21: First Kiss

83 6 0
                                    

"Can we keep this a secret muna? Magrerevenge muna ako sa mga babaeng yun!" Natawa naman ako sa galit niyang mukha. She must've endured Faye.

Tinanguan ko nalang habang yakap-yakap ko parin siya. Bigla naman siyang lumayo kaya napatingin ako agad sakanya. "Maliligo muna ako" sabi niya pero di ko binitawan ang kamay niya. It's still 4 am at naaalala ko parin yung panaginip ko. Mukha namang napansin niya yun kaya hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa isa niyang kamay. Nginitian niya ako, "don't worry. I'll be back" sabi niya pero ayaw bumitaw ng kamay ko.

"Dito ka nalang maligo" sabi ko. Ngayong nagbati na kami, I want to see her always. Nagtaka naman ako nang umiwas siya ng tingin. "Wala akong damit" sabi niya nang hindi nakatingin sakin. Napangiti naman ako nang marealize ko kung ba't siya nakaiwas ng tingin. She's blushing. Haay, wag ko nalang munang asarin, kakabati lang namin. "Eh di magsuot ka ulit ng polo ko" sabi ko. Mas gusto ko pa yun. She really looks good on them. "Ok, fine. Maliligo na ako" sabi niya at binitawan ko naman siya. Pumasok na siya sa CR at humarap na ako sa bintana at tumingin doon sa labas.

Zeyi is the leader of Vrosti Clan and we're planning on taking them down but will she be okay? Dapat siguro sabihin ko na sakanya ang tungkol dun. O pwede ring Ford Clan lang nalang ang pababagsakin namin?

Napalingon naman ako sa pinto nang magbukas iyon. Bigla akong nataranta nang makita ko si Erin. "Can I use your toilet? Duke's using mine" sabi niya. Naglakad na siya papalapit dun sa CR kaya naman agad akong tumakbo at humarang dun sa pinto. "It's clogged."

"Don't worry, maghihilamos lang ako" sabi niya. Aish! Pano ba toh?

"Walang tubig."

"Wala ka bang balde?"

"Nabuhos."

"Zico, you're acting weird. Something's in there, isn't it?" Shit. Ano bang sasabihin ko? Nakaharang lang ako dun nang bigla siyang tumawa at tumango. Huh? "Ah, I get it. Fine. Fine. Sa labas nalang ako magsi-CR. Wag kang mahiya sakin. Nakakita na ako nun sa CR ni Duke." At umalis na siya. Whatever she saw in Duke's CR, I'm thankful for it. Nang lumabas siya ay agad kong sinara at nilock ang pinto. Sakto namang kakabukas lang ng CR. Dumungaw dun si Zeyi, "where's your polo?" Tinuro ko naman yung closet ko.  "Get it for me!"

"Wala kang paa?"

"Ib-break kita kapag di mo yun kinuha!" Automatic na lumakad ang paa ko papunta sa closet at kinuha ang isa ko dung polo. Lumapit ulit ako pinto ng CR at inabot yun sakanya nang nakangisi. "So, tayo na pala." Unti-unti namang lumaki yung mata niya at nakita ko ang pamumula niya. She's really cute everytime she blushes. Kinuha niya agad yung polo, "ewan ko sayo!" at sinara na niya ang pinto.

...

Pinapanood ko si Zeyi ngayon na gumaganti kila Faye at sa dalawa niyang kaibigan. Di naman niya sila totally na ginantihan dahil sabi ko, go easy on them. They all have reasons for bullying her.

Anyway, pinaglilinis niya sila ng buong field kahit na walang dumi. Nakita ko namang tumingin siya sa direksyon ko at kumaway. Kaya kumaway rin ako pabalik.

Napatigil naman ako sa panonood kay Zeyi nang may kumatok at pumasok, "uhm, hey." Lumapit naman siya sakin kaya lumayo ako agad sa bintana baka makita niya kung sino ang tinitignan ko. Zeyi said that we'll make it official pagkatapos niyang magrevenge. "May problema ba?" tanong ko nang mapansin ko ang aura niya, it's work-aura. Hinagis niya dun sa table ang isang picture kaya napalapit ako dun. Picture ng mga lalakeng nagtatago.

"Vrosti and Ford's mafias are at our boarders this morning. Baka in no time, matunton na nila toh."

"Kill---" Should I kill them all? But some are Zeyi's people. She won't like it pag nalaman niyang pinapatay ko ang tauhan niya. "Kill?"

Murderous [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon