One more year passed and I'm somehow okay, thanks to Ryu. That day na binugbog ko si Ryu, nagkabati kami. Then, after three months, I forgave him. So, he started courting me again. Bumalik na rin yung dating ugali niya, not the serious and possessive one but the papacute and jolly type. Pero feelingero parin siya.
"Are you sure? Zeyi, you don't have to do this. You can take your time, I know that you're not yet okay" sabi ni Ryu. Sinabi ko kasi sakanya na papayag na ako sa kasal namin. Not that I want to, gusto ko lang talagang makamove-on na ng tuluyan. Ayoko na yung nakakareceive ako ng special treatment dahil daw hindi pa ako okay. "That merriage was supposed to be three or two years ago, it's okay" sabi ko sakanya. Tumango nalang siya at ngumiti ng napakalapad. He really want this merriage to happen. Yayakapin na sana niya ako nang matigilan siya. I told him kasi na hindi niya ako pwedeng yakapin, hindi niya pwedeng hawakan ang kamay ko, at mas lalong hindi niya ako pwedeng halikan kaya siya natigilan. But we're getting married, so, might as well for me to take my first step on moving on. So, I hugged him.
"Thank you" bulong niya tas niyakap ako ng mahigpit. Grabe, he really waited for this. He's not a bad guy after all. "Wanna check the Ford Clan's base?" Nginitian ko siya ng tipid at tumango. Hahawakan na sana niya ang kamay ko para hilain palabas ng base pero natigilan siya kaya naman ako na ang humawak ng kamay niya. Tuwang-tuwa naman siya at hinalikan ang likod ng kamay ko bago ako hilain.
Pero bakit ganun? Bakit hindi bumibilis yung dibdib ko? Bakit walang spark?
***
"You have many skilled mafias, bakit kami ang strongest?" tanong ko habang pinapanood ang mga mafia ng Ford Clan na nagt-training sa isang malaking field. Ang laki rin ng base nila, sa labas kasi yung training area nila, naka-compound. "I don't know, maybe because the leader is beautiful" nakangiti niyang sabi. Napailing-iling naman ako, "yeah, right." They have a separate house for their family whereas sa base nakatira ang ibang mafia nila na walang matirhan. Mas malaki ang base nila kesa sa base namin pero mas oriented ang clan namin.
"Come, ipapakilala kita kay Mom" sabi niya at dahil nakahawak parin kami ng kamay, nagpahila na ako sakanya. I've never seen his mother pero base sa mga kwento ni Ryu, mabait ang nanay niya. "She's the reason why may separated house para sa family. Ayaw niya kasing tumira sa base dahil ayaw niyang nakakakita ng mafia. She hates mafia but she loves my father" kwento niya habang naglalakad kami papunta sa bahay nila. Medyo malapit lang daw yun dito sa base nila.
"Mom, we're here!!" sigaw ni Ryu nang makapasok kami ng bahay nila. It's cute. One storey house pero malawak. Ilang sandali pa ay may lumapit saming babae na naka-apron at ngiting ngiti siya kay Ryu sabay yakap niya kay Ryu at kiniss naman siya ni Ryu sa pisngi. "You must be my daughter-in-law. Ohh, I really want a daughter, too bad I can't have a baby anymore" sabi niya at niyakap rin ako. I smiled at her kahit na nao-awkwardan ako lalo na dun sa part na 'daughter-in-law'. "Hello, Mrs. Ford" sabi ko. "Oh, you can call me Tita Lyn" sabi niya.
"I smell adobo" sabi ni Ryu habang inaalalayan niya akong umupo sa sofa nila dito sa sala. "You're just on time. I'm cooking your favorite" sabi ng Mama niya at ngumiti bago bumalik sa kung saan siya nanggaling kanina, sa kusina siguro. "Your mom's pretty" sabi ko. She's very pretty but my mom's prettier. For me, she's the prettiest and I know everyone will say the same.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami bago bumalik sa base. "Ba't mo iniiwan ang mom dun ng mag-isa?" Lagi kasi siyang nandito habang yung mom niya parang nag-iisa lang siya dun sa bahay nila. "She's not alone. Dad is always there at binibigyan ko lang sila ng time alone together and syempre, para rin makasama ka" sabi niya sakin. Napatingin naman ako sakanya at ngiting-ngiti siya sakin. Napatitig kami sa isa't isa and I suddenly realized where this is heading. Kaya bago pa lumiit ang distansya sa labi namin, umiwas na ako at naunang maglakad. I won't do that with him, not until I'm totally okay.
BINABASA MO ANG
Murderous [COMPLETED]
ActionHer first time seeing, what she saw were bars. Her first time hearing, what she heard were shouts, gun shots and loud thuds. Her first time talking, what she said were cuss and swears. Her first time smelling, what she smelled were smokes and dirts...