02: Minna, RIP

354 20 0
                                    

"Grabe, feeling ko tuloy, nangangalawang na ako sa pakikipaglaban" nakabusangot na sabi sakin ni Tita Reil nang matapos kaming maglaban. 4 years na mula nung mamatay si Mama at finally, tapos na akong magtraining. Ready na ako.

"Sus, ang sabihin mo, ang galing galing ko na!" Tita Reil became my friend, my sister, and my second mother. Inalagaan niya ako ng apat na taon pero di ko alam kung paano ko siya mababayaran.

"Oo na! Magaling ka na! Mana ka talaga kay Xaina. Di ko kayo matalo-talo." Napangiti naman ako ng mapait nang banggitin niya si Mama. Matagal na akong okay. My mother taught me to be strong kaya heto, ang lakas ko nga talaga. Hindi lang yun, ako na rin ang reyna dito sa kulungan na toh. Marami na akong tagasunod.

Napahawak naman ako sa sikmura ko at naramdaman ko dun ang sugat na natamo ko nung araw na mamatay si Mama. Hindi ko alam kung pano, nagising nalang ako na may benda sa tiyan ko. "Does it still hurts?" tanong sakin ni Tita Reil nang mapansin niyang napahawak ako sa tiyan ko. Umiling ako bilang tugon.

"Pwede na ba akong tumakas?" tanong ko pero hindi siya sumagot at napansin ko ang pagtigil niya dahil sa tanong ko.

"You're still into that?" Nasabi ko na sakanya ang rason kung bakit gusto kong tumakas, sinabi kong papatayin ko si Youkai. Pero hindi ko na muna yun binanggit sakanya ng tatlong taon para makapagfocus kami sa training ko kaya baka inisip niya, kinalimutan ko ang pagtakas. "Kailangan ko ring patayin si Fomie dahil isa siyang traydor--"

"She is still your Tita Fomie, Zeyi. Tumakas siya para makapiling niya ang anak niya."

Nasabi na niya yan sakin pero ang pinagtataka ko lang, bakit kay Tita Reil niya lang sinabi? Ba't di niya sinabi kay Mama? Baka naman nagsisinungaling lang siya. Baka naman traydor talaga siya.

"Basta, tatakas ako. Maghihintay ako ng tamang araw" sabi ko at tumayo na. Aalis na sana ako nang marinig ko siyang magsalita, "remember that night. I was too late." Napatingin ako sakanya at nakangiti siya ng mapait. "Do you know why I was too late to save Xaina and Anil?" Hindi ako sumagot o gumalaw man lang, I just waited for her. "it was because kinuha ko ang nag-iisang rason kung bakit di ka pwedeng umalis. Believe me, mas delikado sa labas. I can't give that thing to you though, you have to find it yourself in our cell."

Nang makarating ako sa kung saan kami kumakain ay nakahanda na ang pagkain ko, buti naman. I wasn't able to react to what Tita Riel said but I will get out of here. Umupo na ako at nagsimulang kumain at ramdam na ramdam ko ang tingin ng mortal kong kaaway dito. Katulad ko, dito rin siya pinanganak sa kulungan. Ang pinagkaiba lang namin ay mas maganda ako at mas magaling ako.

Tumigil muna ako sa pagkain at tinaas ang kamay ko. Binuka ko ang daliri ko at pinagdikit ko lang ulit iyon. At nang tignan ko ang kamay ko ay naka-ipit na dun ang maliit na blade na tinapon sakin ng bitch na yun. Napangisi naman ako sa gulat niyang expression.

"Go" utos ko sa isang tauhan ko at mabilis siyang lumapit dun sa babaeng inutusan ni Bitch na tumapon sakin ng blade. Kinaladkad niya yun at pinasama ang mga tauhan kong inutusan kong tulungan siya sa pagbugbog sa babaeng nautusan lang.

"Tinatawag ka po ni Reil" sabi ng isang tauhan kong kakarating lang habang yukong-yuko. Napabuntong-hininga nalang ako at tumayo na.

"Iligpit niyo na yan" sabi ko kaya naman mabilis nilang kinuha ang plato ko para iligpit at nag-unahan narin sila para kumuha ng pagkain nila. That's the rule, bawal silang kumain hanggang sa hindi pa ako kumakain.

Naglakad na ako papunta sa selda namin ni Tita Reil at nakita ko siyang nagsisigarilyo nanaman sa kama niya.

"Quit smoking, will you?" Inagaw ko sakanya ang sigarilyo niya at nilagay iyon sa bibig ko. Napatingin naman siya sakin na parang hindi siya makapaniwala.

Murderous [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon