27: Cath's Identity

139 7 0
                                    

XAIZEYI

Nakaramdam ako ng pagsindot sindot sa pisngi ko kaya naman kunot noo akong napamulat. Ahh. Nakatulog pala ako.

"What the hell are you doing here!?!"

Agad agad akong napabangon nang makita ko si Zico na ngising-ngising nakatitig sakin. Nandito kami sa kwarto ko. Teka, pano siya nakapunta dito!?!?!

Agad naman akong napalingon sa pinto nang mabuksan iyon at nandun si Jina. "Narinig kitang sumigaw" sabi ni Jina. Pasalinsalin akong tumitingin sakanilang dalawa. Hanggang sa tigilan ko toh kay Zico. "Pano ka nakapunta dito?" takang tanong ko sakanya. As far as I can remember, never ko nasabi sakanyang dito ako nakatira. "Uh, sinundan kita sa hospital at siya ang nakita ko kaya naman sumama na ako sakanya" paliwanag ni Zico.

"Ugh." Bumangon na ako at pumunta sa CR para mag-ayos ayos. Syempre, kahit papano naman conscious ako sa just-wake-up face ko. Pagkatapos nun ay lumabas na ako at wala na dun si Zico at si Jina nalang ang nandun. "Birthday nga pala ni Ate at nagpaorder ako ng cake paki-abangan nalang sa sala. May pupuntahan ako eh."

"Sige sige."

Agad naman siyang lumabas at dumiretso naman ako sa closet ko para kumuha ng damit. Agad kong hinubad ang damit ko. Napahawak naman ako sa pisngi ko nang matandaan ko ang sugat ko dun. Wala na yung mga band-aid. Pati yung sa balikat ko. Teka, napalitan narin ang damit ko kahapon. At sa pagkakatanda ko, sa sala ako nagpahinga kagabi. Hayy, bakit pa ba ako magtataka?

"I brought a bandage."

Agad akong napalingon kay Zico. Speaking of the devil. Hahaha. May dala-dala siyang puting ewan. Siguro bandage. So yun nga tangina lang kasi nun ko lang narealize na di ko pa pala nasusuot ang damit ko. Agad agad ko namang kinuha yung damit ko at sinubukang isuot yun pero ayaw maisuot. Wtf!?

Naramdaman ko namang lumapit siya at naririnig ko pa ang mahinang pagtawa niya. "Yan kasi, nagmamadali" sabi niya. Inalis ko ang damit at siya na ang mismong nagopen ng zipper nun. Eh bakit ba may zipper pa yun? Bwesit.

Nakacross arms lang akong nakatingin sakanya para pasimpleng takpan ang dibdib ko. Kukunin ko na sana yung damit nang biglang ilayo niya yun. Agad ko namang naibalik ang pagkakakrus ng braso ko. "We still have to put a bandage on your shoulder" sabi niya. Kaya naman umupo na ako sa kama at sumunod naman siya.

Habang nilalagyan niya ng benda ang balikat ko ay di ko maiwasang mailang. Ewan. Di naman ako flat noh. Eh kasi naman di ko suot ang usual sports bra ko eh. Kainis. Ngayon pa talaga?

Sa segundong natapos siya ay agad kong sinuot yung damit ko. "Dun na tayo sa sala. Kailangan nating abangan yung cake. Birthday ng ate ni Jina." Agad akong lumabas at natatawa naman siyang sumunod. Tss.

"Napano yang sugat mo? The last time I saw you, wala kang ganyan" may halo ng pagaalala sa boses na sabi niya. Nakaupo kami ngayon sa sofa habang nanunuod. Di ko nga maintindihan tong pinapanood namin eh.

Napahawak ako sa necklace ko bago tumingin sakanya. "May mga nadaanan lang akong may gangsters jan sa tabi at napagtripan lang ako" walang buhay na sabi ko. Ayoko namang alalahanin pa niya tong kinasasangkutan ko dahil sa flashdrive na toh. Pero mukhang hindi siya naniniwala. Bakas parin ang pag-aalala sa mga mata niya. "Okay lang ako, Zico" sabi ko. Napabuntong hininga naman siya na parang wala siyang choice. Di nagtagal ay nakarinig kami ng doorbell. "Mukhang nanjan na."

Tumayo si Zico at sinabing siya na daw ang kukuha kaya naman hinintay ko nalang na makabalik siya. "Hey, this doesn't seem like a cake to me" sabi ni Zico nang makalapit siya sakin dala-dala ang isang kahon. Nilapag niya yun sa table kaya naman binuksan ko yun agad. At di ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Takot. Kaba. Pag-aalala. Galit.

Murderous [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon