Chapter 6

3.6K 100 0
                                        

Yumi POV
Yooown! Umunat unat muna ako sabay tingin sa katabi ko. "Wala na si jace? San nagpunta yun?" pag katingin ko sa oras. Haala 7:15 naaaa. 8:00 pasok ko eh. Nagmadali akong pumunta sa banyo at naligo. Nagbihis na din ako at nagayos ng kaunti. "Ayan, ready na ako" sabi ko habang nakatingin sa salamin.

*BeepBeep*
*New Message*
Jace:
Eat before you go to school. Ihahatid ka ni Kean sa school mo. Be a good girl. I'm watching you...

To Jace:
Okay. Mamaya na lang ako kakain pag lunch break na namin. Mala-late na ako pagkumain pa ako ngayon eh. Bye
*SENT*

Pagkatapos ko siyang replayan ay bumaba na ako. Nakita ko sa Kean na nakaupo dun sa sala. "Tara na kean, mala-late na ako" sabi ko sabay nauna na akong lumabas sa kanya sa bahay. "Kumain ka muna Yumi. Baka magalit si boss. Sabi pa naman niya sa akin na kumain ka daw muna bago pumasok. Sabi ni kean. "Wag na nagpaalam na ako sa kanya na mamaya na lang ako kakain" sabi ko sabay sakay na sa kotse. Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kaming dalawa.
"Bye Kean, ingat ka ha? Salamat sa paghatid" sabi ko kay kean sabay baba na. Yeeeehey. Nandito na naman ako sa school. Habang naglalakad ako bigla akong may nakabangga na lalaki. "Sorry miss." sabi niya sabay yuko. Hmm. Mukha naman siyang mabait eh. Pogi pa HAHAHAHAHAHA joke lang. "Okay lang, kasalanan ko din naman eh. Di ako tumitingin sa daan" sabi ko sabay ngiti sa kanya. "Ako nga pala si Meryll. Bago lang ako dito kaka-transfer ko lang. Medyo naliligaw pa nga ako eh" sabi niya sabay ngiti. "Ahh. Ganun ba? Ako nga pala si Yumi. Hehehe. Naliligaw ka? Pwede ko naman ituro sayo kung saan eh. Saang building ka ba?" Sabi ko sa kanya. "Di ko pa din alam eh. Inaayos ko pa kasi sched. Nice to meeting you pala. Byeeee." sabi niya sabay umalis na.

Nandito na ako ngayon sa Room. Di daw makakapasok si bes kasi may aasikasuhin daw siya sa business ng mga magulang niya. Pupunta siya sa ibang bansa baka tumagal siya. Haaay ang boring naman dito. Maya maya lang ay dumating na si Sir Tristan. "Okay class. May bago nga pala kayong ka-klase. Iho, hali ka dito pasok ka" biglang pumasok yung lalaki sa labas. Wait. Siya yung kasama mo kanina diba? Si Meryll? Omg... Magkaklase kami. Hahahahaha "Hi. Im Meryll Sebastian." sabi niya sabay yuko. "Okay Mr. Sebastian, umupo ka na. Dun ka na lang sa tabi ni Ms. Perez" huh? Sa tabi ko? Seryoso ba. Biglang lumapit si Meryll sa akin. Nginitian niya lang ako at nginitian ko din siya. Nagsimula ng magturo si Sir Tristan.

*KRING-KRING-KRING*
Yehey! Lunch na. Kanina ko pa talaga gustong kumain eh. Gutom na gutom na ako. Niligpit ko na yung mga gamit ko kasi kakain na ako. "Ahh, Yumi pwede bang sumabay mag-lunch sayo? Wala pa kasi akong mga kaibigan dito tsaka di ko pa kabisado tong school" sabi niya. "Oo naman. Tara na" sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya at pumunta na kami sa Cafeteria. Umorder na kami ng kakainin namin at nagsimula na kaming kumain. "Hmm.. Yumi. Pwede bang samahan mo akong mamili ng gamit mamaya sa Mall?" sabi niya na parang nahihiya pa "Aba, oo naman noh. Gusto mo pagkatapos na nating kumain dumeretso na tayo dun eh" sabi ko. "May klase pa tayo mamaya diba?"
"Wala na noh. Di mo ba narinig yung sinabi ni Sir Tristan kanina? Sabi ko sa kanya. Di na siya sumagot at pinagpatuloy na lang namin kumain. "Tara na" sabi ko sabay tayo. Naglakad kami papuntang parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nagthankyou naman ako sa kanya. Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa. Nang nakarating na kami sa Mall ay nagsimula na siyang mamili ng gamit. Pumunta din kami sa Timezone para maglaro. Pagkatapos nun ay kumain kami at nandito na kami ngayon sa sasakyan para umuwi. Gabi na din ng natapos kami. Sabi niya ihahatid daw niya ako kase delikado daw kung pauuwiin niya ako magisa. Nang nasa tapat ng bahay ay nagpaalam na ako sa kanya "Bye Meryll! Ingat ka." sabi ko sabay pumasok na ako sa loob. Pag kabukas ko ng pinto ay nagulat ako ng puro basag na vase yung nasa sahig. Gulong gulo yung sala. "SAN KA GALING? SINO YANG NAGHATID SAYO? SUMAGOT KA BABAE!" galit na sigaw ni Jace. Naku! Patay na.

A/N
Hi! Hahahahahaha Salamat sa mga nagbabasa nito. Sana magustohan niyo tong story ko nato. I love you all guys 💓 -Yanna

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon