Yumi POV
Pag-gising ko ay bigla kong napansin na may katabi pala ako. Pagtingin ko ay si Jace pala yun. Tinitigan ko yung mukha niya. Bigla akong napangiti ng naalala ko yung sinabi niya sa akin kagabi. Nag-sorry siya natuwa ako kasi sabi nila Kean di naman daw mahilig magsorry si Jace. Gusto kong bumawi sa kanya ngayong araw. Kaya Bumangon na ako at naligo. Pagkaligo ko ay nagbihis na ako at bumaba na. Ako ngayon ang magluluto ng breakfast ni Jace. Habang nagluluto ako ay nakangiti ako. Di ko alam kung bakit pero si Jace lang laman ng isip ko ngayon. Pagkatapos kong magluto ay hinanap ko yung mga gamot dito. Buti na lang at nakita ko ito. Naghanap agad ako ng gamot na pampawala ng Hangover. Pagkatapos nun ay naglagay ako ng tubig sa baso at umakyat na ako. Pagka-akyat ko ay tulog pa din si Jace. Nilagay ko na pang yung tubig tsaka gamot sa gilid ng table at nilagyan ko iyo ng note.Goodmorning! Inumin mo to pagkagising mo ha? Papasok na ako sa school. Byeeeeee :)
Pagkatapos kong ilagay yung note ay umalis na ako. Kelangan ko ng pumasok sa school. Di na pala ako nagpahatid kay kean ngayon kasi malapit na din naman yung school dito sa bahay. Habang naglalakad ako ay nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin "Yumi" pagtingin ko sa likod ko ay nakita ko si Meryll na tumatakbo. "Oh! Bat ka tumatakbo? Tsaka asan yung kotse mo?" sabi ko sa kanya. "Ang bilis mo kasing maglakad eh kaya hinabol kita tsaka wala ako sa trip magdrive ngayon kaya naglakad ako" sabi niya sabay hila sa akin papapasok ng school. Habang naglalakad kami ni Meryll ay nagulat ako ng biglang may tumawag na naman sa akin "Yumi bes!" teka, si Nicole ba yun? Pag tingin ko sa likod ko ay si Nicole nga ito. Bigla niya akong niyakap. Niyakap ko din siya. Grabe namiss ko talaga siya. Teka may naisip ako, ipakilala ko kaya to si Nicole kay Meryll. Malay mo magkatuluyan talaga sila. Hehehehe tama tama ang galing mo talaga Yumi. "Ahh Bes, May ipapakilala pala ako sayo. Ito oh" sabi ko sabay hablot kay Meryll "Si Meryll nga pala,Nicole. Meryll ito pala si Nicole yung Bestfriend ko" nagshakehands silang dalawa pero napansin ko lang na namumula si Nicole. Hahahahaha Sabi ko na nga ba eh. Magkakagusto siya kay Meryll. "Tara na pala sa room natin. Ayy oo nga pala nicole. Nakalimutan kong sabihin sayo na ka-klase din pala natin to si Meryll. Ang galing diba? Magkakasama tayong tatlo." sabi ko sabay hila sa kanilang dalawa papunta sa room. Ilang oras lang ang lumipas ay Lunch na namin. "Ako na magoorder ng pagkain niyo. Ikaw Nics anong gusto mong pagkain?" tanong ni Meryll kay Nicole. Teka, Nics ang tawag niya kay Nicole? Mukhang kakaiba na talaga to ah. "Ahh.. A-ano kahit a-no na lang" sabi ni nicole na nauutal pa. "Okay. Ikaw Yumi yung cheese cake na lang sayo tsaka Milktea ha?" sabi ni Meryll. Tinanguan ko lang siya at umalis na siya para bumili. Habang hinihintay namin Meryll ay may biglang nagtext sa akin.
Jace:
Thankyou Wife <3*dug.dug.dug.dug*
Nagulat ako sa text ni Jace. Di ko na lang yun pinansin dahil damating na si Meryll. Kumain na lang kami at bumalik na kami sa klase namin. Lumipas pa ang ilang oras ay uwian na namin. Excited akong umuwi ngayon dahil ipagluluto ko ulit si Jace ng pagkain. Habang naglalakad ako ay napansin ko na may bagong kotse na nakaparada sa bahay. Baka naman kay kean lang yan o kaya kay Jaydee. Dahan dahan akong pumasok sa bahay pero parang nagkamali ata ako ng pasok. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Nakita ko lang naman ang asawa ko na may kahalikang iba. Parang ano mang oras ay babagsak na ang mga luha ako. Di ko alam pero nasasaktan na talaga ako. Aalis na sana ako kaso nasagi ko yung vase sa gilid. "Sh*t wife" yun lang yung narinig kong sinabi ni Jace at tumakbo na ako. Pumunta ako sa bahay ni bes. Dun muna ako titira. Ayaw ko ng makita si Jace. Nasasaktan na talaga ako. Pagkadating ko dun ay pinatuloy agaw ako sa loob ni Nicole. Agad. Kong kwinento sa kanya lahat ng nangyari. "Naku bes! Wag mo ng isipin yung asawa mo. Matulog ka na lang ha? Nandyan yung mga damit mo sa kabinet kumuha ka na lang. Dun na ako sa kabilang kwarto kasi matutulog na din ako." sabi niya sabay alis na. Tumayo na ako at kumuha na ng damit. Kinuha ko yung cellphone ko at nagulat ako sa nakita ko256 missed calls
745 New messageLahat ng yun ay galing kay Jace. Babasahin ko sana yung text kaso biglang nagring yung phone ko. Tumatawag si Jace. Pinatay ko na lang yung cellphone ko at naligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay natulog na ako "Sorry Jace, di muna kita haharapin ngayon. Masyado mo akong nasaktan" sabi ko sabay maya maya ay nakatulog na din ako.
A/N
Please Vote po. Follow niyo na din po ako. Thanks 💓

BINABASA MO ANG
My Mafia Boss
Narrativa generaleHaving a peaceful life ay isa mga gusto si Yumi ngunit mangyayari pa ba iyong makikilala niya ang mafia boss? Ako si Yumi, isang normal na babae lang. Nagaaral sa umaga at trabaho naman sa gabi. Pero sa di inaasahan na dahilan, nakilala ko siya. Ang...