ZICO
Dahil sa failure ng unang pagtakas namin kay Zeyi ay napagdesisyunan na ni madam na hindi niya kami tutulungan sa pagsagip sakanya kaya wala na kaming access sa loob. Maghihintay nalang kami na may mangyare.
"Teka, Zico. Tignan mo yun oh!" Napatayo naman ako mula sa pagpapahinga ko at lumapit na ako kay Duke. Tauhan siya ni Madam, pero kaibigan ko siya kaya niya ako tinutulungan.
Binigay naman niya sakin ang binocular na hawak niya at tinignan ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Nakita ko ang isang pulis at isang nakaitim na lalake na naglalaban sa may light house. Di naman nagtagal ay napatumba na nung isa yung pulis. Shit. What is this?
Unti-unti niyang sine-set up ang hawak niyang sniper at nang matapos ay tinutok niya iyon sa...tumingin ako sa kung saan iyon nakakatutok...sa mga bilanggo. Mabilis na hinanap ng mata ko si Zeyi at nakita kong tumatakbo siya sa field. "Hey, Duke. Prepare, I have a feeling that we can finally save her" sabi ko kay Duke habang pinapanood parin si Zeyi. Nakita ko namang tumigil siya at tumingin-tingin. Agad naman akong nagtago dahil baka makita niya ako. "Oh, pare! Ba't ka nagtatago? Isasagip mo naman siya ah" natatawang sabi ni Duke nang makita niya ang ginawa ko. Sinapak ko naman, "galit sakin yun." Kumuha naman siya ng isang binocular at tumingin rin.
Nang tignan ko na ulit ang lalake sa light house ay nakatutok parin iyon sa mga nasa loob. Pinanood ko naman ulit si Zeyi at nakarating na siya dun sa mga kasamahan niya at nakita ko yung pulis. Siya yung pumigil kay Zeyi. "Pare, sa tingin ko target nung lalakeng yun ay yung syota mo!" Huli na nang sabihin niya yun dahil nakarinig na kami ng pagputok at kitang-kita ko kung paano nadaplisan si Zeyi. Fuck!! Nang tignan na namin yung lalake sa light house ay wala na siya. Damn! Napasuntok naman ako sa lupa.
Di nagtagal ay pumasok na silang lahat. Kaya niligpit na namin ni Duke ang mga gamit namin at hihintayin na namin ang sunod na mangyayare. My instict tells me na may mangyayare. "Pare, yung lalake kanina parang galing yun dun sa mafia clan na yun."
"Sigurado ka?" Tinanguan niya lang ako. Bakit kaya nila sasaktan si Zeyi? Anong pakay nila sakanya?
"Pare, pare. Gising! May mga lumulusob oh!!" Nagising naman ako nang sikohin ako ni Duke. Tinignan ko naman yung tinitignan niya at nakita ko yung mga mafia na nakita namin ni Zeyi nung araw na nahuli siya ng mga pulis bukod sa mga tauhan ni Madam. At mukhang pakay nila sa kulungan na toh ay si Zeyi, but I won't let them have her. Magkakapatayan muna kami bago nila mahawakan kahit isang hibla ng buhok ni Zeyi.
Naghanda narin kami ni Duke at saktong pagkatapos namin ay nakarinig na kami ng malaking pagsabog. "Let's go!" Pumasok kami dun sa dinaanan nung mga mafia, dito rin kami dumaan nung una. Hindi ko nga alam kung ba't hanggang ngayon ay hindi pa toh nadidiskubre ng mga pulis. Mabilis kaming nakapasok sa mga selda at sobrang mausok. Lahat naman ng madadaanan ko ay tinatanong ko kung nasan si Zeyi pero walang sumasagot. "Where the fuck is Zeyi!?!?" sigaw ko dun sa isa pang nakasalubong ko pero hindi niya ako sinagot. "Sumama kayo sakin, nasa CR siya." Napalingon naman kami ni Duke sa babaeng nagsalita. Sinundan namin siya nang magsimula siyang maglakad. Pansin ko naman ang pag-aalala niya habang hinahanap namin si Zeyi. She got herself a good friend.
"Putang ina!!" Napalapit kami sa kanya at nakita namin ang isang babae na nakahiga doon. "Hanapin niyo. Nandito lang yun, narinig kong nag-laban sila ni Oni" sabi nung babae kaya nagsimula na kaming maghanap. Baka yung babaeng nakahiga dun ang sinasabi niyang Oni. Fuck!! Where are you, Zeyi!?!? "Zico, I think we have to get out of here! Parating na ang mga pulis at wala na tayong mailalabas dito!" Napalapit naman agad ako kay Duke at nakita ko ang babaeng sunog ang katawan. Tinignan ko ang mukha niya at may tama nga siya sa panga. It's her. It's Zeyi.
BINABASA MO ANG
Murderous [COMPLETED]
ActionHer first time seeing, what she saw were bars. Her first time hearing, what she heard were shouts, gun shots and loud thuds. Her first time talking, what she said were cuss and swears. Her first time smelling, what she smelled were smokes and dirts...