WFL (1)

784 29 3
                                    

*ten tenen ten ten tenen ten ten tenen ten ten tenen tenenenenten tenen

Narinig ko lang yung nagtitinda ng ice cream sa labas. Yung kulay blue yung cart, selecta ata yun.

Anyways... ayun nga, kanina pa kami nandito sa may garden, naghihintay nung pinadeliver naming food na 3 oras na e wala pa.

"Sino ba kasi may sabing dun pa sa malayo umorder?"

Tanong ni Chloe.

"Sino ba umorder?"

Tanong ko naman. Tapos nakatingin nalang kami kay Sabrina na kanina pa kinukutkot yung kuko nya sa paa.

Sya kasi yung umorder, e hindi naman chineck yung address nung resto na pinag-orderan nya. Kaya ayun, antagal!!

"Icancel nalang kaya natin"

Sabi naman ni Wendy.

"Papaano? E nung tumawag tayo nasa daan na raw yung magdedeliver"

Sabi ko naman.

Uhm. Di pa pala ako nagpapakilala.

I am a daughter of my mother and father, grand daughter of my grandparents, god daughter of my godparents, sister of my siblings, friends of my friends and most specially daughter of the King above☝☝

This is Catherine "Cat" Galvez, 19 all the way from the country kung saan laganap ang droga (hindi na ata ngayon) PILIPINAS

Mahaba habang introduction yun a. Singhaba ng pasensya ko sa paghihintay ng pagkain.

*beep beep

Takbuhan kami agad papunta sa may gate.

Ay shookt!! Ang gwapo ni kuya delivery boy.

"Sorry ma'am, naligaw po ako e"

Sabi nya sa amin.

"It's ok"

Sabi ko naman at nginitian ko pa. HAHA.

"Keep the change"

Sabi ko, nagthank you naman sya tapos umalis narin. Haruuu!! Ang harot ko. Hahaha. E ang gwapo nga kasi ni kuya.

Dahil sa gutom na talaga kami, pagkalapag at pagkaayos nung pagkain e kumain na kami agad. Walang pakealamanan, tahimik lang.

Galit galit muna, ganern!!

...

"Cat, nakita mo ba yung liptint ko?"

Tanong ni Chloe sakin.

"Duhh! I have my own"

Sabi ko naman.

"Nagtatanong lang e"

Sabi naman nya tapos nagtanong din sya kay Sabrina tapos ang labas, na kay Wendy pala.

"Hiniram ko kanina. Um-oo ka pa nga e"

Sabi ni Wendy.

"Sorry naman. I forgot"

Sabi ni Chloe. Binato nga namin sya ng unan.

Kung nagtataka kayo kung bakit kasama ko sila. Nasa iisang bahay lang po kasi kami, tig iisa kami ng room pero share share sa mga gamit. Ganyan ang magkakaibigan.

Tapos pag may mawawala, kasalanan ng lahat. HAHA. Pero wala namang sisihan na nagaganap. Kaya mahal na mahal ko mga to e.

"San ba lakad mo?"

Tanong ko kay Chloe. Kanina pa nag-aayos e, hindi manlang kami isama sa kung saan man sya pupunta.

"Sa bahay lang, tumawag si mommy kanina e. Namimiss na raw ako"

Sabi nya. Buti pa sya!! Hay naku. Nevermind. Mahal naman ako ng parents ko e, yun lang nasa abroad sila para magtrabaho.

"Ikaw Cat, wala kang lakad?"

Tanong ni Sabrina.

"Wal--- San naman lakad mo?"

Tanong ko kasi nakabihis narin sya e.

"Magmo-mall lang, ang boring e. Tsaka kailangan ko ng bagong damit"

Sabi nya sakin. Sabrina, the pinakakikay at pinakamagastos samin kasi masyado syang nag-iinvest para sa mga damit e.

"Sama ka?"

Tanong ni Wendy na kakalabas lang ng room nya at tulad nung dalawa, nakabihis narin sila.

"San naman punta mo?"

Tanong ko.

"Sinabi ko kagabi na may outing kami ngayon ng mga kaklase ko"

Sabi nya, napasapo naman ako sa ulo. Oo nga pala, sinabi na nya. Pero paano naman ako?

Saan ako pupunta?

Lagi nalang ba akong naiiwan?

Well, sanay naman na ako kaya ok lang!!

Pero!! Ang hirap parin maiwan.

Samahan nyo naman ako. HAHAHA.

Ang drama ko naman talagang tao!!

At dahil aalis silang lahat, matutulog nalang ako at magkukulong. Malay nyo paggising ko mataba na ako. HAHAHA

"Alis na kami"

Sabi nila.

"Ingat"

Sabi ko naman tapos hinatid ko lang sila sa may gate at nilock yung gate tsaka ako pumasok na ng bahay tapos sa kwarto at nanuod muna.

Habang nanunuod ako e biglang may maingay sa labas, kaya naman sumilip muna ako sa may bintana ko.

May bago kaming kapitbahay.

May 2 sasakyan na pumarada sa harap namin, tapos andaming gamit kaya siguro lilipat.

Nabalitaan ko rin kasi na lumipat na yung mag asawang kano dyan sa harapan. Baka nabili nila agad.

Siguro estudyante din sila. Kasi halos lahat ng taga rito sa subdivision na ito e estudyante.

paglabas nung mga lilipat.

Nakasumbrero naman sila tapos naka itim na leather jacket. In short, matchy ang clothingssss nila.

Dalawa lang sila, tapos lalaki pa silang dalawa, paano nalang yun? E sabi nila burara daw sa gamit ang mga lalaki.

Hindi naman siguro sila ganun.

Hindi ko naman sila matutulungan sa panunuod ko lang sa kanila kaya pumasok na ulit ako at nahiga na.

....

That's it for our first chapter!!

Bigyan nyo ako ng courage para sa 2nd chapter. HAHAHA.

Comment. Vote. And share this to your friends. Love love!!

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon