ZICO
"Boss, may gusto po sana akong sabihin."
Agad akong napalingon kay Faye nang pumasok siya ng kwarto ko. Ever since Zeyi's disappearance, binuhos ko na ang lahat ng oras ko sa trabaho. And back to plan na rin kami, ang patumbahin ang Vrosti Clan kasama ang Ford Clan.
"Importante ba yan o pinapasabi nanaman ni Erin?" inis kong sabi sakanya habang patuloy parin sa pagguhit ng blueprint-like ng base ng Vrosti Clan. "Importante po ito. Hindi po alam ni Clara na nandito ako" sabi niya na nagpatigil sakin. Tumigil ako sa pagguhit at hinarap siya. This is rare. Halos lahat ng galaw ni Faye ay alam ni Erin. Kaya nakuha ni Faye ang atensyon ko ngayon.
"Ano yun?" tanong ko.
"Tungkol po sa pagkawala ni Zeyi."
Natigilan ako at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Basta. Galit dahil niloko niya ako, sakit dahil iniwan niya ako, lungkot dahil hindi na ako mahalaga sakanya, kaba dahil baka kung ano pa ang marinig ko kay Faye ngayon tungkol sa pagalis ni Zeyi.
"I don't want to hear anything about her, Faye" sabi ko at tinalikuran siya para magpatuloy sa pagguhit. As much as I want to know about her disappearance, I don't want to talk about her or even hear her name. Masyado akong naging dependent sa nararamdaman niya sakin. Inakala kong mahal niya parin ako pero all of it were just an act.
"But, boss--"
"No, buts, Faye!" sigaw ko sakanya pero mukhang di siya magpapatinag.
"Si Clara po kasi... NAKULONG PO SI ZEYI!!! At si...Clara po ang may pakana ng lahat!!!"
What!? Sa gulat ko, napatayo ako at napatingin sakanya. At kitang kita ko din ang mukha ng babaeng tinuring kong kaibigan na ngayon ay nasa pintuan.
"Faye, what have you done?"
Nakita ko kung pano lumaki ang mata ni Faye at ang panginginig niya habang dahan-dahang tinitignan si Erin na di niya alam ay nasa may pinto pala. Pero di siya nagpatinag.
"Clara, nakita ko kung pano mo lagyan ng pampatulog ang pagkain na dapat ay ibibigay ko kay Zeyi. Sa una binalewala ko lang pero nakita ko nung pumasok ka dito at kinaladkad mo ang walang malay na si Zeyi."
Matapang na kwento ni Faye.
"Sinundan kita nun. Nakita ko nun tinapon mo lang si Zeyi sa gilid ng kalsada at narinig kong tumawag ka ng police. Wala akong nagawa. At nanahimik nalang pero di na po kinaya ng konsensya ko"
Nakita kong galit na galit si Erin at nakikita ko sa mukha niya na totoo ang sinasabi ni Faye. Susugurin na sana niya si Faye nang hawakan ko ng mahigpit ang braso niya. "Erin, we need to talk!"
"Zico, she's lying!" sigaw niya sabay turo kay Faye at pinanlisikan ito ng mata. Then tumingin siya ulit sakin.
"Di mo ko maloloko, Erin. Kilala kita" sabi ko sakanya nang nakatingin ng diretso sa mata niya. Nakita ko sa mata niya ang guilt.
"Faye, leave us alone" sabi ko at diretso parin ang tingin kay Erin. Di ko mapigilang diinan ang pagkakahawak ko sa braso niya dahil sa panggigigil ko sakanya dahil sa galit.
"Bakit, Erin?" Binitawan ko siya dahil sa nakita kong sakit sa mukha niya. "Diba kaibigan mo siya?"
"DI KO SIYA KAIBIGAN!!! AT KAILAN MAN HINDING HINDI KAMI MAGIGING MAGKAIBIGAN!!! ISINUSUMPA KO YAN!!"
"Bakit ba galit na galit ka sakanya?" Sinampal niya ako bigla. "Tinatanong mo pa yan!?! Kasalanan mo toh! Ikaw ang dahilan kung bakit ko nagawa ang lahat ng iyon!"
BINABASA MO ANG
Murderous [COMPLETED]
ActionHer first time seeing, what she saw were bars. Her first time hearing, what she heard were shouts, gun shots and loud thuds. Her first time talking, what she said were cuss and swears. Her first time smelling, what she smelled were smokes and dirts...