Chapter 12

3.1K 71 0
                                        

Yumi POV
Nagising ako ng biglang may nagsalita "Hoy babae! Tumayo ka na dyan, kanina ka pa natutulog!" ano ba yan istorbo naman to. "Mamaya na ang aga aga ba eh, istorbo to" sabi ko sabay taklob ng kumot. "Isa! Tumayo ka na dyan" sigaw niya sabay hatak ng kumot. Aahhh. Nakakaasar!! Tumayo ako pagdabog sabay punta sa banyo! "Ahhhhh! Nakakabadtrip talaga!" sigaw ko sa loob ng cr. "Hoy babae bilisan mo dyan, pupunta tayo sa party mamaya. Papakilala na kita kela mommy" sabi niya. Wait, ipapakilala niya ako sa mommy niya? Sa pamilya niya? Waaaaah! Di pa ako ready! Huhuhu Naligo na lang ako at nagbihis pagkalabas ko ng banyo ay wala na si jace sa kwarto. Bumaba ako para hanapin si jace at nakita ko naman siyang nakaupo sa kusina at nagkakalikot ng cellphone niya "Jace..." sabi ko sabay tabi sa kanya "Anong oras tayo aalis?" tanong ko sa kanya. Binaba niya yung cellphone niya at tumingin sa akin "Pagkatapos nating kumain, pupunta tayong mall. Bibili tayo ng susuotin mo" sabi niya sabay kumain na siya. Tumango lang ako sa kanya at kumain na din ako. Grabe kinakabahan talaga ako. Pano kung ayaw sa akin ng mommy niya? Waaaaah! Sana mabait sila..

"Jace, san ka pupunta? Iiwan mo ako?" tanong ko kay jace. Nandito kami ngayon sa mall. Nasa tapat kami ng isang salon. Ewan ko ba dito kay jace bat kami nandito sabi niya bibili kami ng damit pero nandito kami sa salon ngayon. Ang gulo niya talaga nakakaasar. "Hi Sir, Magpapaayos po ba kayo?" sabi nung bakla. "Ayusan niyo siya, babalik ako mamaya" sabi ni jace sabay alis na agad. Nakakaasar iniwan talaga ako dito. "This way po ma'am" sabi nung bakla at sinimulan na akong ayusan. Inayus niya yung buhok ko tapos nilagyan niya din ako ng makeup. Nang natapos ng magayos ay dumating na din si Jace at may hawak siyang dalawang paper bag "Wear this" sabi niya sabay abot nung paper bag. Tumango na lang ako at kinuha yung paper bag. Pagtingin ko sa loob ng paper bag ay may laman iyong dress na color Red at heels na color red din. Sinuot ko na yun at lumabas na ako ng banyo. Pagkalabas ko ay napatingin sa akin si Jace. Napatitig siya sa akin pero binawi din niya agad yung tingin niya "Let's go. Baka malate tayo" cold na sabi niya sabay talikod at nauna ng naglakad. Problema nun? Parang baliw

Jace POV
Nauna akong naglakad sa kanya dahil nahihiya ako. Napatitig ako ng matagal sa kanya kanina. Oo, aaminin ko maganda siya at bagay sa kanya yung suot niya. Tumigil ka Jace, wag mong isipin yang babae na yan. Haaaay. Nababaliw na ata ako. Dirediretso lang ako ng lakad hanggang sa nakarating na kami sa kotse. Habang nagdri-drive ako ay napapansin ko na parang di mapakali si yumi. "Wag kang magalala, mabait naman sila. Wag kang kabahan" sabi ko pero hindi ko siya tinignan. "Haaayy" yun lang yung sinabi niya sabay tingin na sa bintana. Maya-maya ay nakarating na din kami sa party. It's time. "Anak, nandito ka na pala. Miss you so much. Kamusta ka na?" sabi ni mommy sabay yakap sa akin. "I'm fine. Mom, this is my wife" sabi ko sabay akbay kay yumi. "Ahhm... Goodevening po Ma'am. Ako nga po pala si Yumi" sabi ni yumi. "ohmygod! Ikaw pala yung asawa nito ni Jace. Hali kayo dito sa loob pumasok na kayo. Mommy na lang pala itawag mo sa akin yumi tutal asawa ka na naman ni Jace" sabi ni mommy sabay hila kay Yumi papasok ng bahay. Pagkatapos ng party ay nagkaron kami ng family dinner. "Oh anak, kelan niyo ba kami bibigyan ng apo?" sabi ni Daddy. Nagulat naman ni Yumi sa tanong ni daddy kaya nabilaukan siya "Were working on it dad, right babe?" sabi ko sabay kindat kay yumi. Namula tuloy lalo yung mukha niya hahahahaha cute niya talaga. Pagkatapos namin kumain ay umalis na din kami.

Yumi POV
Hayup talaga yun si Jace may pa-working on it pa siyang nalalaman nakakaasar. Aaaaahh. Nandito ako ngayon sa kwarto. Wala pala si Jace umalis siya kanina. Pagulong gulong ako dito sa kama pero di pa din ako makatulog. Nakakaasar talaga tong si Jace! Sarap sapakin eh. Kinuha ko na lang yung cellphone ko at naglaro na lang ako ng games. Maya maya ay bigla akong nauhaw. Bumaba ako para kumuha ng tubig sa kusina. Kumuha na ako ng tubig at uminom, habang umiinom ako nagulat ako ng biglang may nagsalita "Yumi..Bat gising ka pa?" sabi ni jace. Halata naman sa kanya na lasing siya. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang kinuha yung baso. "Ano..kasi.. Di ako makatulog. Kasi------" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang lumapit si Jace sa akin at hatakin ako papunta sa kanya. Unting unti naglapit yung mukha namin. Pumikit na lang ako at naramdaman ko na lang yung labi niya sa labi ko.

A/N
Vote vote vote para sa next update 😊

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon