14: Free-battle

83 5 1
                                    

I saw Zico passed by the food court and I was calling him pero di siya lumilingon idagdag mo pa tong bwesit na Ryu na toh. Halos magwala naman ako nang tawagan niya si Papa at sinabing nasa panganib daw ako. What the fuck!? Walang Soign Clan dito at kung meron man, di nila ako kayang patumabahin. Bwesit!!

Wala na akong nagawa kasi mismong righthand mafia ni Papa ang pumunta para sunduin kami ni Ryu. Fuck!! Di man lang ako nakapagpaalam kay Zico. Bwesit talaga tong asshole na toh. GGRRRRRRR!!!! Nakakaimbyerna!! Sarap pumatay ng tao!! Ang saya na nga ng araw ko, sinira niya pa!!

Nang makarating ako sa base, sandamakmak na sermon ang natanggap ko kay Papa. Bakit ba daw ako pumunta sa mall? Eh kung may nakakilala saking police? Tas pinagbawalan pa akong palabasing mag-isa, kung di ko daw kasama si Ryu, yung righthand mafia nalang daw niya. And I'm so fucking nabubwesit na!! Hindi ako kumain ng dinner at nagkulong sa kwarto. Bwesit lang talaga!

***

Isang linggo na ang lumilipas and guess what, nakakapagmeet parin kami ni Zico. Bwahahaha!! Natatakasan ko kasi minsan yung tauhan ni Papa kaya naman si Ryu na yung pinapasama niya, eh nauuto ko naman yung isang yun. Tas nung pagbawalan na talaga ako ni Papa, sa Underground battle arena kami nagkita. Grabe, parang BDO lang, we find ways.

Nalaman ko rin na sumali daw sa samahan nila si Erin. I'm happy for her kasi nagtraining daw siya sabi ni Zico, that means malakas na siya. I don't need to worry about her anymore.

"Pinatawag niyo daw ako?" sabi ko nang makapasok ako sa opisina ni Papa. I know na pinapasundan niya ako sa tuwing kasama ko si Zico pero ano ngayon? Wala naman kaming masamang ginagawa ni Zico right? We're just friends who hang out. "Ano nga ulit ang pangalan nung kaibigan mo?"

"Zico. Why?"

May tinapon siyang isang folder sa lamesa niya kaya naglakad ako papalapit dun at nakita ko ang picture ni Zico at meron pang ibang pictures na nandun rin siya. Pero ang ikinagulat ko ay ang isang picture kung saan si Erin at si Zico....nakakiss si Erin sa pisngi ni Zico. And I suddenly felt a little sting. What's with that sting!? "What about these?"

"Alam mo ba kung anong full name ng kaibigan mo?" Umiling ako habang nakatingin parin sa mga picture hanggang sa makita ko ang isang picture ng isang magandang babae at ang teenager na Zico. Nakaupo ang babae at nakahawak naman sa balikat niya si Zico. Tas yung sumunod na nahawakan kong picture ay kapareha nun pero may isang lalake ay katabi nila. Pareho ng background at ang nasa background ay ang pangalan ng dalawang ikinasal,

"Zennice Soign" at "Homber Euston"

At kamukhang kamukha ni Zico yung babae sa picture. This must be his mother. So ibig sabihin.... "Your friend is from Soign Clan, Zeyi. He's our enemy, your enemy." Napatulala ako sa nalaman ko. He's from Soign Clan, the mortal enemy of Vrosti Clan. Si Zico? Kaya pala siya nakakapasok sa Underground battle arena? Kaya pala siya magaling? Kaya rin niya ba ako hinanap dahil kalaban niya ako? Alam niya kaya na magkaaway ang clans namin? Of course, alam niya. Kaya ba niya ako pinapasaya these past few days dahil alam niyang masasaktan ako sa malalaman ko? Teka, bakit nga ba ako nasasaktan sa nalaman ko?

Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa kwarto ko, di ko naman wino-walkout-an si Papa but I did walk out. Hindi ko nga lang maalala kung may sinabi ba siya o wala. Basta, parang gusto kong mag-emote ngayon. Gusto kong pumunta nalang sa training area para maglabas ng galit pero baka maraming punching bag ang masira ko. At saka teka, bakit ba ako galit? Eh ano ngayon kung galing siya sa Soign Clan? Di naman namin away ang away ng Soign Clan at Vrosti Clan. Away yun ng mga ninuno namin, di naman kami ninuno. Tss.

Teka, sa Underground battle arena nga pala kami magkikita ni Zico. I should ask him about Soign Clan. At dedepende na sakaya kung ituturing ko ba siyang kaaway o kakampi. Pero ayokong maging center of attraction dun ngayon kaya naman kinuha ko nalang yung parang panyo tas tinupi ko yun ng patriangle at tinali sa mukha ko dahilan para matakpan ang ilong at bibig ko. Tinali ko naman ang buhok ko, inayos ko yun para di mahalatang ako si Zeyi. Di naman ako pumupunta sa Underground battle arena nang nakatali ang buhok kaya di siguro nila ako makikilala.

Murderous [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon