KNOWN
-Cindy-
Talagang hindi maalis ang matatalim nilang tingin sa bawat isa. Para bang may namamagitan na kuryente sa pagitan ng mga mata nila. Naisip ko rin na kung wala lang ako rito, siguradong nagpatayan na ang dalawa na ito. Naiintindihan ko na magkalaban sila sa Battle Band at sa ranking sa school pero huwag naman sana nilang i-personal masyado.
"Uhm, guys? Tatayo na lang ba kayo dyan?"
Mukhang natauhan naman ang dalawa. Ibinaling na lang nila ang tingin ni sa akin.
"S-Sige, Cindy. I better go." At ngumiti sa akin si Levi ng mabilis lang at tinignan ng masama si Eijun. Nilagpasan niya si Eijun at tuluyan nang umalis.
I waved at him as saying goodbye. Ngunit marahas iyong hinawakan ni Eijun at ibinaba.
Tsk! Epal.
"Paano mo iyon nakilala?" Ang sama ng tingin niya sa akin.
Problema nito?
"A-Actually, nakilala ko lang siya kanina sa computer ro—" Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang sigawan na ako ng Asungot.
"Ano?! Alam mo ba kung ano ko iyon?!" Ramdam ko ang galit sa tono niya. Naalala ko tuloy noong una kaming nagkita, ganyan rin ang tono niya noon sa akin.
"Bakit? Ex mo ba iyon?" Grabe kasi kung sumigaw, ‘kala mo naman intensyon ko talagang makilala iyong tao.
Dahil sa sinabi ko ay mas lalong sumama ang tingin niya sa akin.
"I'm not joking, Ella."
"Okay, seryoso." Iniba ko ang ekspresyon ko. "Alam ko namang rivals kayo sa band o sa academics man pero Eijun, huwag niyo naman masyadong i-personal. Be friendly."
"Alam mo naman palang kalaban ko iyon tapos nakikipagkaibigan ka?!"
Aba't!
"Ano naman ang masama doon?! Ikaw naman iyong kaaway ah, hindi ako."
"Wala ka kasing alam. Sige, papalampasin ko iyong ngayon pero sa susunod na makipag-usap o makipagkita ka pa ulit sa lalaki na ‘yon, malilintikan ka talaga sa akin."
Akmang lalakad na sana siya pa akyat sa hagdan nang pigilan ko siya.
"At sino ka para pagbawalan ako?" I glared at him. Ano? May plano siyang bakuran ako?
"FIANCÈ MO!!!" sigaw niya kaya't napaatras ako. "Kapag hindi mo ako sinunod, malalaman ng lahat na engage na tayo. Hindi ba't ayaw mo iyon mangyari kasi nga 'pangit' ako? Ayaw mo rin magulo ang buhay mo rito. Kaya't isang beses lang namadakip kitang kasama ng lalaking iyon, mangyayari iyang lahat ng kinakakatakutan mo."
At talagang nanakot pa! Magsasalita pa sana ako kaso hinila na ako ni Eijun pataas.
Huminto kami sa tapat ng pintuan ng VIP room.
"Hintayin mo ako dito sa labas, kukunin ko lang ang bag ko," ma-awtoridad niyang sabi.
"Opo, sir." Tinignan ako nito ng masama dahil sa sarkastiko kong tugon. Irap lang ang binalik ko sa kanya. Kasalanan niya naman, e. Sumandal na lang ako sa pader sa harap ng VIP room nila.
Naghintay nga ako kaso ang tagal naman ata ng Asungot. Papasok na sana ako nang may dumaang grupo ng mga babae at huminto sa harap ko.
"Anong ginagawa mo sa harap ng VIP room?" tanong ng isang tisay, matangkad at halatang maarteng babae sa akin. May apat siyang alipores at mukhang mga suplada rin.
"Wala naman, may hinihintay lang." Kalmado lang ako.
"Naghihintay kanino? Kung si Eijun ang hinihintay mo, huwag nang umasa, miss. Hindi ka kakausapin ng boyfriend ko." Ang yabang ng pagkakasabi niya.
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
Teen FictionCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...