Yumi POV
Nagising ako dahil nasilaw ako sa sikat ng araw. Pagdilat ko ay nakita ko agad ang mukha ng aking asawa. Napangiti ako nang naalala ko ang nang yari kagabi. Di ako makapaniwala na binigay ko sa kanya ang bagay na kinaiingat-ingatan ko pero di naman ako nagsisisi dahil alam kong mahal niya ako. Tinitigan ko ang mukha niya, di ako makapaniwala na ganto kagwapo ang asawa ko. Ang tangos ng ilong, makinis na mukha at ang labi niyang mapupula. Dahan dahan akong lumapit sa kanya para halikan siya, nang maglapat ang aming mga labi ay nagulat ako ng bigla niya akong hilahin para palalimin ang aming halik. "Good morning wife" sabi niya sabay yakap sa akin. "Masakit pa ba?" tanong niya sa akin at halata sa kanya na nag-aalala siya. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. Tatayo na sana ako para magbanyo ng biglang sumakit at gitnang bahagi ko "Ayos ka lang ba? dapat hindi ka na muna bumangon" nag-aalalang sabi ni jace habang inaalayan ako para tumayo. "Kaya ko naman, pupunta sana akong cr para maligo" sabi ko sabay inalalayan niya ako papuntang cr "Kaya mo na ba? Kung gusto mo ako na lang magpapaligo sayo, pwede naman" sabi niya sabay ngisi. "Bastos ka! dun ka na nga. Kaya kong maligo magisa! Che!" sabi ko sabay taboy sa kanya pabalabas ng cr at ni-lock ko na iyon. "Bahala ka, minsan lang akong magkusa. Ayaw mo ba talaga? Magaling akong magpaligo, magaling din ako sa alam mo na" sabi niya sabay tawa ng malakas. Siraulo talaga to, inaatake na naman ng kabastusan tong lalaki na to "Tumigil ka Jace! Masasapak na talaga kita" sigaw ko sa kanya.Pagkalabas ko ng banyo ay di ko na naabutan na nasa kwarto si Jace. Pagkababa ko ay nakita ko siyang nasa kusina at may kausap sa cellphone "Yes babe, Pupuntahan kita 009aya....Okay, I love you too" sabi ni jace. Para akong mabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. kaya bago pa niya ako nakita ay bumalik ako sa kwarto para magkunwaring wala akong marinig. Kalma lang yumi! Magtiwala ka lang kay jace. Biglang may mga luha na pumatak sa mga mata ko pero agad ko din itong pinunasan ng narinig ko ang mga yabag ng paa na papunta dito. "Wife? tapos ka na? tara na, nagluto ako ng pagkain" naka-ngiti niyang sabi sa akin. Di na kita maintindihan Jace, ano ba talaga ang totoo? Kahit magulo ang aking isip ay sumama na din ako sa kanya para kumain at magkunwaring walang narinig. Kumakain kami ngayon ng tahimik, walang nagiimikan at tanging tunog ng kutsara lang ang maririnig. "Aalis ako mamaya" sabi niya saakin. di man lang niya ako tinignan "Pano ako? Uuwi na ba tayo?"medyo naluluha kong sabi pero pinipigilan ko pa rin ang mga luha ko na mahulog. "Magpapadala na lang ako ng driver dito para ihatid ka sa bahay. Marami akong gagawin mamaya, wag mo na rin akong antayin umuwi dahil baka hindi ako makakauwi mamaya" direderetso niyang sabi. "Huh? bakit?san ka pupunta? sino kasama mo?" sabi ko kanya pero nagbuntong hininga lang siya at tumayo na at pumuntang kwarto habang ako naman ay naiwan sa kusina at umiiyak. Di na kita maintindihan Jace, pero pagkakatiwalaan pa rin kita at sana at totoo lahat ng sinabi mo sa akin. Kahit na medyo naluluha pa ay umakyat na ako sa taas. Nadatnan ko si jace na nagaayos ng maleta niya, ano pa nga ba magagawa ko? Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siya magimpake. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni jace pero di ko na lang yun pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagaayos. "Ayan na, tapos na" sabi ko sa kanya at pinilit kong ngumiti. "Thankyou" yun lang yun sinabi niya at hinalikan niya ako sa noo at umalis na siya. Nandito ako ngayon sa kwarto at umiiyak, di ako makapaniwala sa mga nangyari, pano nagawa ni Jace sa akin yun? Habang umiiyak ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Akala ko ay siJace ang nagtext pero hindi pala. Unregistered number
New message receive
095643545**
Nasa akin na siya ngayon girl, kung inaakala mo na makukuha mo siya sa akin, nagkakamali ka! Umpisa pa lang to girl, humanda ka.
Halos hindi ako makahinga sa nabasa ko. Ano daw? Sino nasakanya? si Jace? Biglang tumulo lahat ng luha na meron ako. Pano mo nagawa sa akin to Jace? Binigay ko lahat sayo. Hapon na nang makauwi ako sa bahay namin ni Jace pero wala pa rin ako sa mood ngayon. Lalo na sa mga nalaman ko. Pero mahal ko si Jace kaya pagkakatiwalaan ko siya sa lahat.
Isang linggo na ang nakakalipas mula nung umuwi kami dito sa bahay at isang linggo na rin akong iyak ng iyak dahil sa inaasta sa akin ni Jace. Lagi niya na akong sinisigawan, minsan na lang siya umuwi at higit sa lahat ay nawala na ang Jace na kilala ko. Nandito ako ngayon sa Mall, naglalakad magisa. Iaaliw ko muna ang sarili ko dito sa mall. Habang naglalakad ako ay may nakita akong parang pamilyar na tao. Jace! si Jace nga! sinundan ko siya ay nakita ko siyang pumasok sa isang restaurant. Sinundan ko siya hanggang sa loob nun at nagulat ako ng bigla siyang umupo dun sa isang lamesa na nakaupo din ang isang babae. Teka, si Lian yun ah? Yung ex ni Jace, pano nangyari yun? nagulat ako ng biglang halikan ni Jace si Lian sa labi. Natulala lang ako sa kanila at dahan dahang tumulo ang mga luha ko. Di ko na napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanila para sampalin si Lian "Walang hiya kang babae ka! Papatol ka na lang dun pa sa may asawa na" sabi ko kay lian sabay sampal sa kanya. "Ano to Jace? bat kayo magkasama?" tanong ko kay Jace pero hindi niya lang ako sinagot at inalalayan niya si Lian. "Wow! So ano Jace? Ano ba talaga gusto mong mangyari! nahihirapan na ako! ilang araw ka nang ganyan tapos makikita pa kita dito na kasama mo ang babaeng yan?" naiiyak kong sabi kay Jace. "Get out" yun lang ang tanging sagot niya. "Ano..? Jace?" di ako makapaniwala sa sinabi ni Jace. Akala ko mahal niya ako "Sabi mo mahal mo ako? Bat mo ko ginaganito Jace?" naiiyak na sabi ko pero mas nagulat ako sa sinabi niya
"Di totoo lahat ng yun kaya umalis ka na, di na kita kailangan sa buhay ko"
A/N
Hi Guys! Sana magustuhan niya ang update ko. 30 votes para sa next update :) Loveyou all guys! Mwaaaaaaaaaa
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss
General FictionHaving a peaceful life ay isa mga gusto si Yumi ngunit mangyayari pa ba iyong makikilala niya ang mafia boss? Ako si Yumi, isang normal na babae lang. Nagaaral sa umaga at trabaho naman sa gabi. Pero sa di inaasahan na dahilan, nakilala ko siya. Ang...