16: Elope

80 4 0
                                    

XAIZEYI

"Starting from now, susundin mo ang gusto niya, wether you like it or not."

Kakatapos lang namin mag-usap ni Papa at grabe, nakakahighblood na talaga silang lahat!! Una, pinagbawalan akong lumabas ng walang permiso ni Ryu. Pangalawa, pwede nang pumasok si Ryu sa kwarto at office ko. At pangatlo, susundin ko ang gusto niya. I'm like what the fucking hell!?! Hindi ako alipin para utusan noh!!

Four days had already passed since that moment with Zico at the seashore. And I somehow wanna see him again. Aish. Seriously, is this a good feeling or bad? I feel like I'm slowly changing. Hindi na ako yung kilalang Zeyi. Mama would kill me if she will see how much I changed.

**Flashback

Pagkatapos kong itulak si Zico ay lumapit na ako sa mga mafia naming nakakita samin. Papaputukan na sana nila ako nang bigla nalang silang magsiyukuan. Di nagtagal, dumating si Ryu. "Oh, you're here!" Di ko siya pinansin. Kapal ng mukha. Ang aga ah.

"I'm hunting with your mafias para syempre, experience since I'll be doing this in the future." Whatever. Di naman tinatanong. Tss. Saan ba nakakakuha ng confidence tong shungag na toh? Baka pwedeng kumuha rin ako. Nagsimula nalang kaming maglakad pabalik nang mapansin kong may binulong yung isa sa mga mafia kay Ryu.

"May kasama ka daw na lalake?"

"Eh ano ngayon sayo?"

Di niya ako sinagot, instead inutusan niya ang mga tauhan namin na iwan kami. Hanggang sa kami nalang dalawa dito. "I'm your fiance, Zeyi. So, you're mine" sabi niya sabay sakal ng pisngi ko. What the heck!?!

**End of flashback

Simula nung araw na yun, nag-iba na si Ryu. He became serious and very possessive, really. Nakakaimbyerna na!! Siya nga ang dahilan kung bakit kailangan kong sundin lahat ng gusto niya eh. Baka nagsumbong kay Papa. Kainis!!

"I'm going out." Bago pa ako makalakad palayo sakanya ay pinigilan niya ako. Ay, hindi. Natigilan pala ako. "No. You're staying here" sabi ni Ryu. Mapupuno na talaga ako sakanya ah!! For four fucking days, sinusubukan kong lumabas pero di ako nakakakuha ng permiso sakanya. Nabubwesit na ako!! Baka four days nang naghihintay si Zico.

"Ano bang problema mo, Ryu!?!" Napahampas na ako nun sa table na nasa harap niya pero nakaupo lang siya dun na parang walang problema. Naiirita na ako!! Naiirita na ako sa presence niya---hindi. Naiirita ako sa mismong existence niya sa mundo!!! "Stopping you from cheating on me. You can't be owned by anyone other than me, Zeyi. YOU. ARE. MINE." I suddenly got goosebumps all over my body dahil sa sinabi niya. No one fucking owns me!! Pero nakakapagtaka lang si Ryu. Dati ang bait niya tas masunurin pero ngayon, ang sama, possessive, obssess na yata sakin, tas di ko na mautusan.

"I have to go, Ryu. I'll do anything you want after, so let me go" nakahalukipkip kong sabi sakanya. Nagulat naman siya at napatingin sakin ng nakakunot ang noo. Pero nawala rin yun at tumango siya, "ok. You said anything." Inirapan ko siya at nagsimula na akong maglakad palabas. Nang makalabas na ay sa mga eskinita ako dumaan. Liko dito. Liko doon. And finally, naligaw ko na sila. Oo, pinasundan ako ni Ryu. Gago.

Nang makarating ako sa base ng Hiro Clan ay ang tahimik dun. Syempre, wala na ang Hiro Clan dahil patay na ang leader nila. "You seem problematic." Napalingon ako agad sa nagsalita at nakita si Zico. Pinigilan ko talaga ang sarili ko na yakapin siya dahil nakakahiya and that's way out of my personality.

Murderous [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon