Yumi POV
"Mommmmmmmmy!"sigaw ni Lance ng makita niya ako sa airport. "I miss you baby, behave ka ba dun kela mama?" tanong ko kay lance at binuhat ko siya."I miss you so much mommy, asan po di daddy?" tanong niya sa akin. "Mamaya baby, makikita mo din siya". Umalis na kami ssa airport at dumiretso na kami sa bahay ko. Nang malapit na kami sa bahay ay napansin ko na may naka-parking na sasakyan sa tapat ng bahay ko. Pagkababa namin ay pumasok na kami sa loob nagulat ako dahil nakabukas na ang pinto nito. "Baby, dyan ka lang ha? May titignan lang muna si mommy sa taas" sabi ko kay Lance at tumango naman siya sa akin. Pagkapunta ko sa kwarto namin ay wala namang tao pati na rin sa mga iba pang kwarto ay walang tao habang pababa ako ng hagdan ay biglang sumigaw si Lance ng "Daddy" sa sobrang kaba ko ay dali dali akong bumaba papunta sa sala at nagulat ako ng nakita na karga-karga ni Jace si Lance. "Anong ginagawa mo dito Jace?" tanong ko sa kanya. "Binibisita ko anak ko" sabi niya habang karga-karga si Lance "Ikaw po ba talaga ang daddy ko?" masayang sabi ni Lance "Yes baby, Magkamukha nga tayo eh" sabi ni Jace at hinalikan niya sa pisngi si Lance. Di ko alam kung bakit pero naiiyak ako nang makita ko silang dalawa na magkasama. Matagal na rin kasing nanghihingi ng tatay si Lance at ngayon ay nagkita na sila ng daddy niya. Pinunasan ko muna ang luha ko at kinuha ko si Lance kay Jace. "Tara na baby, gutom ka na ba? Gusto mong kumain?" tanong ko kay Lance habang karga ko siya "Kakain po ako mommy pero gusto ko po si Daddy magsusubo po sa akin" sabi Lance. "Sige, maghahanda muna ako ng pagkain. Dyan ka lang ha? Magbehave ka" sabi ko kay lance at binaba ko siya. "Okay po mommy" sabi niya sabay takbo papunta sa daddy niya.
Habang nagluluto ako nagulat ako ng biglang may yumakap sa likuran ko "I miss you wife" tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at tinulak ko siya ng malakas. "Ano bang problema mo Jace? Bakit bigla bigla kang nangyayakap?" sabi ko sa kanya. "Na-miss lang naman kita, Di mo ba ako namiss?" malungkot na sabi niya. "Pwede ba tumahimik ka? Kung ano ano yang pinagsasabi mo. Alagaan mo nga muna dun si Lance" sabi ko sabay talikod sa kanya. Nagpatuloy na lang ako sa pagluluto ko. Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na sila at nagumpisa na silang kumain. Di na ako kumain dahil wala akong gana dahil nasaharapan ko si Jace kaya naman pagkatapos kong magluto ay dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo na ako. Dahil nga wala namang tao dito sa bahay ay nakatapis lang ako ng lumabas ako ng banyo pero laking gulat ko ng makita ko si Jace na nakatitig din sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" sigaw ko sa kanya pero lumapit lang ito sa akin at bumulong "Wag kang masyadong maingay, baka magising mo si Lance". Nagulat nang maramdaman ko na hinahalikan niya na ang aking tenga pababa sa aking leeg. "Ano ba yang ginawa mo Jace? Di na ako natutuwa" Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak sa kama at dumagan siya sa akin. "I miss you wife" bulong niya sa akin at nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan. Nagpupumiglas ako pero di ko alam kung bakit nagugustuhan ko ang ginagawa niyang paghalik sa akin. Di ko namalayan na tumutugon na pala ako sa mga halik ko sa kanya. Di ko namalayan na inalis na niya pala ang towel na nakatapis sa akin at pababa na rin ang mga halik niya papunta sa aking leeg. Ang isa niyang kamay ay pinaglalaruan ang isa kong dibdib pababa ng pababa ang mga halik niya sa akin ng biglang "Daddy!!! Mommy!!" Sigaw ni Lance sa labas ng kwarto ko "Sh*t" sabi ni Jace at bigla itong tumayo. Sa sobrang taranta ko ay pumasok ako ulit sa banyo at dun muna ako nagstay hanggang sa narinig kong lumabas si Jace
Jace POV
Sh*t! Sh*t! Sh*t!!! Sigaw ko sa isip ko. Bitin na bitin ako. Kung di ko lang anak ito ay baka naitapon ko nato. "Bakit baby? Ano kelangan mo?" malambing na sabi ko sa kanya. "Pwede po bang tabi ako dyan sa inyo nila mommy matulog?" tanong niya sa akin. "Di pwede baby, may trabaho pa yan si Jace bukas kaya di yan matutulog dito" singit ni Yumi sa usapan namin. Pagtingin ko sa kanya ay nakapang tulog na siya. "Pwede namang magstay dito si daddy eh, gusto mo ba baby?" tanong ko kay Lance. "Opo daddy Yehey" sabi ni Jace sabay hatak sa akin papasok ng kwarto. Natulog na kaming tatlo at nasagitna namin ni Yumi si Lance na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Pagkatingin ko kay yumi ay tulog na rin pala ito. Bigla akong napangiti nang nakita ko silang dalawa na natutulog at katabi ko ngayon. Para kaming isang masaya na pamilya.
A/N
20 votes po para next updateeeeee! Thankyou po sa mga nagbabasa pa nito.
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss
General FictionHaving a peaceful life ay isa mga gusto si Yumi ngunit mangyayari pa ba iyong makikilala niya ang mafia boss? Ako si Yumi, isang normal na babae lang. Nagaaral sa umaga at trabaho naman sa gabi. Pero sa di inaasahan na dahilan, nakilala ko siya. Ang...