Chapter 8

3.3K 83 0
                                        

Jace POV
Nandito ako ngayon sa kotse. Pauwi na ako, alam kong narinig ni Yumi yung pinagusapan namin ni Lian. Wala naman akong dapat gawin pero feeling ko kelangan ko magsorry sa kanya kasi baka nasaktan siya sa narinig niya. "Ang tanga mo jace! Pano kung di naman siya nasaktan? Malay mo wala naman paki yun" para akong tanga dito sa kotse kasi kinakausap ko yung sarili ko. Haaaay Jace! Ano bang nangyayari sayo. Pagkauwi ko ng bahay malinis na. Wala na yung mga basag na vase sa sahig. Oo nga pala nilinis na ni Yumi. Pumunta ako sa kwarto namin, nakita ko si Yumi na natutulog. Tinitigan ko siya ng matagal. Maganda naman siya, matangos ang ilong, may magandang mata, maputi at higit sa lahat ang ganda ng labi niya. Sobrang pula. Parang ang sarap.. "Hindi Jace! Di pwede" bulong ko sa sarili ko. "Sorry Wife" yun lang yung sinabi ko kay Yumi at pumunta na ako banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo ay natulog na din ako sa tabi ni Yumi.

Bigla akong nagising dahil sa sinag ng araw. Pumunta ako sa banyo para maligo at bumaba na din ako para kumain. Naabutan ko si Yumi na kumakain sa kusina. Pagkaupo ko ay di man lang niya ako pinansin. "Morning" sabi ko sa kanya. Pero parang wala man lang siyang narinig at tumayo na siya kahit di pa siya tapos kumain. "Yumi, ubusin mo yang pagkain mo" sabi ko sa kanya pero di niya lang ako pinansin. "Aalis ako" sabi niya sa akin pero hindi man lang niya ako tinignan. "San ka pupunta? Sasama ako!" sabi ko kanya. Pero di niya lang ako pinansin at umalis na siya. "F*ck Yumi! Pinapasakit mo talaga ulo ko" tinawagan ko si Kean para sundan si Yumi. Linggo ngayon kaya alam kong wala siyang pasok. Alam ko din na wala dito yung kaibigan niyang babae. Baka pupunta na naman siya dun sa lalaki niya.

*New Message Received*
Kean:
Boss, nasundan na namin si Yumi. Pumunta po siyang supermarket. Namimili po ng pagkain

To Kean:
Okay, bantayan niyo lang siya hanggang sa makauwi siya.

Kean:
Masususnod boss.

Hinintay ko makauwi dito si Yumi. Kakausapin ko siya. Ayaw kong ganto kami. Di ko alam kung bakit. Alam kong mahal ko si Lian pero bakit parang malungkot ako pagganto kami ni Yumi. Haaay! Gusto kong magkaayos na kaming dalawa. Maya maya ay dumating na si Yumi. May dala siyang maraming bag. Tutulungan ko sana siya kaso sabi niya kaya na niya daw. "Yumi? Pwede bang magusap tayo" sabi ko sa kanya sabay hinarap ko siya sa akin. Tinitigan ko siya ng matagal nagulat ako ng biglang pumatak yung luha niya. "Sh*t Yumi! Bat ka umiiyak?" sabi ko sabay punas ng luha niya kaso bigla siyang umiwas. "Wala napuwing lang ako Hehehe." sabi niya sabay umakyat na siya sa kwarto.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa Bar. Tinawagan ko kean na pumunta din sila dito kaso malalasing na lang ako wala pa sila. Biglang may lumapit sa akin na babae "Hi Babe" sabi nung malanding babae kaso tinulak ko siya "Leave me alone b*tch!" sabi ko sabay iniwan ko na siya. Habang umiinom ako biglang may tumabi sa akin "Sup boss? Anong ganap dito?" sabi ni kean. "Wala naman. Gusto ko lang uminow" sabi ko sabay inom ng alak. "Naku boss, kung nagaway kayo ni Yumi nakipagbati ka na agad ikaw din baka maunahan ka pa ng iba dyan. Lalo na ngayon boss may umaaligid na lalaki dyan kay Yumi" sabi ni Kean tapos uminom na din siya. Di ko na lang siya sinagot sabay inom na lang ako ng alak. Maya maya ay naparami na ako ng inom ng alak. Medyo nahihilo na din ako dahil halos maubos ko na yung 8 bote ng alak. "Boss, tama na yan. Di mo na kaya eh." sabi ni kean. "Tsk! Wag kang makialam! Sabi ko.

Yumi POV
Matutulog na sana ako ng biglang may nag-doorbell. Ano ba yan. Gabing gabi na may nang iistorbo pa. Bumangon na lang ako at binuksan ko yung pinto. Nagulat ako ng nakita ko si Kean tsaka Jaydee na akay-akay si Jace. "Yumi, ito si boss oh. Lasing na lasing. Mukhang may problema eh." sabi ni kean tapos pinasok na nila si Jace sa loob. "Ahh.. Kean, pwede na sa kwarto niyo na ibaba si jace?" sabi ko sila. Nangnahiga na nila si Jace ay umalis na din sila. "Wife.." narinig kong sabi ni jace. Umupo ako sa gilid ng higaan at pinagmasdan ko lang yung mukha niya. Ang pogi pa din niya kahit tulog siya. Nagulat ako ng bigla siya bumangon. "Wife" sabi niya sabay hawak ng kamay ko. "I'm sorry." yun lang yung sinabi niya tapos bigla na siyang natumba. Di ko alam kung bakit pero napangiti ako nung narinig ko yun. Sabi kasi nila kean sa akin na hindi daw marunong magsorry to si jace. Pero nagsorry siya sa akin. Kumuha ako ng towel at maaligamgam na tubig at pinanasan ko siya. Pinunasan ko yung mukha niya pa baba sa leeg niya. Napalunok ko ng isa isa ko ng tingal yung botones ng suot niya. Nang natangal ko na yung botones ng damit niya, pinunasan ko na ulit yung leeg niya pababa sa dibdib niya. Nanginginig na yung kamay ko. Hanggang na nasa Abs na niya yung kamay ko. Omggggg. Pulang pula na yung mukha ko
Init na init na ako. Binilisan ko na lang yung ginagawa ko at pinalitan ko na siya ng damit na pantulog. Inalis ko na din yung suot niyang sapatos at tinabi iyon. Tumabi na din ako sa kanya at tinitigan ko lang yung mukha niya. "Goodnight Hubby" mayamaya ay nakatulog na din ako.

A/N
Hi guys! Please follow me and i-vote niyo na din to. Mag-comment po kayo para ganahan ako magupdate. Thankyou guys💓

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon