Chapter 13

3K 64 0
                                        

Yumi POV
Pumikit na lang ako at naramdaman ko yung labi niya sa labi ko. Nagulat ako sa ginawa ni Jace. Magkadikit pa din yung labi namin, naramdaman ko na pinulupot ni jace yung kamay niya sa bewang ko at hinila niya ako papalapit sa kanya. Naramdaman ko na parang gumagalaw yung labi ni Jace. Di ko alam kung bakit pero parang gusto ko yung ginagawa niya. Di ko namalayan na unting unti na pala ako tumutugon sa mga halik niya. Maya maya ay bumaba yung halik ni Jace papunta sa leeg ko. "Ahh.. Jace.." sabi ko. Naramdaman ko na din yung kamay niya na gumagalagala sa likod ko. Nagulat ako ng biglang kagatin ni jace yung leeg ko. Bigla akong natauhan, teka mali to. Bigla ko siyang natulak ng malakas. "F*ck! Im sorry wife" sabi niya. Lalapit sana siya sa akin kaso bigla akong tumakbo papasok ng kwarto. Ni-lock ko ito para di makapasok si Jace. Ano ba yung ginawa ko kanina? Huhuhu! Mali yun eh. Di ko dapat ginawa yun. Nakakahiya! Pagtingin ko sa orasan ay 2:00 na pala ng umaga. Mayamaya ay nakatulog na din ako.

Jace POV
Ano ba tong ginawa ko? Bat ko ginawa yun? Baka matakot sa akin si Yumi. Kelangan ko magsorry sa kanya. Umakyat na ako taas, papasok sana ako kwarto kaso naka-lock iyon kaya kinuha ko pa yung susi para mabuksan yun. Pagkabukas ko ay nakita ko na mahimbing na natutulog si Yumi. Umupo ako sa gilid ng higaan at tinitigan siya. Para siyang angel pagnatutulog. Ang ganda niya. Tinanggal ko yung konting buhok na nakaharang sa mukha niya. Ang ganda ng mukha niya. Ang perfect ng kilay, ang tangos ng ilong at ang ganda ng labi. Naalala ko yung nangyari kanina. *gulp* wag mo nang isipin yun jace. "Goodnight wife. Sorry" sabi ko. Di ko alam pero parang nahuhulog na ako sa kanya. Alam kong di pwede dahil baka madamay siya sa mga kaguluhan sa Mafia World. Alam kong delikado to lalo na pagnalaman ng mga kalaban ang tungkol sa kanya. Kelangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Kinumutan ko siya ng maayos at humiga na din ako sa tabi niya. Sana parehas kami ng nararamdaman.

Yumi POV
Pag-gising ko ay tanghali na pala. Bababa sana ako kaso napansin ko yung tatlong rose na nakalagay sa gilid ng kama. May note din na nakalagay dito.

Goodmorning wife♥

Yun lang yung nakalagay sa note. *dug.dug.dug.dug.* bat ganun biglang tumibok ng malakas yung puso ko? Di kaya inlove na ako kay Jace? Waaaaaaah! Di pwede! Di naman niya ako gusto eh. Masasaktan lang ako. Pero asawa ko siya diba? Kaya pwede ko siyang mahalin. Pero pano kung di niya ako kayang mahalin? Haaaay! Ang hirap talaga. Bumaba na ako para kumain, pag tingin ko sa kusina ay may mga pagkain na nakahanda. Kakain na sana ako kaso nakita ko yung note sa gilid.

Kain ka ng marami. Ako nagluto niyan :)

Yun lang yung nakalagay sa note. *dug.dug.dug.dug.* Ano ba heart? Tumigil ka na please. Kumain na lang ako at hinugasan ko din yung pinagkain ko. Nandito ako ngayon sa sala. Nanunuod ako ng movies. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ko ng biglang may nagdoorbell. Pagkabukas ko ay nakita ko si Nicole "Hi bes! Kamusta ka na?" sabi ni nicole tapos nakipagbeso sa akin. "Okay lang naman. Bat ka pala napadalaw?" sabi ko sa kanya. Pinapasok ko muna siya sa loob ng bahay. Nasa sala kami ngayon dalawa "Bes tatanungin sana kita, Hmm.. Ano... Anong balak mo para sa monthsary niyo bukas ni jace?" sabi niya parang kinikilig pa. Teka! Monthsary namin bukas? "Ahh.. Hehehehe di ko alam eh" sabi ko. "Ano ka ba! Kelangan nating paghandaan yan. First monthsary niyo pa naman ngayon. Tara punta tayong mall ngayon tapos bilhan natin ng regalo si Jace" sabi niya sabay hila sa akin papasok ng kwarto ko. "Magbihis ka na dyan ah! Hihintayin kita sa baba" sabi niya sabay sarado na ng pinto. Nagbihis na lang ako at nagayos ng kaunti. Pagkababa ko ay nakita ko si Nicole na nakaupo sa sala. "Bes, isasama ko sana si Meryll eh kaso sabi niya busy daw siya" malungkot na sabi ni Nicole. Parang may kakaiba na sa kanila ah. "Okay lang yan bes, tara na. Teka, san pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya "Sa mall na lang muna. Bibili tayo ng regalo diba?" sabi niya sabay hatak sa akin pa alis.

Nandito na kami ngayon sa mall. Ang kulit kulit talaga nito ni Nicole, paikot ikot na kami dito sa mall kaso di pa din namin alam kung anong bibilhin namin "Yumi, alam mo ba kung saan mahilig si Jace?" tanong sa akin ni Nicole. Umiling lang ako sa kanya at sumimangot. Ano ba yan! Wala akong maisip na pwedeng iregalo kay Jaceee..

*New Message Received*
From: Jace
Magready ka na ng damit mo for 1 week. Magbabakasyon tayo. Susunduin kita dyan maya maya.

Omg!!! Magbabakasyon kami! "Bes! Nagtext sa akin si Jace, Sabi niya maghanda na daw ako kasi magbabakasyon daw kami. Mamaya na daw kami aalis" sabi ko kay Nicole. Nagulat ako ng biglang nagliwanag yung mukha niya at biglang siyang ngumiti na para bang may balak. "Alam ko ng kung anong bibilhin natin" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Bes! Di talaga ako magsusuot niyan! Tignan mo oh halos kita na kaluluwa ko diyan" sabi ko sabay taas nung 2 piece na binigay ni Nicole. "Hoy babae! Wag ka ngang kj dyan! Sigurado akong matutuwa si Jace pagnakita niyang nakasuot ka niyan" sabi ni nicole. Nagulat ako ng bigla niya akong hinila sa cashier. Bigla niya inabot sa cashier yung 2 piece at binayadan niya na din. "Tara bes! Kelangan pa natin magayos ng gamit mo" sabi niya habang tumatawa. Teka, nababaliw na ba siya? ...

A/N
Vote vote vote. 🐶 Para sa mabilis na update 💜


My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon