25: The Loss of Mafia Clans 2

74 3 0
                                    

XAIZEYI

"ZICO!!!"

Di ako nagdalawang isip at niyakap siya. "Wait, have you seen Erin?" tanong ko nang kumalas ako sa yakap niya. Natandaan ko lang kasi na sakanila dapat nakatira si Erin. Bakit bumalik si Erin dun sa bahay?

Napansin kong natigilan siya. "About her, we don't talk anymore" sabi niya. Kahit wala siyang pinapakitang expression, kitang kita ko naman sa mata niya ang galit at concern towards Erin. Ano bang meron?

"Why do you still care about her? Siya ang nagbalik sayo sa kulungan" cold niyang sambit habang nakaupo sa sofa. Nandito kami ngayon sa sala ng base nila. "We have reconciled, Zico. Okay na kami" ngiti ko sakanya. Napatitig naman siya sakin at bumuntong-hininga nalang. "Okay fine. But I still don't trust her."

Yayakapin ko na sana siya ulit nang magring ang cellphone niya kaya sinagot naman niya yun agad nang makita niya kung sino yun. At napabusangot naman ako. Sino ba yan!? Pag babae yan patay siya sakin.

"Hello, MR. INCOGNITO" may diin na sabi ni Zico habang nakapandilat sakin ang mga mata. Che. Umupo nalang ulit ako at pinaandar ang TV. Sakto namang news ang palabas.

"Napag-alaman ng mga pulis na wiped out na po ang Soign Clan."

"Ito po ang leader ng Ergo Clan. Pero tumanggi po siya magbigay ng pahayag. Pati narin po ang leader ng ibang mafia clan ay tumangging magbigay ng pahayag."

"Sa kasalukuyan ay Incognito, Ford at Vrosti Clan nalang ang natitirang ire-raid. Ayun sa nakuhang impormasyon, Vrosti at Ford Clans, magkasabwat ang dalawang clan na ito kaya iisahin na ang pagraid dito---"

Oh, fuck. Shit. Shit. Anong gagawin ko!?!?! Kailangan ako ni Papa!!! Shit!!! Agad akong bumaling kay Zico na kakatapos lang makipagusap sa tawag. "Are you okay?"

"Zico...sina Papa. Ire-raid sila."

"Then, we have to go."

Hinawakan niya agad ang kamay ko and somehow, nawala yung kaba ko. Ay tangina! Nakakabakla talaga tong nararamdaman ko. Puta. "Incognito muna ang uunahin nilang iraid."

"Sabi ni Mr. Incognito?" Tumango lang siya. Isa ang Incognito Clan sa mga close ally ng Soign Clan. "Ano bang nangyayare? Paano toh nangyare?" tanong ko. I mean, halos lahat ng mga mafia clans ay nagtagal ng sobrang maraming taon pero anong nangyare? Bakit ngayon pa nabulgar ang lahat? Sino ang may pakana ng lahat ng ito? Isang mafia ang tanging nakakaalam ng iba pang mafia. Pero ang tanong, anong makukuha niya sa pagpahamak sa mga mafia at sariling mafia clan niya?

Si Zico na ang nagdrive kaya naman agad kaming nakarating sa base namin. Everyone is on alert at mukhang titirain pa sana nila si Zico pero hinarangan ko. "Subukan niyo lang, ako mismo makakalaban niyo."

Tuluyan na kaming pumasok ng base at dumiretso sa office ni Papa. Naunang pumasok si Zico kaya naman nang makita siya nina Papa at ni Ryu ay agad nilang tinutok ang mga baril nila sakanya. Agad naman akong nagpakita sa kanila kaya binaba ni Papa at Ryu ang mga baril nila at niyakap ako agad ni Papa. "I haven't seen you for ages, anak" sabi ni Papa at ang higpit talaga ng yakap niya. It kinda feels good na may naghihintay sayo umuwi.

Nang tumingin ako sa mga high ranked mafia na kasama dito ni Papa ay nakatutok parin ang mga baril nila kay Zico. "Drop your weapons, he's with me" sabi ko. Pero di parin nila yun binababa. "Papa, he's with me. Willing siyang tulungan tayo, Pa."

Napatingin naman si Papa at Ryu sa isa't isa na parang humihingi siya ng permission kay Ryu. Nang tignan ko si Ryu ay nakikipagsukatan na siya ng tingin kay Zico. Nang tignan ako ni Ryu ay expressionless akong tumingin sakanya pabalik. Binaba niya ang tingin niya.

Murderous [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon