15: She's always worth it

87 4 0
                                    

XAIZEYI

Grabe, di ako pinatulog ni Zico. Sarap niyang patayin. Sabihin ba namang may gusto sakin eh may girlfriend na oh! "You know, I can't explain what your expression is," napatingin naman ako sa nagsalita. Si Ryu. Oo, nga pala. Kasama ko si Ryu ngayon, yun kasi sinabi ni Papa at mahirap na siyang utuin. Ang hirap rin tumakas, eh kasi nga lagi siyang nandito. Dito siya nag-aagahan tas dito rin siya naghahapunan. Pero thankfully, hindi siya dito natutulog. Kulang na nga lang talaga dito na siya tumira. Teka, actually, inimbita pa siya ni Papa pero nagalit ako, it's too much. Di pa naman kami kinakasal and there's no way I'm going to be married. Mamatay na muna lahat ng tao.

"You look happy and at the same time, sad." Di ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Si Papa, inaasikaso na yung tungkol sa kasal namin ni Ryu kaya wala siya dito. Tss. As if namang papayag akong makasal. "Hey---" Tumayo na ako at naglakad papalayo sakanya at naramdaman ko namang sinundan niya ako agad kahit di pa tapos kumain. Tsk.

Pumasok na ako ng office ko at inasikaso na ang dapat kong asikasuhin. Some reports from the reapers and some others about underground battle. Meron ring update tungkol sa Soign Clan at syempre, yun agad ang binasa ko. Report yun ng isang informant namin na nags-spy dun sa base ng Soign Clan.

"Zennice's son will be married to Zennice's favorite mafia, Amethyst (unknown identity) inorder to be the new leader of Soign Clan."

Di ko na tinuloy dahil parang may namumuong galit akong nararamdaman. Fuck! I hate this feeling!! Napatingin naman ako sa shelf na nasa gilid at napatitig dun.

Pupunta kaya ako?

Gusto kong pumunta pero parang wala ring silbi kasi nga ikakasal na sila ni Erin, so why bother? Ikakasal narin naman ako, pareho pala kaming ikakasal. ANG GALING. -_-"

Napahawak ako sa may dibdib ko at nahawakan ko dun ang token. Oo, ginawa kong kwintas. Hindi ko alam kay Zico kung anong ginawa niya dun sa isa. Baka tinapon na niya. Di naman yun mahalaga. Tss.

***

ZICO

Pag-gising ko ay may sumampal sakin kaya naman gising na gising na ako. "What the heck is your problem!?!?" sigaw ko sa taong sumampal sakin. Nagulat naman ako nang makita ko si Erin na humahagulgol. Agad ko siyang nilapitan. "Di mo nga talaga ako mahal, akala ko" tas umiyak nanaman siya. Sinigawan ko lang, umiyak na? "Anong problema? Okay ka na ba? Nainom mo na ba yung gamot?" Bigla naman niya akong tinulak. "I hate you!! Break na tayo!!" Tumayo na siya at naglakad palabas. Susundan ko na sana siya kaso narealize kong this is the chance. Di ko naman siyang kayang ibreak dahil nga kay Madam pero siya na ngayon ang mismong nakipagbreak. Kaso...

Nagulat naman ako nang makita ko ulit siya sa harap ko. "Erin" tawag ko sakanya pero patuloy lang siya sa pag-iyak. Sinampal nanaman niya ako tas umiyak nanaman. Di ko talaga maintindihan ang mga babae. Nananampal ng walang dahilan. "I have too many reasons to slap you pero baka mamaga lang mukha mo," sabi niya sabay talikod at patuloy parin sa pag-iyak. Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak pero ayoko rin namang umasa siya. "Don't worry, wala akong irereport kay Madam" sabi niya at tumakbo na siya paalis.

Sorry, Erin. I'm inlove with someone else. And I hope that someone else loves me too.

***

Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta na ako sa likod ng base ng Vrosti Clan. Medyo nahirapan lang ako dahil parang mas dumami ang bantay nila. Anong meron?

Murderous [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon