WFL (10)

237 23 8
                                    

SABRINA

Wassup guys??

Ngayon, may date kami ni Drake. Yes naman, date na sakin to kahit hindi para sa kanya.

Mabuti ayaw sya ni Chloe, kasi oag nagkataon ipaglalaban ko talaga feelings ko dito.

"Sab"

Sabi ni Drake sakin. Kanina ko pa kasi sya hinihintay dito sa labas, mabuti naman at lumabas na sya.

"Tara na?"

Tanong ko.

"Tara"

Sabi naman nya.

I know...

I know...

Iba yung ngiti nya pag si Chloe kasama nya or kausap nya. Pansin ko yun, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na gusto nya si Chloe.

Well, kahit anong mangyari. Akin na sya.

WENDY

Minsan, nakukulitan narin ako dito kay Tristan. Oo, andaming nagkakagusto sa kanya dito. Kahit ako, aaminin ko nagugustuhan ko na sya.

Pero hindi normal na maging over protective sya sakin kasi in the first place, wala pong kami.

And hindi pa sya nanliligaw no, halurrr!

"Cat, ikaw nalang kasi sumama sa kanya"

Pamimilit ko kay Cat, nagpapasama kasi si Tristan sa NBS para bumili ng kailangan nya sa kachurvahan nilang engineering (di ko alam tawag dun sa may pa tracing paper na yan)

"Ayoko nga"

Sabi naman niya.

"Ang ingay nyo"

Sabi ni Chloe, wala kasi si Sab kasi may lakad sila ni Drake.

"Ikaw nalang Chloe"

Sabi ko.

"Bat ako? Ayoko nga"

Sabi naman nya.

"Sige na kasi"

Pamimilit ko, nakatingin lang sila sakin.

"Ako na, oo na, sasamahan ko na"

Sabi ni Chloe, tapos tumayo na sya para magbihis. Nakaligo naman na yan kanina. Tsaka kanina pa sa labas si Tristan, ayaw naman pagbuksan ni Cat tapos nahihiya din ako e tinatamad naman si Chloe kanina kaya dun na muna sya.

CHLOE

Ang choosy nung dalawa, nagtuturuan pa e. Ako na nga lang, tutal wala naman akong gusto sa kumag na yun!

Kapal ng mukhang saktan si Catherine.

Though hindi nya alam na nasasaktan nya na ito. Pero aware naman sana sya na gwapo sya at madaming nagkakagusto sa kanya.

"Lets go"

Sabi ko paglabas ko ng gate.

"Where's Wendy?"

Tanong nya.

"Looking for someone na wala naman dito. Papasama ka o hindi?"

Tanong ko. Inistorbo nila ako sa panunuod ko kaya bad mood ako ngayon.

"Sorry, tara"

Sabi nya. Tapos sumakay na ako sa kotse nya at umalis na kami.

...mall

"After this. Pwede mag-usap tayo?"

Tanong ko sa kanya.

"For what?"

Tanong nya.

"Wendy and Cat"

Sabi ko.

"Sure"

Sabi naman nya. Habang namimili sya e nakita ko naman sina Sab at Drake na magkasama na nakatingin din sa amin.

Inaaya pala ako ni Drake kahapon kaso sabi ko busy ako, tapos ngayon makikita nya ako rito.

Hinila nya tuloy si Sab papasok dito sa NBS

"Tris, hindi ko alam na nagdedate pala kayo ni Chloe"

Sabi ni Drake, tumingin naman sakin si Tristan. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Ya, it's a friendly date"

Sabi nya. Ngumiti naman ako.

"Kumain na kayo?"

Tanong ko kay Sab.

"No, hindi nga kami makapagdecide kung saan kakain e"

Sabi ni Sab.

"A. Mauna na muna kami"

Sabi ko, nakakuha na kasi ng mga gamit si Tristan tapos magbabayad nalang.

Pagkabayad nya e nagpunta kami ng KFC tapos dun na kumain.

"Patingin naman ako ng picture nung ex mo"

Sabi ko kay Tristan.

"Why?"

Tanong nya.

"Sabi ni Cat, she looks like Wendy"

Sabi ko. Pinakita naman nya, and deymmm!! She really looks like Wendy, though mas matangos lang ilong nitong isa tapos mas matangkad.

Napabuntong hininga nalang ako.

"You think si Wendy nagugustuhan mo?"

Tanong ko sa kanya

"Look Tristan, it is not Wendy. Hindi ka pa nakakamove on dito sa gf mo and you're not looking at Wendy as Wendy. ayokong masaktan sila, ayokong umasa si Wendy na sya talaga ang gusto mo"

Sabi ko. Napayuko nalang sya.

"You're right"

Sabi nya sakin.

"You have to move on first. Wag ka munang lalabas with Wendy lang or any other girl. Kailangan mo muna ng time para sa sarili mo"

Sabi ko pa.

"I know. Thank you"

Sabi nya. Ngumiti naman ako, tapos syempre kumain na kami. After nun, sabi ko mag-arcade muna kami para naman makapag enjoy kami ng slight.

After nun umuwi na kami.

"Feel better?"

Tanong ko sa kanya.

"yes. Thank you"

Sabi nya. Lalabas na sana ako ng sasakyan ng...

"Wait"

Sabi nya tapos nilabas nya yung wallet nya at binigay sakin yung picture nila nung ex nya.

"It's part of moving on, itago mo muna yan. And kukunin ko nalang if handa na ako ulit"

Sabi nya sakin, ngumiti naman ako tapos kinuha ko yung wallet ko at nilagay muna yung picture doon.

Ex gf ni Tristan, wag mo kong multuhin ha!! I'm only helping your bf na magmove on sayo. Be happy kung nasan ka man.

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon