Chapter 23

921 26 5
                                    

Yumi POV
       Isang buwan na ang nakalipas nang naospital ako at ayon sa doktor ay okay na daw ako at pwede na akong umuwi. Inuwi agad ako dito ni Jace sa kanyang mansyon at sinigurado niyang walang makakalapit pa sa amin.

      Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nasa labas naman si Jace at lance. Bawat araw na lumipas ay iniisip ko kung pano ba ako makakatakas kay jace.
 
    Alam kong masyadong selfish kung iisipin na ilalayo ko ang anak niya sa kanya pero di ko rin naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa kanya. Habang nagiisip ako ng biglang bumukas ang pinto.
       "Nakapagpahinga ka ba ng maayos? Nagugutom ka ba?" pagaalalang tanong niya sa akin.

Di ko na siya tinignan at sinagot ko na lang ang tanong niya "Okay lang ako Jace iwan mo na ako dito" sabay taklob ko ng kumot.
   
       "It's been 1 month wife, bakit ka ba ganyan sakin? What did i do wrong? Please tell me. Nagt-try naman akong ibuo itong pamilya natin ha. Trust me I'm trying!" mahinang sabi niya. Unting unting nalalaglag ang mga luha ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng isang yakap.

        "We don't need you Jace! Can't you see? Okay na naman kami nung wala ka!" Galit na sabi ko sa kanya.
    "Promise wife, i just need to fix something and I promise I'll marry you again. Magkakaroon tayo ng maganda at tahimik na pamilya. I'm willing to have a new life with you and lance. And I just need you to do is to trust me. Please wife" sabi niya at unting unti na siyang bumitaw sa yakap.

       "I can't trust you anymore. Sinagad mo na ako! Wala na akong kayang ibigay sayo kahit konting tiwala! Wag mo'kong gawing tanga! Dahil kung dati kaya mo'ko paikot ikutin sa mga salita mo pwes ngayon hindi na!" Sigaw ko sa kanya.
     Totoo naman, hindi naman niya pwedeng paglaruan niya na lang ako habang buhay dahil hindi lang ako ang madadamay dito kundi pati na rin ang anak ko.
    "Huwag mong hintayin na may gawin ako para lang palayin mo kami ng anak ko. Dahil kung ano ang tatanungin jace, wala kang karapatang maging tatay ng anak ko. Umalis ka na, di na kita kailangan" sabi ko sabay talikod sa kanya.

     Isa, dalawa, tatlong minuto at wala pa rin siyang sinasabi. Unti unti akong lumingon sa kanya at nakita ko kung pano tumulo ang luha niya sa kanyang mata. Nakayuko lang siya habang nakaupo sa gilid ng kama. "I'm sorry" ayun lang ang narinig ko sa kanya.
      "Sorry? Jace sorry? Eh yung mga panahong pinalayas mo'ko sa bahay? Ang ipagtabuyan ako sa buhay mo? Naisip mo ba yon?" unti unting bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan "Naisip mo ba kung anong hirap ang naranasan ko nang palayasin mo ako? Kung paano ko magisa ibinuhay ang anak ko? Hindi diba! Kaya 'wag kang umastang ikaw ang nasasaktan dito dahil simula't sapul ako itong nasasaktan!" nakatitiglang ako sa kanya dahil parehas na kaming umiiyak.

    "Ano jace? Diba nga ako itong ilang taon pa lang nagpakasal na sayo dahil pinilit mo'ko! Ako itong mahal na mahal ka at hadang ibigay lahat sayo! Ako itong hadang tanggapin ka kahit sino ka pa! Pero bakit parang ako lang yung nagmahal! Bakit mo nagawa sakin 'to jace" di ko nanapigilan sabihin lahat nang hinanakit ko sa kanya. Habang siya ay nanatiling naka-yuko at umiiyak

     "I'm sorry. I just don't want to hurt you. Aaminin ko na maling desisyon ang nagawa ko noon kaya nga bumabawi na ako sayo ngayon." nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.  "Pasensya na kung nasaktan kita pero Yumi nasaktan din ako." yun lang ang huli niyang sinabi bago siya umalis ng kwarto.
         Lalong gumulo ang isip ko sa mga sinabi niya? dapat ko ba siyang paniwalaan o isa na naman ito sa mga palabas niya.
       Pero isa lang ang nasa isip ko kundi asawa ko pa rin siya. Ang makita kong umiiyak siya ay para bang nanghihina ako. Nararamdaman ko sa mga boses niya na pagod na pagod na rin siya.

       Gusto ko mang pagkatiwalaan ulit ang lalaking sumira ng buhay ko ngunit halos sariwa pa rin sa aking mga alala ang mga nangyari sa akin noon.
      Kung pano ko buhayin mag-isa ang anak ko, ang anak kong kahit kailan ay wala siyang karapataan makuha. Bilang isang ina, alam kong magiging masakit para kay Lance na ilayo siya sa tatay niya.
     Ang tatay niyang matagal na niyang pinapangarap makasama. Ayaw kong lumaki si Lance na may galit sa akin dahil lang sa nilayo ko siya sa kanyang tatay.

      Pagkatapos nang away namin ni Jace ay nakatulog na lang ako kakaiyak. Pag gising ko ay tanghali na at bumangon na lang ako para maghanda nang tanghalian. Habang pababa ako ay narinig kong nag uusap silang mag-ama.

     "Daddy can we wake up mommy na? It's already 11 am! She needs to eat na" pamimilit ni lance sa kanya. "Later baby, patapos na magluto si daddy" wow si Jace nagluto? Lumapit na ako sa kanila at agad naman akong napansin ni Lance.
      "Mommy!!! Kakain na po tayo" cute na sabi niya sabay halik sa akin. Nakatingin lang ako sa Jace at umiwas naman siya nang tingin. "Umupo na kayo at luto na 'to"
      Ako na naghanda ng mga plato namin at umupo na kaming tatlo. Sinandukan ko nang kanin si Lance at nagthank you naman siya. Napatingin ako kay Jace ngayon na nagaantay na iabot ko sa kanya yung kanin ngunit nagulat siya nang sandukan ko rin nang kanin ang plato niya.
     Gulat na nakatingin lang siya sa plato niya. "ahmm thanks wife" nahihiyang sabi niya. "Oh baby eat nang marami ha. Magagalit si mommy pag di mo naubos yang food mo okay?" malambing na sabi ko kay Lance habang sinasandukan siya ng ulam. Nilagyan ko rin ng ulam si jace at nagsimula na kaming kumain.

     Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas at naglaro na silang mag-ama. Nandito ako ngayon sa veranda. Nagiisip isip kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Kung titignan ko silang mag-ama ay para bang ayaw na nilang maghiwalay sa isa't isa.

      Para nga ba sa ika-bubuti namin ang gagawin kong pag-alis o lalo ko lang pinapagulo ang mga nangyayari. Dahil kung sa ibang angulo tignan, si lance ang magiging kawawa kung ilalayo ko siya kay Jace.
    
      Mahirap kamuhian ka nang sarili mong anak lalo na kung di niya alam ang totong nangyari. Ayaw kong maging makasarili pagdating sa ganto dahil mas pipiliin kong maging masaya ang buhay nang anak ko kesa naman araw araw siyang maging malungkot dahil lang sa nilayo ko siya sa sarili niyang tatay.

      

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon