Nagising ako pero dilim ang sumalubong sakin. Dun ko lang narealize na may blindfold ako sa mata. Oh yeah, I was bridenapped. Tama nga si Papa, may pipigil nga ng kasal namin which reminds me of my mission.
Narealize ko naman na may pumasok nang medyo nasilayan ng liwanag yung blindfold na nakalagay sakin. Di ko maramdaman kung sino ang pumasok pero sa tingin ko ay si Maria Clara yun. Tapos di pa nagtagal ay may sumunod sakanyang lalake. "Clara, magagalit si boss sayo pag tinuloy mo yan" sabi nung lalake. "Di ko naman siya papatayin eh" sabi naman nung babae. Pamilyar talaga yung boses niya. Sino ka ba talaga, Maria Clara?
Halos mapatalon ako sa gulat nang makaramdam ako ng sampal sa pisngi ko. Pero di ko pinahalatang nasaktan ako. "You're good at that, huh. Let's see kung hanggang saan ang kaya mo" rinig kong sabi niya habang pinipigilan naman siya nung lalakeng kasamahan niya. Ilan pang sandali ay sinuntok niya ako sa sikmura ko. It fucking hurts but I never showed. "Damn this bitch!!" Sumunod ay isang suntok sa panga ko and I gritted my teeth. Fuck!! That hurts!!
Bumukas nanaman ang pinto, "pinapatawag tayo ni boss sa field" sabi nung bago lang na dumating. Narinig kong nagmura si Clara bago lumabas ng kung saan ako nakalagay ngayon. Saan nga ba ako? Ba't ang baho dito? Amoy tae ng manok.
Nakaginhawa naman ako nang maramdaman kong wala nang tao pero nagulat ako nang bumukas ang pinto pero wala akong maramdaman sa kung sino man ang pumasok, like Maria Clara. Who are these guys? Ba't magaling sila? I have to spy on them to take them down. Halos mapatalon naman ako nang makaramdam ako ng hawak sa pisngi ko. Shit. Sino toh!?! I think he or she is checking my face kung may dumi? Basta, chinicheck niya ang kung ano man ang meron sa mukha ko. Paglipas ng ilan pang sandali ay narinig kong nagmura siya at di ko na siya talaga maramdaman o marinig man lang, siguro lumabas na yun.
***
"Ito oh, pagkain." Tinanggal nung nagsalita ang blindfold ko. Isang batang lalake. Susubuan na sana niya ako pero di ko binuka ang bibig ko. "Sige na po, baka ako pa ang pagalitan ni boss" sabi niya na parang natatakot. "I can eat on my own, just untie me" sabi ko pero mukhang di niya ako naintindihan. Kawawa naman tong batang toh, di marunong mag-english. "Kaya kong kumain, alisin mo lang tong tali" sabi ko at napa-ahh naman siya at tumango.
"Teka lang po, maghahanap ako ng magbabantay sa labas."
"Wag kang mag-alala wala akong planong tumakas" sabi ko naman. Agad niyang inalis ang pagkakatali sa kamay ko at nagsimula narin akong kumain habang pinapanood naman ako nitong batang toh. "Ang ganda niyo po" bigla niyang sabi. Alam kong maganda ako. Pagkatapos kong kumain ay napasandal ako sa dingding at napatingin sa kamay ko, buti di naputol yung kwintas.
Nang lumabas yung bata, nakita ko ang langit at gabi na. Shit. Dito ako matutulog? Ang kati naman nung mga straw. Mas gusto ko pa ang kama ko sa kulungan, kahit matigas hindi makati tas nakagown pa ako ngayon.
Nagtaka naman ako nung bumalik yung bata. "Psst, halika. Dun ka sa kwarto ko, mabaho jan" bulong niya. Di na ako nagalinlangan pa at sumama na dun sa bata dahil ayokong matulog dito. Nalaman ko namang kulungan pala yun ng mga manok kaya pala ang baho. "Ang laki naman ng kwarto mo" sabi ko sakanya. "Kwarto ito ni inay pero wala na siya kaya ikaw na muna ang matulog dito. Wag kang mag-alala, sekreto lang natin toh" sabi niya at lumabas na. Nilock naman niya yung pinto, syempre, isa parin naman akong prisoner. Pero okay na toh.
***
Mag-iisang buwan na ako dito sa mga kalaban pero wala pa akong nakukuhang information. Nalaman ko lang na hinayaan na nila akong dito ikulong sa kwarto nung nanay nung bata. Tas pinahiram din nila ako ng damit. Nakakapagtaka lang, kalaban nila ako at bilanggo nila ako pero bakit wala akong natatanggap na kung ano-anong treatment? Well, isa na yung pagsasampal sakin ni Maria Clara nung unang araw pero so far, wala pa. Binisita rin ako ni Maria Clara at nakamask siya pero dinalhan niya lang ako ng pagkain. Di ko alam talaga sakanya pero may malalim siyang galit sakin. At di ko parin matandaan kung kaninong boses yun.
BINABASA MO ANG
Murderous [COMPLETED]
ActionHer first time seeing, what she saw were bars. Her first time hearing, what she heard were shouts, gun shots and loud thuds. Her first time talking, what she said were cuss and swears. Her first time smelling, what she smelled were smokes and dirts...