03: Alliance

317 17 0
                                    

Bago pa ako lamunin ng pagiging emotional ay tumayo na ako at lumabas at naglakad pababa. Simple lang yung bahay ni Tita Fomie, paglabas ko sa kwartong kinalalagyan ko, nakita ko na agad sila sa sala at kita din mula sa taas ang buong bahay.

"What's with the medicine?" tanong ko at naupo sa malaking sofa nila. Natigilan si Erin sa pagpainom ng gamot sa nanay niya nang itanong ko iyon at yumuko siya. Di naman kasi nabanggit ni Tita Reil na may sakit si Tita Fomie. Ngayon ko nga lang nalaman na naka-wheel chair na pala siya.

"Maintenance niya." Finally ay nakasagot narin si Erin pero nakayuko parin siya at nakita kong ngumiti si Tita Fomie ng mapait at hinawakan ang kamay ni Erin, "get some breakfast for Zeyi." Agad-agad naman siyang sumunod at tumayo. Nagulat pa nga ako dahil alam kong ayaw niya akong pagsilbihan pero nang iutos yun ng mama niya, agad-agad niyang sinunod.

"Anong meron?" Yun nalang ang nasabi ko habang sinusundan ng tingin ang mangiyak-iyak na Erin papunta sa kusina. "Di niya lang matanggap." Napatingin naman ako kay Tita Fomie nang sabihin niya yun. Matanggap? Ang alin? "Di niya matanggap ang sakit ko kaya sinabi niya maintenance" sabi ni Tita. Napa-ayos ako ng upo at seryosong nakinig sakanya.

"Lung cancer. Sabi ng doktor, the best thing to do now is to keep me comfortable."

Nanigas naman ako sa kinauupuan ko nang marinig ko yun. That means one thing, di na nila kayang gamutin pa siya sa hospital. It's very weird dahil siya pa talaga tong nagkasakit kahit na si Tita Reil naman ang pala-sigarilyo. Baka siguro second hand smoking, it's worse than first hand smoking. "I thought, I'm gonna die soon that is why I helped you get out of there. Nasabi sakin ni Reil ang tungkol sa gusto mo and don't worry I support you with that."

"Enough with the chitchat at kumain ka na!" Pareho kaming napalingon ni Tita Fomie kay Erin na nakatayo sa may daan papuntang kusina. Nginisian ko naman siya, "not hungry" sabi ko sabay belat sakanya at nakita ko ang paglaki ng butas ng ilong niya. Hahahaha!! Pikon!! Ang unang mapikon, talo!! Teka, did I just tounge-outed at someone? Oh fuck! Now I'm being childish! Damn!

Inirapan naman niya ako at lumapit na kay Tita Fomie. Tinulak niya ito papalapit sa isang pinto at biglang bumukas iyon. Ahh, elevator pala. Sabagay naka-wheel chair naman si Tita. Nahiga naman ako dito sa sofa at tumitig sa kisame ng bahay. I threw a fist up in the air at umupo. Yosh!! Gonna finish that goal of mine!! I'm gonna kill that Youkai, that demon!! But first, I need energy.

Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Nakita ko doong nakahanda na ang kakainin ko kaya naupo na ako at nagsimulang kumain. Hmm, masarap naman magluto si Erin. Oh, well for many years na hindi niya nakasama ang mama niya, siguro natutunan niya kung paano mabuhay ng mag-isa.

"Not hungry, huh." Napatingin naman ako sa may palabas ng kusina at nakita si Erin na nakasandal sa pader. Di ko nalang siya pinansin at tinapos na ang pagkain ko. Umupo naman siya sa harap ko. "If you're hungry, make one for yourself. My service is too valuable for someone like you" sabi ko nang nang-aasar at nakita kong napikon nanaman siya. Hahaha!! Haay naku, Zeyi! Ikaw nanaman ang nagiging childish! That's not you, Zeyi!

"I envy you, you know." Natigilan naman ako sa pag-inom ng tubig at napatingin sakanya. Seryosong-seryoso siyang nakatingin sakin. What's with the sudden confession? I know I'm envied by everyone pero ngayon lang may nagconfess nun.

"Oo, pinanganak ka sa kulungan pero nakasama mo naman ang nanay mo, di lang yun. May bonus pa, may tatlo ka pang mababait na tita" napayuko naman siya at biglang tumawa. Teka, nabaliw na ba toh? Malungkot tapos biglang tatawa. "They have been with you until their last breath." Napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi niya. I suddenly got reminded of those people who died for me. Hindi ako nagpalamon sa emosyon ko at tumayo na.

Murderous [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon