Chapter 18

2.9K 93 2
                                        


Yumi POV

"Mommy, i want that ice cream" cute na sabi ni Lance. "Okay baby" sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya. Kumuha na ako ng ice cream at kinain din naman niya yun. "Hi Yumi" nakangiting sabi ni Meryll sa amin. Kung nagtataka kayo kung anong nangyari ay sumama ako kay Meryll papuntang states at hanggang ngayon ay nandito pa rin kami nakatira. si Lance? Oo anak siya ni Jace, nung umalis kami sa pilipinas, 5 years ago ay hindi ko alam na buntis pala ako. At sa mga nakalipas na taon ay tinulungan kami ni Meryll kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Naging mabait siya sa aming magina. Inamin niya sa akin na matagal na pala siyang may gusto kay nicole at ngayon ay sila na ni Nicole pero tinutulungan pa rin niya ako dito sa si Nicole naman ay nasa Pilipinas dahil nandun ang business niya.

Nasa sasakyan kami ngayon at tulog na si Lance sa likod ng sasakyan. "Yumi, may sasabihin sana ako sayo" sabi ni Jace at mukhang seryoso siya. "ano yun? may problema ba?" nagaalalang tanong ko sa kanya. "Oo eh, Nagkaproblema kasi sa Kompanya namin sa Pilipinas at kailangan kong puntahan yun para ayusin." teka, babalik siyang pilipinas? "Kelan ka aalis? Matatagalan ka ba dun? Anong nangyari?" nagaalalang sabi ko sa kanya. "Nextweek pa, at di ko pa alam kung matatagalan ako dun. Alam ko naman na ayaw mo ng bumalik dun eh, gusto ko sana kayong isama ni Lance" sabi niya. Napatahimik na lang ako nagpaisip. Ayaw ko ng bumalik sa Pilipinas dahil kinalimutan ko na lahat ng nangyari duon, pero kailangan kong samahan si Meryll para ayusin ang problema sa kompanya nila. Sa kompanya kasi nila Meryll ako nagtatrabaho kaya malaki din ang utang na loob ko dun. "Eh kung sumama na lang kaya ako sayo tapos iwan muna natin kela mommy si Lance" seryosong sabi ko kay Meryll. "No yumi, you dont have to do this. Kaya kong ayusin to. Wag mong pilitin ang sarili mo" nagaalalang sabi niya pero hinawakan ko lang ang kamay niya at ngumiti "No meryll, kaya ko ng pumunta dun dahil kinalimutan ko na lahat ng nangyari dun at gustong gusto ko ng makita si Nicole" napatingin siya sa akin at ngumiti "Thankyou yumi!, Miss na miss ko na din si Nicole eh" sabi niya at halata sa kanya na kinikilig siya "Sus! Walang forever" nakangiti kong sabi sa kanya at nagpatuloy na siya sa pagmamaneho.

"Baby, magpakabait ka dito ha? wag kang magpapasaway kela mama" sabi ko kay Lance na karga karga ng mommy ni Jace. "Yes mommy, big boy na po ako kaya hindi na po ako magiging pasaway" cute na sabi ni Lance. Hinalikan ko na lang siya at niyakap. "Magingat kayo dun anak ha? Ako ng bahala dito kay Lance" sabi ni mama at humanda na kami ni Meryll para umalis, ngayon kasi kami pupunta sa Pilipinas. Di ko ala ang nararamdaman ko, para akong kinakabahan sa mga pwedeng mangyari "Are you okay Yumi?" nagaalalang tanong ni Meryll. "Oo naman Meryll, ayos lang ako" sabi ko sa kanya sabay ngiti. "Mommy, tito! Labas na daw po kayo dyan kasi baka daw malate kayo" siagw ni Lance sa labas. "Okay baby, papunta na" sabi ko at lumabas na kami ni Meryll. Nagpaalam na kami kela lance at sumakay na kami sa sasakyan papuntang Airport. Habang nandito kami sa sasakyan ay tinext ko si nicole na pauwi na kami ng Pilipinas

*New message received*

From: Bes

Hoy bruha! Mabuti naman at naisipan mong pumunta dito! Miss na miss na kitang babae ka!

Natawa lang ako sa sinabi ni Nicole at nagpatuloy lang kami sa pagtetext. Habang nandito kami ngayon sa eroplano ay di ko pa rin na papakalma ang sarili ko dahil kinakabahan ako na umuwi sa Pilipinas. Makalipas ng ilang oras ay nakarating na kami sa Pilipinas. Ganun sa rin naman, wala pa ring nagbabago. Pagkalabas namin ng Airport ay nagulat kami ng biglang yumakap sa akin si Nicole "Bessssss! Miss na miss na talaga kita!" naiiyak na sabi ni Nicole. "Ako babe? Di mo ba ako namiss?" natatampong sabi ni Meryll kay Nicole. "Syempre naman namiss kita babe" sabi ni Nicole at hinalikan niya si Meryll. "Hoy kayong dalawa! Tumigil na kayo dyan ha! Di kayo nakakatuwa" naiinis na sabi ko sa kanila pero tumawa lang sila sa akin. Pagkatapos nun ay sumakay na kami sa kotse. Habang nasa kotse kami ay nagulat ako biglang may nagtext sa akin

*New message received*

From:09345678***

I miss you wife

Agad kong binura ang text at pinatay ko ang aking cellphone. Halos mawala ako sa isip ko ng nabasa ko ang text na yun... hindi kaya si Jace yun?

A/N

20 votes para sa next update :)

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon