04: The Plan; Why?

313 10 0
                                    

"Zico, asan ba ang pinakamahal dito?" tanong ko kay Zico habang naghahanap ng magandang cellphone. Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nung magkita kami sa eskinita and I have been ordering him around. Nabigay ko na rin sakanya ang kailangan niya. Pero kailangan parin namin ang isa't isa dahil according sa mga nakuha kong information mula sa higher-positioned mafia ng Hiro Clan ay nagt-training si Youkai and he's getting stronger and stronger kaya this Zico guy here needs to be strong too. Kasi baka siya pa ang maging dahilan ng failure ng gagawin ko. Ayokong magdala ng pabigat sa laban ko.

"I don't think you trust me kaya dun ka nalang kay Erin" sabi niya habang nagbabasa ng brochure. Di ko nalang siya pinansin at nagpatulong nalang sa sales lady. Busy rin kasi sa pagtingin tingin si Erin. Yes, he's right. I don't trust him. Why would I? Ako lang ang mapapahamak.

In the end, kahit ano nalang ang kinuha ko basta pwedeng pantawag at pantext. Waste of money pa kung bibili ako ng mamahaling cellphone, text and calls lang naman ang pakay ko.

"Give me your number" sabi ko kay Erin sabay abot sakanya ng phone ko. Nagtype siya dun kaya naman kay Zico ko naman inabot yung phone ko. Gulat pa nga siya nung sabihin kong gusto kong makuha number niya. Baka iba nanaman ang nasa utak niya, something a girl like me doesn't understand and never will.

***

"Zeyi, kawawa naman si Zico. Don't be too hard on him." Lalapitan na sana ni Erin si Zico pero binantaan ko siya ng tingin, "I'm testing him, Erin. I should be." Umatras si Erin kaya naman sinugod ko kaagad si Zico na ngayon ay nakadapa sa sahig. Nagbackflip ako at lalanding na sana ang paa ko sa katawan niya nang bigla siyang magroll palayo kaya nakaiwas siya sa tira ko. Mabilis naman akong nakarecover sa epic kong move at nagtumbling papalapit sakanya pero mabilis siyang nakatayo at nakalayo.

"You don't run away from your enemies, Zico" sabi ko sabay lakad papalapit sakanya. "You face them!" Umikot ako ng patalon para sipain siya sa gilid niya pero mabilis niyang naiharang ang braso niya. At hinawakan niya ang paa ko kaya nakataas parin iyon. Magaling siya sa defense since malakas ang katawan niya pero fighting is not all about defense! It's more on offense!!

Tumalon ako at pinatong sa balikat niya ang libreng paa ko at sa taka niya kung anong move ang gagawin ko ay naluwagan ang hawak niya sa isa kong paa kaya pinatong ko rin iyon sa kabilang balikat niya at inikot sa ulo niya. Mabilis akong humawak sa sahig at pinatumbling siya nang matumbling din ako.

Narinig ko ang mura niya kaya napangisi ako. How I love hearing curses from my opponent. Tumayo ako at inayos ang buhok ko nang biglang hindi ko na siya maramdaman sa likod ko, huh? Tumalikod ako pero bumungad sakin ang katawan niya, niyakap niya ako. I mean!! Sinakal niya ako gamit ang braso niya. Shit! I'm choking!! With this strength, kaya niyang makapatay ng tao. But not me.

Siniko ko ang tiyan niya kaya naman nabitawan niya ako. Napahawak naman ako sa leeg ko, ghaad! That was almost. Nagulat naman ako nang bigla siyang umupo at pinaikot ang paa niya. Tumalon nalang ako na para akong nagcha-chinese garter. Pero ngaulat ako nang hindi pa ako nakakaapak sa sahig ay nasipa niya ako sa tagiliran ko. Fuck!

So, he's into surprises huh. Well, I love surprises. Napangisi naman ako at pumikit. Pero di ko na ulit siya maramdaman. Anong nangyayare? Ba't di ko siya maramdaman!? Minulat ko ang mata ko at nakita ang kamaong lalanding na sana sa ilong ko. No! Not my nose!! Mabilis akong nagback flip. Paano niya yun nagawa!? Paanong hindi ko maramdaman ang presensya niya?

"Tama na! Kain na!" Napatigil naman kami nang dumating bigla si Erin. Lumapit naman ako kay Zico at nilahad ang kamay ko sakanya. "Nice fight" sabi ko at tinanggap naman niya yun ng nakangiti, "you too."

Murderous [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon