CATHERINE
gaya ng typical na mga story. Heto na naman, first day of class na naman. Mabuti at 3 lang sujects ko ngayong sem.
Masipag kasi ako magshort term kaya madami akong na-aadvance na subjects.
"Ready?"
Tanong ko kay Tristan, magkakasama kasi kami ngayon.
"Excuse"
Sabi lang nya tapos lumapit sya kay Wendy.
"Hi"
Bati niya dito. Ayy!! Ako namansin pero hindi ako ang pinansin.
"Hi"
Bati din ni Wendy rito. Tapos sabay na silang sumakay sa van, yung van nila ang gamit kasi may sarili naman kaming sasakyan pero sasabay nalang daw kami sa kanila para hindi sayang gas.
Bakit ba lahat nalang ng nagugustuhan ko mukhang gusto si Wendy?
Naku Wendy, ibalato mo na sa akin si Tristan.
"Pwede bang sumabay kami sa lunch?"
Tanong ni Sabrina kay Drake, buti pa si Sabrina o, crush nya ata si Drake pero tignan mo naman anlapit nya rito.
Sana ako rin. Huhuhu.
Tinignan ko naman si Chloe na nung weekends pa problemado dahil sa singsing nya na nawawala na na kay Sabrina naman.
Sasabihin ko sana kaso nakiusap si Sabrina na wag muna. Isosoli din naman nya yung singsing kaya hahayaan ko muna.
Pagdating sa school, hiwa hiwalay na kami agad kasi magkakaiba naman kami ng course.
Sina Tristan at Drake 5th year engineering student na gagraduate narin this year.
Ako, tourism
Si Chloe, Culinary Arts
Si Sabrina, fashion design (ano ba name nung course na may ganyan? Hahaha)
Si Wendy, HRM
Magkakaibigan kami pero magkakaiba kami ng gusto sa buhay.
...
Lunch time!!
Naghihintay ako dito sa labas ng school kasi dito nalang daw kami magkikita para sabay sabay na kami maglunch.
Una kong nakita si Wendy.
Tapos dumating narin si Chloe at Drake na sabay pa tapos si Sabrina at Tristan na nagsabay din.
"Saan tayo?"
Tanong ni Wendy.
"Dyan lang sa tapat"
Sabi naman ni Chloe na tinuro yung karinderya sa tapat ng school. Malapit kasi ang school sa isang construction site kaya may karinderya.
Ewan ko ba, kami lang ata kumakain dito kasi mga sosyalin ang nag aaral dito. Mga pinanganak na nabibigay lahat ng luho.
Pumasok kami agad, lunch time kaya andaming trabahador na kumakain.
"Can we just eat sa ibang lugar?"
Tanong ni Sabrina.
"Oo nga, tara"
Sabi naman ni Tristan. Ay maarte si kuya.
"Tara"
Sabi naman ni Wendy at Drake.
"Sige kayo nalang muna"
Sabi ni Chloe tapos nakiupo na sya kina mang Ambo, naging close nadin sila e kasi palabiro din tong si Mang Ambo, pinakilala nga samin yung asawa at anak nya e. Hindi na ako magtataka kung bakit masiyahin syang tao kasi masiyahin ang pamilya nya.
"Samahan ko na sya. Itext nyo nalang kami"
Sabi ko naman tapos sumunod na ako kay Chloe, pag sumama naman kasi ako hindi rin naman ako papansinin kasi by pair na sila e.
Ayun, umalis na nga sila. Umorder naman kami ng kakainin namin.
Si Chloe pagka kakain dito kasabay sila, laging umoorder ng madaming ulam para maishare nya. Nagbabaon kasi mga trabahador na kasabay namin, exta rice lang inoorder.
"mukhang malungkot tayo ngayon a"
Sabi ni mang Ambo.
"Nawawala po kasi yung singsing ko"
Sabi naman ni Chloe. Naguilty tuloy ako.
"Hayaan mo, mahahanap mo rin yun"
Sabi naman nya.
"E ikaw naman Katirin (ganyan nya ipronounce name ko) bakit ka nakabusangot?"
Tanong niya sakin.
"Wala po ito. Nahahawa lang ako kay Chloe"
Sabi ko naman.
"Kayo talaga, tignan nyo ako"
Sabi nya. Tumingin naman kami tapos nagmake face sya kaya natawa kami ni Chloe, pati mga kasamahan nya na katable namin pinapatawa nalang din kami.
20 minutes after tapos na kami kumain pero hindi pa kami umaalis kasi nakikipagkwentuhan pa kami.
Aalis na raw kasi sila sa makalawa dahil madedestino sila sa ibang construction site.
...
Kakauwi lang namin ni Chloe, hindi naman pumasok yung apat sa panghapon nilang subjects kasi nanuod daw sila ng sine.
Si Chloe naman wala paring imik.
"Uyy!! Nakakapanibago ka naman"
Sabi ko sa kanya. Sa aming apat, kami ni Chloe ang pinakaclose, siguro dahil parehas kaming morena. Charr!!
Parehas kasi kami ng passion. We love singing and dancing kaya nagkakasundo kami.
"Pag kasi hindi ko pa nakita yung singsing. Baka pagalitan ako ni mommy"
Sabi nya sakin. Sabihin ko na kaya?
Oo Cat, sabihin mo na.
"Na kay Sabrina yung singsing mo"
Sabi ko. Tumingin naman sya sakin.
"Paano napunta sa kanya?"
Tanong nya sakin.
"Actually, nung naghatid kami ng cookies, nandun pala yung singsing mo. Sinuli lang ni Drake kay Sabrina"
Sabi ko.
"Bat hindi pa nya binibigay sakin?"
Tanong nya. Ano ba? Anong isasagot ko?
"Ewan ko. Baka ibibigay din nya mamaya. Pero wag mo nalang sabihin na sinabi ko"
Sabi ko.
"Okay"
Sabi naman nya na nakangiti na.
isuli mo na kasi Sab. Baka mamaya yan pa dahilan ng pagkasira ng friendship natin.
BINABASA MO ANG
WAR FOR LOVE (friendship vs love)
Fanfiction❌this is a ✔MAYWARD ✔EDVEN ✔MARVOREE ✔KISSMARC story
