BEATING HEART
-Cindy-
Kinabukasan. Nagising ako dahil sa tawag ng isang babae. Minulat ko ang mga mata ko. Si Happy pala, ngumiti na lang ako at nag stretch..
Akala niyo siguro nasa bahay ako. Pwes! Mali kayo. Ang totoo niyan ay nasa classroom na ako. Nakatulog kasi ako habang nagle-lesson iyong boring namin na teacher.
"Ang harsh mo, halos mangiyak-ngiyak na si Ma'am sa unahan dahil hindi ka nakikinig at natulog ka pa!" ang magandang bati sa akin ni Mariana.
Goodmorning din… Aish!
"So ano ngayon? Wala naman talaga akong pakialam kahit humagolhol pa siya."
"Kasi balita ko, sayo raw ibabase ang sweldo ng mga teacher ngayon. Kung mababa raw ang marka mo sa isang subject, kung sino man daw na teacher mo sa subject na iyon ay mababa rin daw ang sweldo."
Gano’n ba iyon? So ginawa nila ako ngayong basehan? Dahil alam nilang wala akong pakialam sa grades ko. Ang galing naman... Tsk!
"Not my problem at all." At tumayo na ako. Tapos na kasi ang klase at lunch time na.
"Hindi ka ba manonood ng audition?" Napataas ang kilay ko dahil sa tanong ni Mariana.
"Audition para saan?"
Nagtinginan naman ang mga babae sabay iling-iling.
"Sa Battle Band po sa darating na festival."
"Bakit? Kailangan pa ba iyon?"
Akala ko ba, champion na sina Eijun last year.
"Syempre oo, kasi every year ay iba-iba ang consequences."
Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng mga taong ito.
"Ewan ko dyan, uunahin ko muna ang pagkain ko."
Tumaas naman ng kamay si Happy na parang may recitation.
"Sali ako dyan!"
Kahit kailan talaga, napakatakaw. Tsk… tsk… tsk...
*****
Kumain na nga kami sa cafeteria, wala naman gaanong tao dahil siguro sa audition na iyon. Pakialam ko ba roon.
Wala ka nga bang pakialam?
Umiling-iling ako dahil sa sabi ng isip ko.
"Cem, hindi ka ba talaga manonood? Ando’n si Eijun oh!" Ang kulit talaga ng Mariana na ito.
"Ayoko nga sabi. Kung gusto niyo, edi kayo na lang ang pumunta roon."
"Talaga?" Napatingin ako sa kanila. "Oh, siya. Bahala ka."
At ang mga loka ay walang alinlangang umalis. Oo, pati si Happy, iyong bestfriend ko, sumama rin. Mga walanghiya iyon!
Dahil naiwan mag-isa ay pumunta na lang ako sa garden at naupo sa ilalim ng puno roon na may flat na damuhan. Nasa bandang gilid ang puno at may bahagyang pataas na lupa ang kinakatayuan nito. Sumandal ako sa puno. Malinis naman dito. Isinaksak ko ang earphone sa tenga ko.
//Playing: I'll be there by Julie Anne San Jose//
~First time I lead my eyes on someone like you..
~I can't forget the hour, that moment with you...
*toot-toot-toot-toot!!!*
Hindi ko alam pero biglang naalala ko ang unang pagkikita namin ni Eijun. That time ay halos mapatayan na ang kilay niya sa pagkakanot nito. Galit na galit siya e.
BINABASA MO ANG
My Ella's Fairytale (Completed)
Teen FictionCindy Ella Mae Vasquez was once the Princess everyone adore. Not until that one incident happened, that really changed her life. Being broken and betrayed, she runaway and pretended to be a commoner. After three years of peace, her parents want her...