Jace POV
"F*ck Kean! anong oras na? Nasaan na si Yumi?" Di ko na talaga alam gagawin. Tang*na 6 na ng gabi wala pa din yung babae na yun? 12 palang dapat nakauwi na siya! San san na naman nagpupunta yun? Ang tigas talaga ng ulo! "Relax lang boss. Malay mo may pinuntahan lang" sabi ni kean. "Di ko kelangan ng opinyon mo! Hanapin niyo na siya ngayon na!" galit na galit talaga ako dyan sa babae na yan ah! "Nasa mall siya ngayon" sabi ni jaydee sabay abot sa akin ng envelope. Pag kabukas ko ng envelope nakita ko yung picture ni Yumi na may kasamang lalaki. F*ck! Sino tong lalaki na'to? Bat kasama niya ang asawa ko! Hinagis ko bigla yung envelope at pinagbabasag yung mga vase. "Boss, easy lang boss! Malay mo kaibigan niya lang yun. Uuwi din po yun si Yumi." sabi ni Kean. "Lumabas kayong lahat!" sabi ko sa kanila. "Pero boss.." "I SAID GET OUT! Sigaw ko sabay bato ng Vase. Lumabas naman silang lahat at naiwan ako ditong magisa. Di ko din maintindihan, bat ako nagagalit? Wala naman dapat ikagalit. Oo asawa ko si yumi, pero asawa ko lang naman siya sa papel. Di ko na alam gagawin ko. Mahal ko si Lian matagal na at wala ng papalit sa kanya. Pinakasalan ko lang si yumi para makuha ko na ang mga pamana ni Dad. Di ko na alam gagawin ko dyan sa babae na yan.
*Beep.beep*
*New Message Received"
Babe
I miss you babe. See you soon. I love you so much :*
To Babe:
Okay babe. I miss you so much. I love you too. Can't wait to see you.
It's lian, pupuntahan ko siya Nextweek sa US. Matagal ko ng sinabi sa kanya na pupunta ako dun at bibisitahin ko siya. Two months na din kaming di nagkikita. Biglang may dumating na sasakyan. Tinignan ko sa labas nakita ko na bumaba dun si Yumi. "Bye Meryll! Ingat ka" sabi ni Yumi sabay kaway. Tsk. Lagot ka sa akin. Nagtago ako dito sa bandang di ako makikita ni yumi. Biglang bumukas yun pinto. Pumasok si yumi tapos bigla siyang napatigil ng biglang nakita niya yung mga basag na vase sa baba. "SAN KA GALING? SINO YANG KASAMA MO? SUMAGOT KA BABAE! Sigaw ko sa kanya. Bigla siya nataranta "Ahh.. Ehh.. Ano.. Jace... Dyan lang.." biglang nagring yung cellphone ko.
*Babe Calling*
Lumayo muna ako ng konti sa kanya bago ko sagutin yung tawag.
"Hello babe? Hi babe, i miss you na talaga kelan ka ba pupunta dito? Nextweek babe. I miss you too. Magingat ka dyan ha? I love you so much. Okay babe i love you too. Bye."
Pagkatapos namin magusap ay bumalik na ako dun sa sala. Nakita ko si yumi na nakayuko. Di ko na siya pinansin dumeretso na ako sa kwarto at nagpalit ako ng damit. Aalis ako. Pupunta ako sa hideout namin. Pagkatapos ko magbihis pumunta na ako sa baba nakita ko si yumi na nagpupulot ng bubog sa sahig. Di ko na lang si pinansin at umalis na lang ako.
Yumi POV
Di ko pa natapos yung sasabihin ng biglang may tumawag kay Jace. Tumalikod lang siya tapos sinagot niya na yung tawag. "Hello babe.... Nextweek babe. I miss you too. Magiingat ka dyan ha? I love you so much." mga salitang dapat pala di ko na narinig. Sumikip bigla yung dibdib ko. Anytime tutulo na yung mga luha ko kaya yumuko ako. Akala ko kakausapin niya ako pero nilagpasan niya lang ako tapos umakyat na siya sa kwarto. Di ko alam kung bakit pero nasasaktan ako ngayon. Asawa niya ako pero bakit may iba siya? Bakit may tinatawag siyang babe? Bigla akong naiyak nasasaktan na talaga ako. Nang nakita ko siyang pababa na. Bigla akong umupo kunwari pupulutin ko yung mga bubog. Dumaan lang siya sa harap ko at hindi ako pinansin. Nung sumara na pinto bigla akong naiyak ng sobra. Di ko na talaga kaya nasaktan ako. Di ko alam kung bakit ako nasaktan. Niligpit ko na lang lahat ng kalat sa sala at natulog na ako. Wala talaga gana ngayon.
A/N
Please follow me. 💓 Pa-vote na din po para ganahan ako mag-update. Thankyou so much guys. Hehehehehe
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss
Fiksi UmumHaving a peaceful life ay isa mga gusto si Yumi ngunit mangyayari pa ba iyong makikilala niya ang mafia boss? Ako si Yumi, isang normal na babae lang. Nagaaral sa umaga at trabaho naman sa gabi. Pero sa di inaasahan na dahilan, nakilala ko siya. Ang...
