Chapter 17

2.7K 69 5
                                    

Yumi POV

"Di totoo ang lahat ng yun kaya umalis ka na, di na kita kailangan sa buhay ko" natauhan ako sa sinabi ni Jace, tinignan ko lang sila habang magkayakap sila. Di ko alam kung ano ang gagawin ko, pero mahal ko si Jace at kasal kaming dalawa kaya kailangan ko siyang ipaglaban. "Pero ako Jace, Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan" sabi ko sabay talikod na sa kanya. Halos di ko na makita ang aking dinadaanan dahil sa mga luhang pumapatak sa aking mata. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo kahit na di ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Namalayan ko na lang na nandito na pala ako sa tapat ng mansyon. Dali dali akong pumasok at pumunta sa aking kwarto di ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina kaya eto ako ngayon, iyak lang ng iyak. Sa kakaiyak ko ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako. At ngayon ay napagdisisyunan ko na di ko dapat sukuan si Jace. Oo mali ito pero mahal na mahal ko talaga siya kaya simula ngayong araw ay pagsisilbihan ko siya. Pagkababa ko ay 11 na pala ng gabi. Akala ko ay nandito si jace pero di pa siya umuuwi. Alam ko na! Tatawagan ko na lang siya

*Jace calling*

Kaso di niya sinasagot. Nakakalungkot mang isipin pero di ako pwedeng sumuko. Inantay ko siyang umuwi buong magdamag pero ang ending ay hindi naman siya umuwi. Kaya eto ako ngayon naglalakad papuntang school pero wala talaga ako sa mood ngayong araw. "Yumiiiiii" nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin. Pagkatingin ko sa likod ko ay nakita ko si meryll na papunta na sa direksyon ko. "Meryll, kamusta ka?" sabi ko sa kanya at pinilit ko na ngumiti. "Wag kang ngumiti kung hindi naman totoo, kanina pa kita tinatawag pero ngayon ka lang lumingon. May problema ba yumi?" nagaalalang tanong niya sa akin. "Hay, di ko na din alam ang nangyayari Meryll, gulong gulo na ako" sabi ko sabay patak ng luha ko. Nagulat ako ng bigla niya iyong punasan at hinila niya ako bigla papasok ng sasakyan niya. "Kwento mo yumi lahat ng nangyari, handa akong makinig sayo" sabi niya sa akin at wala naman akong choice kaya kwenento ko sa kanya lahat ng nangyari.

"Dalawang beses ka na niyang sinaktan, sigurado ka ba dyan sa gagawin mo? hindi ba parang lalo ka lang masasaktan dyan?" nagaalalang sabi niya. Umiling lang ako at sinabing "Di ko na din alam Meryll, dahil sa mga nangyari ay para na lang akong manhid na hindi nasasaktan" sabi ko at biglang nagsipatakan na ang aking mga luha. Bigla akong niyakap ni Meryll, niyakap ko na din siya at umiyak ako ng umiyak. Nang naubos na ang lahat ng iyak ko ay niyaya niya ako na kumain sa condo niya. "Malapit na tayong grumaduate, anong balak mo Meryll?" sabi ko sa kanya. nandito kasi kami ngayon sa kusina. Nagluluto siya habang ako ay nagaantay lang sa niluluto niya. "Pupunta ako sa america, gusto mong sumama? sabihin mo lang. Kayang kaya kita isama dun" seryosong sabi niya sa akin "Pano si Jace?" malungkot na sabi ko . "Kahit na saktan ka niya siya pa din ang inaalala mo? sweet mo naman" pangaasar na sabi niya. Tumawa na lang siya at nagsimula na lang din kaming kumain.


Nakalipas ang isang linggo at ganun pa rin ang mga nangyari. si jace? oo umuuwi siya sa bahay pero dala dala niya si Lian. Halos araw araw nilang pinamumukha sa akin na wala akong karapatan para sa kanya at bawat araw na yun ay sinasaktan niya sobra ang aking puso. Andito ako ngayon sa tapat ng Mansyon. kakatapos lang ng Graduation namin kanina at excited akong sabihin kay Jace na nakagraduate na ako, kahit na nalulungkot ako kanina dahil hindi man lang siya pumunta pero masaya na din ako dahil nakagraduate ako. Pagkapasok ko ng mansyon ay nagulat ako ng nakita kong naghahalikan sila Jace at si Lian sa sala. At talagang dito pa talaga sila? wala bang kwarto? sasobrang galit ko ay lumapit ako sa kanila at sinambunutan ko si Lian.


"WALANG HIYA KANG BABAE KA! HINDI KA TALAGA TITIGIL HA" galit na sabi ko habang sinasambunutan ko pa rin siya pero nagulat ako ng bigla akong tulakin ni Jace "Who the hell are you para saktan si lian?" sigaw ni Jace sa akin. "Are you okay babe? Wala bang masakit sayo? kamusta si baby?" nagaalalang sabi ni Jace kay Lian pero tungo lang si Lian at ngumiti. "Anong baby? Jace! Ano ibig sabihin nito? SUMAGOT KA" sigaw na ssabi ko. "Magkakaanak na kami, at pwede ba Yumi layuan mo na kami dahil masaya na kami" galit na sabi ni Lian. "sign the divorce paper. its in your room and after that ay maaari ka ng makaalis sa pamamahay ko." sabi ni Jace. sa sobrang galit ko ay pumunta ako sa kwarto ko at nilagay ko sa maleta lahat ng gamit ko. nakita ko din yung divorce paper at dali dali ko iyong pinirmahan, hindi ko na kaya Jace, masyado mo na akong nasaktan at dumating na ako sa punto na kahit kelan ay hindi ko na pipiliin na bumalik pa sayo. Agad agad akong bumaba sa sala, dala dala ko ang maleta ko at ang divorse paper. "Ito gusto mo Jace ? sige ayan na ibibigay ko na sayo. Magpapakalayo na ako. at ito ang tandaan mo. kahit kelan ay hinding hindi na ako babalik sayo!" pasigaw na sabi ko sa kanyan sabay hampas ng divorce paper.


"Tandaan mo Jace, hinding hindi na ako babalik sayo"


A/N Hi guys! please keep on voting! Love you all

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon