Chapter 19

3K 75 2
                                    

Yumi POV

Isang linggo na rin ang nakalipas nang umuwi ako dito sa pilipinas. Normal naman ang mga nangyayari. Nandito ako ngayon nakikituloy sa bahay ni Nicole. "Oy bes! Bumaba ka na dyan. Nakahanda na tong mga pagkain" sigaw ni nicole. Nasa kwarto kasi ako at naghahanda ako para sa pag punta ko sa opisina. "Oo na! Saglit lang" sigaw ko din sa kanya pabalik at tinapos ko na ang pagaayos ko. Pagkababa ko ay nakita kong kumakain magisa si Nicole at may mga nakahanda na sa mesa. "Oh nasan si Meryll? Di siya kakain?" tanong ko sa kanya at umupo na rin ako. "Kanina pang 5 umalis eh, sabi niya sunod ka na lang daw sa kanya kasi meron pa siyang mahalagang gagawin." Sabi niya at sinimulan na namin ang pagkain.

"Ma'am, Pinapatawag po kayo ni Sir Meryll. Hihintayin ka daw po niya sa office niya" sabi sa akin ng isa sa mga empleyado dito. Nakalimutang kong sabihin sa inyo na ako pala ang isa sa mga Ceo sa kompanyang ito kumbaga dalawa kami ni Meryll na CEO. "Oh sige, thankyou susunod na ako" sabi ko sa kanya sabay ngiti. Tumayo na ako at pumunta na ako sa office ni Meryll. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago pumasok "Oh yumi, Nandyan ka na pala" sabi niya at halata sa kanya na ang dami niyang gagawin dahil tambak ang mga papeles sa table niya. "May problema ba Meryll?" nagaalalang tanong ko sa kanya "Oo eh, may meeting kasi ako mamaya sa isa samga investor natin at kailanga kong makuha ang shares niya dahil yun na lang ang paraan para masalba ang kompanya natin" malungkot na sabi ni Meryll "Di ako makakapunta sa meeting na yun dahil marami pa akong dapat asikasuhin kaya kung pwede ay ikaw muna yumi ang pumunta dun at makipagusap sa investor" dagdag pa niya. Ayaw ko man dahil kinakabahan ako pero gagawin ko ito para sa kompanya. "Oo naman, Ako na bahala dyan" nakangiti kong sabi sa kanya. "Thankyou Yumi, ito nga pala ang kompanya na pupuntahan mo mamaya. Nakalagay na rin dyan ang mga kontrata." Sabi niya sabay abot nang isang folder sa akin. Kinuha ko na yun at umalis na. Kailangan ko pang magpakita sa mga investor namin mamaya.

Nandito ako ngayon sa isang restaurant hinihintay ang aming investor. Habang hinihintay ko sila ay binasa ko muna yung folder. LJM Corporation, nakalagay din dito na marami silang business na pinapatakbo at sila ang pinakamayaman sa buong mundo. Grabe naman to. "Excuse me" nagulat ako sa narinig ko. Pamilyar ang boses na yun. Di ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko siya. Dahan dahan kong binaba ang binabasa ko at tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Omaygod! Gusto kong tumakbo. "How are you wife?" tanong niya sa akin sabay ngiti. "G-good evening Mr. Mariano. Bakit po kayo nandito?" pormal na tanong ko sa kanya. "Well, makikipagkita ako sa isa sa mga investor ko and guess what? Ikaw pala yun" nakangisi niyang sabi sa akin. "Okay Mr. Mariano. Simulan na natin to. Nandito ako ngayon para--" nagsasalita ako kaso bigla niya akong sinabayan. "I don't care wife. Kaya kong pirmahan ang kontrata na yan kahit ngayon na pero sa isang kondisyon" nakangisi na naman niya sabi "Di ako nakikipagbiruan sayo Jace, ano bang kelangan mo? " tanong ko sa kanya "You! Ikaw ang kelangan ko. Be my wife again. Hihintayin kita pumunta sa bahay ko kasama nang anak natin. At dun ko pipirmahan ang kontrata na yan" seryoso niyang sabi. Ano? Pano niya nalaman na may anak na kami? Yumi naman! Mafia yan kaya alam niya at marami yang nalalaman. "Pano kung ayaw ko?" matapang kong sagot sa kanya. "Don't do that wife. Gusto mo bang bumagsak ang kompanya nila na matagal na nilang tinataguyod? I'm giving you an option wife" seryosong sabi niya. Di ko na lang siya pinansin at tumayo na ako. Dirediretso akong kumabas ng restaurant at pumara nang taxi.

"Mommy! How are you po" kausap ko ngayon si Lance "Okay lang baby, ikaw?" malambing kong tanong sa kany. "Okay lang din po. Where's daddy po?" nagulat ako sa tanong niya. Bakit niya tinanong yun? "Nandito baby, uuwi ka na din dito bukas kaya makikita mo na siya" naiiyak kong sabi sa kanya. Oo nakapagisip na ako na makipagkita kay Jace kasama si Lance. "Yehey! I'm excited to go there na mommy. Gusto ko na pong makita si daddy." Makikita mo rin siya anak. Maghintay ka lang.


Jace POV

"Boss! Ito po ang nalaman namin. Uuwi na po dito ang anak niyo bukas at mukhang ipapakilala na siya sa iyo ni Maam Yumi" nakangising sabi ni Kean. Nginitian ko lang siya at tinignan ko ang picture nang aking anka. I'll wait here son. I want to meet you Lance Jace Mariano

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon