghiganti. Ilabas mo iyang galit mo sa kanya--- SA KANYA, Cindy, SA KANYA at hindi dyan sa sarili mo."
Nang tuluyan nang napaupo sa harap ko si Happy ay naglabasan na ang mga luha sa mga mata niya.
"Hindi kita mapapatawad, Cindy, k-kung natuloy iyon. Kung nahulog ka talaga mula sa bintana na iyon ay hinding-hindi kita mapapatawad. Wala na akong pakialam kong hindi mo rin ako mapapatawad edi magsama tayo sa empyerno. I swear, I will never ever forget this day kahit magka-amnesia pa ako." Her voice cracked and I heard her sobs. "Dahil sa araw na ito, naramdaman ko nang dalawang beses ang takot na mawala ang best friend kong iningatan ko ng halos apat na taon."
Dahil sa sinabi niya ay napaiyak na rin ako na para bang iyong pintuan sa matigas kong puso ay nabuksan na rin sa wakas.
"Sa tingin mo, ginawa ko lang ang lahat dahil sa pera? Oo, aaminin ko. Tangna, oo ng simula pero nang makita ko kung sino ka at kung ano ang pinagdadaanan mo? Heaven knows how much I wanted to be your real friend. It's a dream come true to become your friend but it's a highest achievement to become your best friend. At hindi ako magsasawang ipagmalaki iyon sa ibang tao. Walang peke sa pinakita ko sayo. L-Lahat ng iyon ay totoo. Noong nilapitan kita, totoo iyon. Noong nagsabi ako ng sorry, totoo iyon. Noong sinabi kong wala akong matutuluyan, totoo rin iyon at noong sinabi kong andito lang ako palagi ay totoong-totoo iyon kaya Cindy..." Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "I'm sorry. I'm sorry kong hindi ko sinabi sayo. Natakot lang kasi ako na magkaganito ka. Natakot akong ako ang maging sanhi ng pagkasira mo. I'm sorry."
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
Teen FictionCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...