Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko habang papaupo sa harap niya. Shit! Bakit ba ako kinakabahan!? "Zico" tawag ko sakanya but he just sat there emotionlessly. Now I know how those people I look at feel. Ganito pala yun. Nakakatakot. Yung hindi mo alam kung ano bang nasa utak niya at matatakot ka sa susunod niyang gagawin.
"Ba't ka umalis?" tanong ko. Ghaad! Starting conversation is so not me!!
"Ba't di ka sumunod?" walang buhay niyang tanong pabalik.
"What!? You expect me to go through that fire!?"
"Yes, I expected you would do that. But you didn't."
"I was stopped" sabi ko naman.
"No, you let him stop you."
Napatayo naman ako at napahampas sa table sa harap ko. "CAUSE YOU FUCKING TURNED YOUR BACK ON ME!!!"
Pareho kaming nagulat sa sinabi ko. Umupo nalang ulit ako at umiwas ng tingin. "Naghanap ako ng daan pero wala ka na dun."
"Your fault. You could've informed me na maghahanap ka pala ng daan."
"How could I? Baka makasira pa ako sa moment niyo nung pulis eh." Ayan nanaman siya sa pagsasalita niya!
"DAMN IT ZICO!!! WALANG SOMETHING SAMIN KAYA PWEDE BA!?!!?!"
Halos mamatay na ako sa kahihiyan. Fuck!! This is not me. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kaya tumayo na ako at naglakad palabas. Tinatawag tawag pa ako ni Zico pero hindi ko siya nilingon. Nang pabalik naman ako sa selda ko ay ibang pulis ang nagescort sakin. I feel disreliepointed. Uh, whatever.
"Di ka parin ba gutom?" Napalingon naman ako kay Jina tas sa pagkain ko. Haay, napaglalaruan ko nanaman ang pagkain ko. Nawalan tuloy ako ng gana. "I'm taking a lap" sabi ko saka tumayo. Masyadong disoriented ang utak ko kaya kailangan kong magpakabusy. Pumunta na ako sa field at tumakbo ng tumakbo. Merong ibang naglalaro sa field, yung iba, nakaupo lang. Nadaanan ko rin si Oni kanina sa selda niya, nabaliw na yata siya mula nung maputol ang buhok niya.
Ano nga bang iisipin ko? Ah, yeah. My personality disorder. Kailangan kong maging ako pero ano bang nagbago sakin? Kinakatakutan parin naman ako. Mukhang tama si Oni, nakatikim lang ako ng buhay sa labas, nangangalawang na ako. Hindi sa pakikipaglaban o di kaya'y tapang kundi ang pagkakakontrol ko sa sarili ko. Di ko na masyadong nakokontrol ang emosyon ko, minsan pati expression ko. Aish! Ok! I've decided, bukas, ako na ulit ako!!
"Zeyi! Malapit nang magcurfew! Kanina ka pa jan nung tanghali!!" Natigilan naman ako sa pagtakabo nang sumigaw si Jina. Sa sobrang preoccupied ang utak ko, di ko na alam kung ilang laps na ang natakbo ko. Di ko rin namalayan ang oras, gabi na, wala na ring tao sa paligid. Habang papalapit kay Jina ay nakaramdam ako bigla ng pagod, siguro dahil sa pagtakbo.
Naglakad na kami papunta sa selda, magkaharap lang naman ang selda namin. "Alam mo, yung kaselda ko, nakalaya na" kwento niya pero wala akong pake. Kwento lang siya ng kwento nang may matandaan ako. "Ikaw? Kailan ka lalaya?" tanong ko. Napaisip naman siya at parang nagkalkyula sa utak niya. "Siguro after 4 years. Balita ko, maraming matatapos ang sentensya ngayong taon. Tas si Oni, lalaya na siya next year. Next year kasi yung oras na paglaya ng nanay niya kaya siya ang lalaya since siya naman ang tumuloy sa sentensya ng nanay niya nung mamatay. Ikaw? Kailan ka lalaya?" Kailan ako lalaya? Oo nga noh? Kailan nga ba ako lalaya? Habang buhay nalang ba ako tatakas at babalik sa kulungan?
Di ko na nasagot ang tanong niya dahil nagcurfew na at pumasok na kami sa selda namin. Habang nakatingin sa kisame ay naalala ko bigla yung tanong ni Jina.
BINABASA MO ANG
Murderous [COMPLETED]
AksiHer first time seeing, what she saw were bars. Her first time hearing, what she heard were shouts, gun shots and loud thuds. Her first time talking, what she said were cuss and swears. Her first time smelling, what she smelled were smokes and dirts...