JINA
She's back. And she's colder, scarier, and more intemidating. "Jina! What are you doing!?" And here goes that feeling queen bitch, Oni. Mula nung tumakas si Zeyi, siya na ang nagpakareyna dito. Sakin binilin ni Zeyi ang pamumuno dito pero pinabugbog ako ni Oni hanggang sa napasunod niya lahat ng mga tauhan ni Zeyi. "Uhm, getting something to eat" sagot ko. Nanggigigil ako sakanya kasi ginagaya niya si Zeyi, ginaya rin niya yung rule ni Zeyi na bawal kumain hangga't di siya kumakain. Pero ibahin niya ako, hindi niya ako tagasunod. Meron parin naman akong mga kasamahan na loyal kay Zeyi pero takot rin sila kay Oni kasi baka ipabugbog sila ni Oni sa mga tauhan niya.
Inirapan naman niya ako. She already gave up taming me dahil loyal ako kay Zeyi kaya di na niya ako pinapakialaman. Dinala ko na yung plato at umalis na dun. This is actually for Zeyi, hindi na kasi siya kumakain. Never siyang lumabas ng selda niya. Of course, it's emptier dahil namatay si Ms. Reil nung tumakas siya. "How dare you come in?" Mabilis akong umatras sa pinto nang magsalita siya. Nakakatindig balahibo parin talaga ang boses niya. Kumatok naman ako kunware. "May I come in?" Tinignan niya ako ng nakakunot noo. "Di mo gets noh? What I really mean is get out." Kahit kalmado ang boses niya, nahahalata kong pikon siya sakin. She needs to eat kasi may mangyayare mamaya.
"Just in case" sabi ko at pinatong sa kama niya ang plato at umalis na ako dun. She needs strength dahil ipapabugbog siya ni Oni mamaya.
"Come with us. You take a see kung gaano kahina ang boss mo." Halos maligo na ako sa laway ni Oni habang sinasabi yun. Talsik laway! Parang shower. Yuck! English pa ng english, di naman marunong. Tss. Inirapan ko naman siya at yun ang pinakahate niya kaya naman tinanguan niya yung isang tauhan niya. Puta! Hinila naman nung babaeng yun ang buhok ko. Agad ko naman siyang sinampal at dahil mahaba ang kuko ko ay nasugatan ang pisngi niya. "Ikaw!!" Sinugod niya ako kasama ang iba pang tauhan ni Oni. At pinagsisipa nila ako.
Wala akong ginawa. Sanay na ako sa pambubugbog nila. Minsan, lumalaban ako, minsan, ayokong lumaban. Baka kung ano pang magawa ko sakanila eh.
***
Sa huli, kinaladkad nila ako para sumama sakanila. Nilapitan naman nung mga tauhan ni Oni ang lahat ng guards na nagbabantay at nilandi nila yun. Ganyan ang paraan niya para mapaalis ang mga guard. Ginagamit niya ang mga tauhan niya para dun. That's what I hate about her.
Naglilinis kami dito sa labas ng mga selda at tanaw na tanaw ko si Zeyi na naglilinis ng sahig. Nilapitan nila siya at dahil kinaladkad ako, eh nakasama ako. Sinipa ni Oni yung balde na may tubig kaya nabuhos iyon dun sa sahig na nilisan ni Zeyi. Napatingin naman siya kay Oni, dead eyes. Walang kaemo-emosyon ang mata niya, para siyang bored na bored sa buhay niya.
Pinatayo naman niya yung balde pero sinipa lang ulit iyon ni Oni. Di siya pinansin ni Zeyi at naglinis nalang ng sahig kaya naman inapakan ni Oni yung trapo na pinanglilinis ni Zeyi. "Nangangalawang na ba yang tapang at galing mo?" Tumayo naman si Zeyi at tinitigan lang si Oni. Napapaisip tuloy ako kung anong tumatakbo sa utak niya. She's very cold. The way na titignan ka niya, parang tinitignan niya mismo ang kaluluwa mo. "Nakatikim ka lang ng kalayaan, naging talunan ka na!" sigaw ni Oni sabay tulak sa balikat ni Zeyi. Napatingin naman si Zeyi sa balikat niya tas tumingin kay Oni, pikon na siya. "Wala ako sa mood para patayin ka, Bitch" sabi ni Zeyi sabay talikod para pumasok na sa selda niya pero pinigilan siya ni Oni. Hinila niya ang braso ni Zeyi at tinulak sa rehas. Ouch! Ang sakit nun ah! Pero walang expression si Zeyi. Di man lang niya pinakitang nasaktan siya.
BINABASA MO ANG
Murderous [COMPLETED]
ActionHer first time seeing, what she saw were bars. Her first time hearing, what she heard were shouts, gun shots and loud thuds. Her first time talking, what she said were cuss and swears. Her first time smelling, what she smelled were smokes and dirts...