RE-EXPERIENCE
-Cindy-
“Hoy! Wala ka bang gagawin sa lintang may hikang ‘yon? Halos solohin niya na si Eijun kanina, pati ba naman dito sa Airplane, sosolohin niya pa rin? Aba’t abusado,” sabi sa akin ni Happy na kasalukuyang nasa katabi ko sa upuan.
Andito na kasi kami sa isang private Airplane at nakaupo na. Ready na kami for take-off pero pakiramdam ko ang sarap ipaiwan ang isang tao na kasama namin.
She’s Sofie Flynlyn pero hindi bagay ang apelyido niya sa kanya, mas mukha kasi siyang ‘leech’ kaysa sa ‘fly’. Tsk! Ang sarap ngang tirisin ng sobra-sobra. Why leech? Well, nagmumukha na kasi siyang linta sa kakakapit sa braso ni Eijun, dinaig niya pa ang unggoy sa kapitan e. Paano ba naman, simula kaninang nagsorry siya at pinatawad ni Eijun ay hindi na ito lumayo pa kay Eijun. Kaasar lang! At ang mas nakakainis pa ay ang katotohanang sa hindi ko alam na dahilan ay naiinis ako.
Magkatabi dapat kami ng upuan ni Eijun pero dahil daw hika ang isa dyan ay kailangan niya ang tulong ni Eijun if ever atakehin na naman siya kung kaya’t sila na lang daw ang magtabi at ang asungot, 'di man lang pumalag. Edi wow! Magsama sila! Ugh!
“Pakialam ko dyan. Kahit maging kuto pa siya ni Eijun, wala ako pakialam.” Nilakasan ko iyong boses ko. “Advice lang ah, baka kasi hindi niyo naisip. If ever hikain na naman ang isa dyan at kakailanganin ng ‘so many air’ ang lungs niya, pakitapon na lang sa labas ng Airplane. Take note, sobra-sobra pa ang mahihigop niya, baka may maibaon pa siya pauwi.” Narinig iyon ng mga kasama ko katulad ng inaasahan pero ang Tom, Ryo at Gabriel, tinawanan lang ako.
“Che! Sabihin mo selos ka lang,” sabi ni Sofie sabay kapit sa braso ni Eijun.
Tsk. Hikain ka sana nang makarma ka.
Hindi kaya ako nagseselos, sadyang nakakairita lang talaga ang mukha ng isang iyan. Akalain mo bang sabihing katulong daw ako kaya’t sa sobrang inis ko, binuhusan ko tuloy siya ng juice. Pasalamat nga siya kasi dahil sa ginawa ko, nalamigan siya.
Ugh! Kahit anong gawin ko naiinis talaga ako. Ano ba?!
*****
“Two days and one night tayo dito,” sabi ni Eijun nang makarating kami.
Ang ganda naman pala ng island na ’to. Ramdam mo na malayo ka talaga sa syudad na may polluted air at ang mas nakakamangha pa ay ang shape ng island. Mukha kasi siyang heart pero syempre, hindi naman perfect ang pagkakashape niya.
Naglanding ang private airplane sa isang malawak na sementado na nasa likod ng isang mansion. The mansion is all white and it looks so beautiful. It reminds me of our ancestral mansion, when things we’re still okay back then.
Then ayon, sumakay na kami sa kotse. Hindi ko alam kung ano pang silbi nang pagsakay namin sa kotse, e walking distance na lang iyong mansion. Though, iikot daw kami para sa entrance ng mansion kami pumasok pero pareho rin naman. Hay, kapag tinatamad nga naman.
After some time, bumaba na kami at ayon, dinala na ng mga butlers ang mga gamit namin. While iyong linta, ayon nakadikit pa rin.
“Baka maputol naman ang braso ni Eijun dahil sa kakahawak mo dyan,” parinig ni Mariana.
“Baka nga maubos na ang dugo ni Eijun sa kakaisip-isip ng lintang ‘yan,” pang-aasar rin ni Marina.
Hindi ko na sila pinansin at nilagpasan na lang sila. Papasok na sana ako pero natigilan ako nang makita ko na may nakapila na kaliwa’t kanan na mga katulong, mayordoma at kung sino-sino pang utusan sa mansion. Dahil sa pagtigil ko ay nalagpasan na ako ng mga kasama ko habang ako naman ay naiwan sa entrada.
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
JugendliteraturCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...