WFL (7)

274 20 5
                                    

Pagkauwing pagkauwi namin ni Chloe sa bahay e umakyat na sya agad, matutulog na raw.

Sino ba naman kasing hindi mapapagod, hindi naman namin ginamit masyado yung sasakyan nila Trista. Halos naglakad lang din kami.

And may good news ako sa inyo. HAHAHA

I have his number na!

Itetext ko na ba?

Wag muna, pag may important matter nalang charr!!

TRISTAN

CATHERINE
Hi, this is Cat

Hi Cat. Di ka pa matutulog?

Hindi pa naman, ikaw?

I can't sleep. I'm actually outside. Nagpapahangin lang

Can i come?

Sure

Wait

So ayun nga, nagpunta ako sa labas. Nakita ko naman silang dalawa na umiinom ng beer in can.

Ang hot nya tuloy lalo tignan.

"Si Chloe?"

Tanong ni Drake.

"Type mo sya no?"

I ask, pero joke ko lang yun.

"I can't, may bf sya e"

Sabi nya.

"Wala yun. Imagination nya lang"

Sabi ko naman.

"Hi Tristan"

Bati ko.

"Napapansin ko a, parang--- nevermind. umiinom ka?"

Tanong nya sakin. Umiinom naman ako pero konti konti lang.

"Oo"

Sabi ko. Baka mamaya sabihin nya na KJ ako at hindi ako magandang kasama. Baka yun pa maging dahilan ng hindi nya pagpansin sakin.

Pero ang babaw naman nyang tao kung ganun!! HAHAHA.

"Tell me about your ex gf"

Sabi ko.

"Oh. She's pretty"

Ehem. Nemen!!

"Sexy"

1 down. payatot ako, hindi sexy, so sad!!

"She's bubbly like you"

Mas bet ko siguro pag sinabi nya na 'she's sexy like you' wahahahaha. Pero ok narin yun.

"But she left me with no goodbyes"

Sabi nya, tapos kitang kita ko nalang yung lungkot sa mga mata sya. Hinawakan ko naman sya sa balikat.

"It's all my fault. That's also one of the reason why i chose to live here"

Sabi nya. Masyado syang nasaktan.

"Bakit? Bakit ka nya iniwan?"

Tanong ko.

"She died"

Sabi nya. Napatakip naman ako ng bibig sa sinabi nya, nagulat lang ako.

Akala ko, iniwan sya na yung tipong niloko sya ganun.

"Im sorry to hear that"

Sabi ko, tumango tango lang sya and then he smiled bitterly. I admire his toughness, kung ako siguro namatay ng mahal ko mababaliw ako.

Tahimik nalang kami. Tapos nagpaalam na ako na umuwi kasi may pasok pa bukas, sana hindi umepekto ang isang beer bukas. HAHAHA. Goodluck sa headache.

...

GOOD MORNING

what a good morning, kagigising ko lang tapos nung ichecheck ko yung phone ko. Pangalan agad ni Tristan nakita ko.

Yieeehhh!! HAHAHA kinikilig si ako!!

From Tristan:

Good Morning Cat. Hindi pala kami sasabay sa inyo ngayon kasi kailangan naming mauna, kailangan kasi naming magtry out for basketball.
Text me when you get this message.

Akalain mo yun? Yieehhh. HAHHAA. Hindi sya sweet message pero shocksss, ang sweet nang message na yan para sakin.

To Tristan:

Good Morning. Galingan nyo. Fight!!

Sabi ko and then nagreply sya ng smiley! Look at that, ngayon ko lang naappreciate ang cuteness ng isang emoji a. HAHAHA

Dahil sa inspired na ako bumaba na ako kasi naaamoy ko narin yung tocino ni Chloe.

Syempre nandun narin sa kusina si Wendy at Sab. Si Wendy hawak na naman yung libro tapos si Sab naman nagpa-pluck ng kilay nya.

"Good Morning"

Bati ko sa kanila.

"Good morning"

Bati naman nila. Tinulungan ko nalang muna si Chloe sa pagluluto.

Tapos after magluto e naghain na kami tapos kumain tsaka kami bumalik sa sarili naming mga kwarto para maligo na.

May sariling banyo kami sa mga kwarto namin. Sosyal ba? HAHAHA. Di masyado kasi minsan yunh banyo ng isa,banyo ng lahat lalo na pag walang shampoo. Aba e, makikiligo yan.

...

Pagdating sa school, pupunta sana ako sa gym kaso malelate na ako.

Syempre, aral muna bago landi. HAHA.

Wag puro landi, ganern (tamaan sapul)

Nakinig lang ako ng kachurvahan ng prof namin. Well, kahit di naman ako makinig kasi nasa libro naman na yun. Babasahin ko nalang kasi kilala ko si prof, kukunin nya lahat sa libro yung question sa quizzes and exams namin.

Minsan nga yung mga questions doon e, yun narin pinapaquiz.

Lunch time

Si Chloe busy sa chorale.

Kaya kami lang nila Sab at Wendy ang magkakasama.

To Tristan:

San kayo? Hindi kayo maglalunch?

After 10 minutes...

From Tristan:

Tapos na kami kanina.

Sabi nya. Hindi ko nalang nireplyan tapos dito nalang din kami sa cafeteria kumain.

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon