WINDOW
-Third Person-
Kailan mo ba malalaman na huling sandali mo na pala dito mundo? Kailan mo nga ba malalaman na may mangyayari sayong masama?
Life is a constant change. Palaging iyong hindi mo inaasahan ang mangyayari. Madalas magugulat ka na lang na possible pala iyong mangyari. Mapapaisip ka na lang kung bakit hindi ka nakahanda? Bakit hindi mo man lang naisip na magpaalam sa taong iyon?
You'll never know until it happens.
Naging magulo ang buong hospital simula nang dumating ang ambulansya. Inuna, pinagkaguluhan at mabilis na inakasikaso ang laman ng ambulansyang iyon. Kasunod ng pagdating ng ambulansya ay ang limang kotseng hindi na nga nag-atubili pang makaparada ng maayos. Halos tumakbo na papasok ang mag-asawang Vasquez, magkapatid na Bartlett, sina Happy, Tom, Ryo at Gabriel, at ang pamilyang Legazpi. Kasabay nang pagpigil sa kanilang sumunod sa operating room ay ang paglabasan ng kanilang mga iyak.
"I can't believe this," sabi ni Karen habang nakaupo na sa sahig katapat ng pintuan ng operating room. "Sinungitan niya pa ako kanina ah! Bakit biglang nagkaganito? Kuya!!!" At umiyak na naman siya.
"Kasalanan ko ito. K-Kung hindi sana ako naglihim---Cindy..." Umiyak na rin si Happy. Agad naman dumamay si Tom at si Gabriel naman ay lumapit na rin ay Mariana na umiiyak na rin. Habang si Marina naman ay tulalang nakaupo lang sa gilid, hindi pa rin siya makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito.
Ang mag-asawang Vasquez naman ay mahinang nananalangin na sana ay maligtas ang nag-iisa na lang nilang anak. Hindi na kasi nila alam ang gagawin nila kung pati si Cindy ay mawawala pa sa kanila. Sa kabilang banda naman ay magkayakap na umiiyak ang Mommy at Daddy ni Levi.
Mahabang oras ang hinintay nila pero walang umalis at lahat ay naghintay. Isa, dalawa, tatlo. They lost counts. Wala nang pakialam sa oras. They want the news. They want the freaking news.
After hours of waiting, it finally came but it's a good and bad news. The other side, silently rejoice but other one, loudly cried.
Nakaka-amaze talaga kung paanong sa isang iglap ang nagbabago ang lahat. Para bang isang click lang, nasa ibang mundo ka na agad.
You'll never know until it happens. Surely.
"It's her fault!" sigaw ni Karen na akma pa ngang papasok sa loob ng kwarto ni Cindy sa hospital. Mabuti na lang at ando'n si Ryo upang pigilan siya. Dahil sobrang malakas talaga ang sigaw ni Karen ay napalabas na rin sina Happy. Wala ang magulang ni Cindy dahil inasikaso ang bills sa hospital at kumuha na rin ng mga kakailanganin ni Cindy.
"Calm down, Karen," sabi ulit ni Ryo sa kanya pero hindi ito nakinig, imbes ay marahas itong kumawala kay Ryo.
"How?! The hell, how can calm down kung nasa bingit pa rin ng kamatayan ang Kuya ko? Sabihin niyo nga kung paano? Ha?!" Lumandas na naman ang mga luha niya sa mukha. Hindi na siya nag-atubili pang punasan ito. Well, para saan pa? Mukha na rin lang naman siyang ewan, sasagarin niya na.
"You're being unreasonable, Karen. Bakit ba dito ka nanggugulo e, andon ang quarters ng mga doctor?" maarteng sabi ni Mariana na agad rin inawat ni Happy. Minsan talaga may mga taong hindi pinag-iisipan ang mga sinasabi at nasa pinaka-una ang pangalan ni Mariana sa listahan ni Happy.
"Unreasonable?" mapang-insultong suminghap si Karen. "Bakit ako ata ang naging mali bigla dito? Dahil ba sa maling pagsugod ko o talagang bulag lang kayo?"
"Karen." Lahat napatingin kay Ryo dahil sa seryosong tono nito. "Shut up, okay?"
"Isa pa ito." Tinuro ni Karen si Ryo. "Dati, patay na patay ito sa akin pero ngayon? Dahil lang sa dakilang Cinderella ay nagbago ang loyal na kawal ko. Not that it matters pero ang hindi ko lang matanggap ay iyong pati ang kuya ko na ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ay napalingon niya ng buong-buo sa direksyon niya. Paano niya ba iyon nagawa? Kasi ako, kahit isang beses..." Her voice suddenly cracked. Umiling-iling ito. "I-It's her fault! Kasalanan niya kung bakit nasa bingit pa rin ng kamatayan ang kuya ko. I will never forgive her! Kung hindi lang dahil sa kanya ay maayos sana ang kalagayan ng Kuya. Sana siya na lang ang nasagasaan kaysa sa kapatid ko!"
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
Teen FictionCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...