WFL (29)

228 15 12
                                    

"Ano ba? Mamaya na kasi Cat. Sarap sarap pa ng tulog ko"

Sabi ni Chloe sakin, ginigising ko kasi sya. Si Drake kasi nasa baba kanina pa sya hinihintay, ayaw nga ipagising ni Drake kaso kawawa naman si Drake na naghihintay kaya ginising ko na.

"Si Drake nga nasa baba"

Sabi ko.

"hayaan mo sya"

Sabi nya.

"Kanina pa sya dun"

Sabi ko.

"Ano ba yan! Aga aga e"

Sabi nya. Pero bumangon narin sya at dumiretso sa banyo. Paglabas nya maayos na syang tignan pero nakapantulog parin sya.

"Ang aga mo Drake"

Sabi nya pagkababa nya ng makita si Drake.

"Ibibigay ko lang to kay Cat, pinamimigay ni Tristan"

Sabi ni Drake, ako pala sadya nya. Kinuha ko naman yung paper bag tapos tumingin sakin si Chloe na parang galit.

"May gagawin ka tonight?"

Tanong nya kay Chloe.

"Mer--"

"Wala. Free sya"

Sabi ko kinurot nya tuloy ako sa tagiliran.

"Can we have dinner together?"

Tanong ni Drake.

"Hin--"

"Sure. Hindi yan tumatanggi sa grasya"

Sabi ko na naman. Wala din naman syang gagawin mamayang gabi kundi ang magmovie marathon. Na kahit boring na yung movie sige parin.

Inuulit ulit nga lang nyang panuorin yung iba e.

Umalis din naman si Drake tapos kinuha ko na yung laman ng paper bag.

Box po sya, inopen ko din yung box tapos may laman necklace na may pendant na heart tapos sa gitna e may emerald na maliit.

"Ay o. Binabayaran ka te"

Sabi ni Chloe.

"Baliw!"

Sabi ko nalang tapos ilalagay ko na sana ulit sa paper bag tapos kay sulat sa loob.

"See you tonight. Let's have a dinner date. 7 pm"

Sabi dun sa sulat. Ay wow! Di manlang tinanong kung pupunta ako.

"Wala kang gagawin kaya pumunta ka rin, pinahamak mo ako kay Drake e"

Sabi ni Chloe. Nag peace sign naman ako

Tapos hindi na sya natulog. Lumabas nalang kami muna para magpunta ng resto. Nagutom kasi kami e ayaw naming gumastos kaya dun na muna.

Pagdating namin, alam na ng mga crew yung gusto namin. Naghintay lang naman kami saglit tapos, yun na meron na. Kumain na kami.

...

Kinagabihan.

Nakalimutan namin na may lakad pala kami ni Chloe, ayun tsaka lang namin naalala ng nandito na yung dalawa.

1 oras din sila naghintay a. Well, mabilis na yun kasi nararattle na kami.

Tapos umalis na kami.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Tumatango lang ako pag may tinatanong sya, alam nyo yung aso na nilalagay sa harap nung kotse tapos tumtango tango lang? Ganun na ganun ako.

Hanggang sa makarating kami sa isang resto. Grabe, dito talaga?

Ginto ang mga pagkain dito! Ang mamahal.

"Sa iba tayo. Mahal dito"

Sabi ko sa kanya.

"Mahal kita e"

Sabi nya sakin. Hindi po ako kinilig doon. pumunta nalang kami sa table namin, tapos naupo na ako.

Pinagtitinginan po kami ng mga tao ngayon dito.

Hindi naman kasi bagay ang outfit ko dito. Tong kasama ko na galing pa atang work at naka business suit pa tapos ako na ripped jeans at hanging na damit.

Ano na? Ano na?

"Sana sinabi mo na magfa-fine dining tayo para nakapagdress naman ako"

Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya.

"There's nothing wrong with what you're wearing tonight. You look beautiful"

Sabi nya sakin. Kung yung dating Cat pa ako na patay na patay sa kanya, edi sana kinikilig ako ngayon.

Nginitian ko nalang sya tapos dumating yung order nya para sa amin.

"Let's eat"

Sabi nya sakin. Kumain na nga kami.

Fast forward...

After namin kumain, hindi muna kami umuwi kasi inaya nya muna ako sa bahay nya. Oo, bahay daw nya kasi sya lang naman daw nakatira dun at yung parents nya nasa germany parin at tayo tumira dito.

Another thing, ayaw ko pong tumira sa ibang bansa kaya in case na gusto nyang manirahan doon just in case maging kami nga. Dapat ako yung masunod.

Ok na ako na pumapasyal pasyal sa ibang bansa pero mahal ko ang bansa ko e.

Pagkarating namin sa bahay nya. Masyadong malaki ito kung para lang sa kanya.

"Mag-isa ka lang talaga dito?"

Tanong ko sa kanya.

"Ya"

Sabi naman nya.

"Ang laki masyado"

Sabi ko.

"Tama lang yan. Para satin pag kinasal na tayo"

Sabi nya. Problema ng lalaking to? Di ko pa nga sinasagot kasal na agad ang sinasabi.

Hinayaan ko nalang.

Tapos naghouse tour lang po kami, after nun wala na. Hinatid na nya ako sa bahay.

CHLOE

"Whooooooowwww"

Sigaw lang ako ng sigaw. HAHAHA. Ang saya!

"Whoooowwwwww"

Sigaw ko pa. Biglang hinawakan ni Drake yung kamay ko, napatingin naman ako sa kanya.

Umiiyak ba to? Natatakot dito sa rides?

Opo, hinila ko po sya palabas ng resto na pinuntahan namin kasi ang mahal po doon. Sabi ko magstar city nalang kami, atleast dun masaya.

After ng rides bumaba na kami.

"Bat ka umiiyak kanina?"

Tanong ko.

"Masaya lang ako that i can see those smiles again"

Sabi nya tapos niyakap nya ako.

"Andrama mo"

Sabi ko at tinulak ko sya. Sinubukan namin lahat ng ride tapos umalis na kami para kumain.

After nun, wala na. Hinatid na nya ako tapos umalis narin sya agad. Pero wala si Cat ng makauwi ako kaya hinintay ko muna sya. magpapahinga muna ako, napagod ako sa rides e

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon