Jace POV
Pagkagising ko sobrang sakit ng ulo ko. Fvck! Hangover! Tatayo na sana ako kaso nakita ko yung gamot sa gilid. Inimon ko iyon at binasa ko yung note na nakalagay. Di ko alam kung bakit pero napangiti ako nung nakita ko yung note na yun. Bumaba na ako dahil nagugutom na ako. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko yung mga pagkain. Alam kong si Yumi lahat ang nagluto nito. Para akong baliw na nakangit habang kumakain. Pagkatapos ko kumain at tinext ko si Yumi.To:Yumi
Thankyou wife <3Yun lang yung tinext ko sa kanya at natulog na ulit ako. Pagkagising ko may hapon na pala. Baba sana ako para magluto. Ipagluluto mo si yumi. Alam kong maya maya ay dadating na din siya. Nakangiti akong bumaba kaso nagulat ako ng biglang may babaeng nakaupo sa sala. Dahan dahan itong tumingin sa akin at ngumiti. Sh*t si lian. "Hi babe! I miss you na talaga." sabi niya sabay lapit sa akin. Niyakap niya ako pero agad ko ding tinggal yung yakap niya. "Ano bang ginagawa mo dito? " sigaw ko kanya. "Why babe? Bawal na ba kitang bisitahin? Alam ko namang hanggang ngayon" sabi niya sabay lapit ulit sa akin. "Tigilan mo na ako lian. May asawa na ako" sabi ko. "Hahahahaha Asawa? Ikaw? Alam kong ginamit mo lang yun para makuha yung mana mo. Wag mo ng itanggi mahal mo pa din ako" sabi niya. "No lian, kahit kelan ay hindi kita minahal. Ginamit lang kita para pumayag ang papa mo na mag-invest sa company." sabi ko sabay tulak sa kanya. "Sa tingin mo ganun na lang yun? Babawiin kita sa kanya! Di kayo magiging masaya" sabi niya sabay lapit sa akin at hinalikan ako. Tutulakin ko na sana siya kaso biglang nahulog yung vase sa gilid. Nagulat ako ng nakita ko si Yumi na nakatingin sa amin "Sh*t wife" lalapitan ko na sana siya kaso biglang siya tumakbo. Sh*t ang tanga tanga mo jace. "Bye babe! See you again" sabi ni lian at umalis na. Di pwedeng mawala sa akin si Yumi. Alam kong galit na galit na siya sa akin.
Yumi POV
Pagkagising ko ay parang ang sama ng pakiramdam ko. Mukhang di ko kayang pumasok ngayon ah. Pero kelangan kong pumasok kasi graduating ako at isang buwan na lang ay gagraduate na ako kaya di ako pwedeng umabsent. Naligo na ako at nagpalit ng uniform. Nanghiram muna ako ng uniform kay nicole dahil hindi ako umuwi na bahay. "Tara na bes, pasok na tayo" sabi ni Nicole at pumasok na kami sa school. Ilang oras na ang nakakalipas pero wala pa din talaga akong gana. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Habang kumakain kami ay napapansin ko lang na parang laging hawak ni Nicole yung cellphone niya. "Uy bes, bat parang may ka-text ka ata ngayon?" bigla kong sabi. "Ayy Jace.. Nakakagulat ka namam bes bigla bigla kang nagsasalita dyan" sabi niya. Teka, ano daw? jace? "Ano bes? Jace?" sabi ko kay bes. Nakita ko na parang di mapakali si Nicole. "Okay ka lang ba bes? Bat parang di ka ata mapakali" sabi ko sa kanya. "Oo naman" sabi niya at kumain na din. Di ko na lang pinansin yung sinabi niya at kumain na din ako. Ilang oras lang ang lumipas at uwian na namin. Di daw makakasabay si Nicole sa akin kaso daw may dadaanan daw sila ni Meryll mamaya. Kaya ang ending eto, magisa akong naglalakad. Habang naglalakad ako may humintong puting van sa harap ko. Nagulat ako ng biglang lumabas ang dalawang lalaki duon. Di ko sila mamukaan dahil nakamaskara sila. "Teka! Bitawan niyo ko." sabi ko pero di nila ako pinansin at pinasok nila ako sa Van. May tinakip sila na panyo sa bunganga ko at maya maya ay bigla na lang akong nakatulog.
Pagkagising ko ay biglang sumakit yung ulo ko. Teka.. Di ba nasa Van ako kanina? Pagtingin ko sa sarili ko ay nakadress na ako. Pumunta akl sa banyo para tignan yung sarili. Pagkatingin ko ay naka-make up na ako. Ang ganda. Teka.. Nasan na ba ako? Bat ako nasa kwarto? Nagulat ako ng biglang namatay lahat ng ilaw. Maya maya ay may humawak sa akin. Hinatak ako, di ko alam kung saan kami pupunta pero sumunod na lang ako sa kanya. Maya maya ay tumigil na kami at binitawan na niya ako "Wait lang, wag mo naman akong iwan dito." di ko na talaga mapigilan. Naiiyak na ako. Wala akong makita. Maya maya lang ay bigla ng bumukas ang ilaw. Nagulat ako sa nakita ko...A/N
Thankyou sa mga nagbabasa nito. 💓 Please Vote. I-follow niyo na din ako.

BINABASA MO ANG
My Mafia Boss
Fiksi UmumHaving a peaceful life ay isa mga gusto si Yumi ngunit mangyayari pa ba iyong makikilala niya ang mafia boss? Ako si Yumi, isang normal na babae lang. Nagaaral sa umaga at trabaho naman sa gabi. Pero sa di inaasahan na dahilan, nakilala ko siya. Ang...